one.
"Hey! Tuloy na talaga kayo ni Tyrone ah!" sabay hampas sa braso ko. Kung makahampas naman sya parang labag sa loob nya na Engage na kami ng boyfriend ko I mean Fiancee.
"Cha! I have to go na! Aasikasuhin ko pa yung bahay namin sa Laguna. Best wishes ah." sabi ni Ralph. Asawa ng friend ko na si Alexandra. Matagal na rin silang mag-on kaya last year nagpakasal na rin sila at di katagalan ay kami naman ng Tyrone ko ang magpapakasal.
"Sige. Thankyou for coming. Ingat kayo, Alexandra ah! Thankyou. Thankyou." Niyakap ko muna si Alexandra bago umalis. Titira na rin kasi sila sa Laguna ni Ralph kaya madalang na lang kami magkikita. Nakakamiss tuloy noong high school kami na halos araw araw magkadikit kami dahil chinichika nya sa akin yung One Direction.
"Hi there!"
"Hmm.. Tanya! Thankyou for coming! Sorry kung naistorbo ko yung--"
"It's alright. Engagement party ng bestfriend ko kaya kailangan makadalo ako. Right? And besides dito na ako mag iistay. Nakaka suffocate na sa Japan living with my Mom and his boyfriend."
"Ah sige. Salamat ulit." sabi ko.
"Punta lang ako doon." Tumango lang ako bilang sagot. Masaya ako na nagka ayos na kaming mag bestfriend. Madami kaming pinagdaanan pero napatawad ko pa rin sya. Ano naman kasing mapapala ko kung habang buhay magtatago ako ng sama ng loob sa kanya diba?
"Tss. You invited her! How could you, Charity Alene Hermosa soon to be Hermosa Esguerra!" sinisigawan nanaman ako ni Vynice. Cousin nya si Tanya but hindi sila close at galit na galit sya doon dahil sa pag sulot nya sa boyfriend ko.
"Vynice, past is past. Tama na! Mag bati na tayo. Kayo pala." Inirapan nya lang ako na halatang kinaiinis nya. Actually parang sya ang inagawan at hindi ako dahil sa sobrang galit nya. That was 3 years ago pero hindi pa rin nya kayang patawarin yung pinsan nya.
"No way! I will never do that! Pag tapos nyang--"
"Lahat tayo dapat nagbibigay ng second chance." mahinahon kong sagot.
"DUHH! CHARITY! 3rd chance na kaya to! Anong pinagsasasabi mo? Tsk! Muntikan na nga rin nyang agawin pati yung AJ ko! Subukan nya lang para mailibing ko sya ng buhay!"
"Hey! Ikaw talaga! Matagal na yun kaya kalimutan na natin."
"Tsk! Bat ba ganyan ka?! Masyado kang mapagpatawad eh hindi naman deserve nyang bit--"
"Oh! Oh! Tsk. Vynice, ako ang magagalit sayo! Watch your mouth! Don't say bad words. Alam kong hindi na nya ulit uulitin yun." Tiwala na ako kay Tanya which is my bestfriend na hindi na nya ulit aagawin yung Fiancee ko lalo na't 3 months na lang ikakasal na kami. Feeling ko naman wala na syang balak pang manggulo ano?
"Ewan ko sayo! Bakit ba-- Ay punyeta!"
"Hey! Vynice!" napatingin ako sa kanya dahil nagmura sya. Pag lingon ko wala na sya sa tabi ko, hinanap hanap ko sya nang makita kong binuhusan nya ng juice si Tanya. Aishhh! Nababaliw na naman tong si Vynice.
"Vynice!" sigaw ko sa kanya pero hindi nya ako nililingon. Ayoko namang masira yung engagement party ko dahil sa nag aaway nanaman sila.
"Hey you! Mother fvcker! Kung wala ka ng ibang malandi, manlandi ka ng aso dyan sa may kanto! Gago ka ba?! Boyfriend ko tong nililingkis mo! What the hell, Tanya May Levista!" Pinipilit kong pigilan yung mga bad words na lumalabas sa bibig nya pero hindi ko sya mapigilan. Pati nga ako nasigawan nya rin dahil sa galit nya. Well, kung ako din naman kasi makita ko si Tyrone at Tanya na magkayakap magagalit ako.
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend ko pa ?
FanfictionSa dinami-dami ng babaeng pwede nyang kalantaryuhin, Bakit bestfriend ko pa?!