two.
*bzzztt. bzzt.
From: Tanya Levista
Hi cha! Good am. Punta ka naman dito sa condo ko then pasyal tayo. Namiss ko kasi yung dati. Kitakits! =))
After ilang years hindi na nga kami nagkakasama samang bestfriends. Ganun ba talaga yun? Sobrang laki ng galit ni Vynice kay Tanya ni hindi ko nga alam kung bakit pa rin sya nagagalit eh napatawad ko na naman si Tanya. Isama ko kaya si Vynice? Eh pano kung mag away na naman sila tapos mahihirapan lang akong mag awat sa kanila? Haiisxt!
"Hmmmmm." Tiningnan ko si Tyrone na tulog pa rin hanggang ngayon. I'm so lucky to have him. Grabe ang himbing ng tulog niya. Napaka haba ng pilik mata niya at chinito. Super bait pa. Minsan ka na lang makakahanap ng lalaking gwapo, mabait at ikaw lang yung mamahalin kaya naman ang swerte swerte ko sa kanya.
Tap to reply.
To: Tanya Levista
Sure sige ;) See you there! :*
Nilapag ko na sa katabing lamesa yung phone ko. Pumunta ako sa CR para maghilamos. Kinuha ko ulit yung phone ko habang nagpupunas ng towel sa muka. May message ulit.
From: Tanya Levista
Uki. Hm, wag ka mag sasama ng OTHERS ah. Kbye!
Hayy! Sino naman yung tinutukoy nyang others? Si Vynice? Pinsan nya pa rin yun baliktarin mo man ang mundo. Wala na siguro akong magagawa para magkabati yung dalawang yun. Past na naman yun eh. Dapat iwanan na ang past para makapag focus na tayo sa present at future. Eh nililingon lingon pa kasi yung past.
Tumingin ako sa orasan, 8 am pa lang pala. Ang aga naman naming aaura ni Tanya?! Matapos kong basahin yung text ni Tanya, pinaghanda ko muna ng breakfast si Tyrone. Nakakaawa naman kasi ung aalis agad ako eh hindi pa nag aalmusal yung mahal ko. Siya rin kasi nag asikaso ng Engagement Party namin halos lahat sya nag asikaso para ngang wala akong ginawa. Sitting pretty lang here. Ayaw nya raw kasi mapagod yung Misis nya. Omegesh! I'm so kinikilig!
"Hi ate! Anong nilulto mo?" kakagising lang ni Yohan may pakusot kusot pa sa mata. Kyaahhh! Ang cute talaga ng little brother ni Tyrone. Umupo na siya sa may lamesa habang humihikab. Binata na rin yang si Yohan, mga 13 years old na siguro.
"Fried rice, bacon, hotdog, egg, coffee with love. Haha!" sabi ko. Tumawa na lang din sya sa sinabi ko. Lumabas tuloy yung dimples nya. Cute cute!
"Ate Cha? Wala po bang Milo? Gusto ko nun!"
"Ah osige teka lang ipagtitimpla kita." sabay ngiti ko kay Yohan.
"Thankyou atee!" Kinuha ko yung Mug niya. May sari sarili kaming baso dito baka daw kasi magkahawaan ng sakit sabi ni Tita Faye yung Mommy ni Tyrone. Maselan man tingnan pero para makaiwas na rin sa sakit kung meron man. Inabot ko sa ibabaw ng ref yung lalagyanan ng Milo.
"Ate! Ate! Gusto ko yung mainit na mainit na mainit na mainit ah. Hahahaha!" loko talaga tong si Yohan. Tumango ako sa kanya. Nilagyan ko ng 3 kutsara ng Milo yung mug nya saka ko nilagyan ng mainit na tubig. Hinalo halo ko na yung Milo.
"Hi ma! Goodmorning!"
"WOW ATEE! THE BEST FRIED RICE!!!! WHOOO!!" sigaw ni Yohan. Pagharap ko ikinagulat kong nasa harap ko pala si Tita Faye. Hindi ko sinasadyang matapon sa damit nya yung Milo na sobrang init.

BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend ko pa ?
FanfictionSa dinami-dami ng babaeng pwede nyang kalantaryuhin, Bakit bestfriend ko pa?!