LIS

12 0 0
                                    

Kalagitnaan na ng summer. Siyempre napakainit ng panahon, maalinsangan. Laging bukambibig ng mga nakakausap "ang init naman grabe". Nagkakandarapa ang mga tao kung paano maibsan ang maalinsangang panahon. Pasyal, kain ng halo-halo, swimming, gumamit ng electric fan, aircon atbp. Dahil nga mainit ang panahon minsan umiinit din ang ulo ng mga tao. Gaya kanina sa skul namin. Rush mode ang lahat kailangang tapusin ang LIS. Nagtataka kayo kung ano ang LIS, basta sa internet 'yon hehe. Para 'yun sa mga mag-aaral namin. Kailangan da matapos hanggang 11:59 ngayong araw. Siyempre mahirap na ang mahuli di ba? Kaya trabaho agad. Naglabasan ang mga gadgets-laptop, netbook, mdernong selpon at tablet. Sa skul namn gagawin kasi nga may access ang internet, naka-wifi kaya! Sa una okay pa pero pagkalipas ng ilang minuto naku hayan na ang mga himutok ng ilan at naki-uso na rin ako. Mabagal kasi ang pag-usad ng internet. Naubos ko na ang isang basong ice cream ko tatlong bata pa lang ang naipasok na pangalan. "Sobrang bagal ng net!" ang sigaw ng karamihan. Kaya kung maikli ang pasensiya mo walang mangyayari sa ginagawa mo. Pero sa kaso namin kanina pahabaan na lang siguro nito (pasensiya). Sabi nga ng isa bakit daw kasi naimbento ang internet. Napangiti na lang ako sa turan niya. Sa kalagitnaan ng aming paggawa at pag-kuwekuwentuhan nadiskubre ko na tapos na pala ang ilan kasi nakikita naman sa site. Curious ako sa nakita kaya nagtanong ako. Aba, matagal na pala nilang tapos. Kung sinabi lang sana nila samin nun eh di tapos na rin namin. Okay lang naman kasi madali lang namang gawin kaya lang ang himutok ko dahil nga marami ang gumagamit sa site palaging server error. Magsasayang ka na naman ng ilang minuto para maipagpatuloy ito. Oo mabilis na kung mabilis akong magtrabaho kaya lang may limitasyon din. Gaya nga sa sitwasyon na sinabi. Eh kung mabilis lang ang net eh di hindi na ako makaabaot pa ng alas-singko sa paggawa nito. Aking napagtanto na may hangganan din ang lahat lao na ang pasensiya. Hindi ko maipagkakaila na uminit talaga ang ulo ko. Galit talaga ako! sinubukan kong intindihin pero hindi ko maintindihan. Hindi naman sa nanunumbat ka pero mali kasi eh. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kasi ang buhay hindi pwedeng laging masaya. Tao lang ako may emosyon. Naisantabi ko masayahin kong personalidad dahil sa nangyari. Ang sabi ko na lang sa sarili ko "umiikot ang mundo". Minsan ang buhay ay maaraw minsan naman maulan at sa kasamaang palad minsan bumabagyo. Ganun din tayo hindi ba? Masaya, malungkot, naiinis, galit ang lahat ng itoy parte ng ating pagkatao. Oo't iba-iba tayo sa itsura at pag-iisip pero may mga pagkakataong pareho ang laman ng ating kalooban. Kaya LIS, internal server error, sa ice cream na kinain ko, sa mga taong nakakwentuhan ko, ang netbook ko, ang home economics room at ang mga taong nakasalamuha ko sa labas ng room maraming salamat. Isa na namang makabuluhang araw ang naranasan ko. Ang sarap mabuhay. Hay! :-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon