Chapter 5

5K 336 44
                                    

SERGIO AREN

Nakapang P.E. akong lumapit sa aking mga katropa. Nasa tambayan na silang lahat. Pinakahuli akong nakarating dahil tinapos ko pa ang parusa ni Sir Monteiglesia. Tagaktak ang aking pawis at halos pigain ko na ang aking pinampupunas na panyo. Naghahalo ang matinding pagod at sama ng loob ko sa aming guro.

"Ilang rounds pare?" asar agad sa akin ni Francis.

"Putek. Tatlo!" yamot na wika ko.

"Karma yan tol! Inasar-asar mo ako last week. Ikaw naman ngayon," halakhak ni Ryan. Wala talagang sinasanto si Sir Monteiglesia pati si Ryan na hindi naman siya ang adviser pinatakbo niya rin sa oval porket nakakuha ng zero sa subject niya.

"Gago! Ikaw kasi zero! Ako one point lang ang kulang pasado na. Unfair talaga kahit kailan yang Monteiglesia na yan! Dapat based on score yung parusa. Dapat sa gaya ko kalahating ikot lang kumpara naman dun sa mga zero!" pasigaw na sabi ko sa huling salita nang sinasadyang itapat ang aking bibig sa tenga ni Ryan.

Tinulak ko si John Mark paalis sa bench. "Pwesto ko yan. Dun ka sa pwesto mo sa puno!"

"Damot mo tol!" reklamo ni JM , palayaw ni John Mark,sabay akyat sa sanga ng malaki't malagong puno ng sampalok. Bagsak ang mga balikat na naupo ako. I wanted to rest both legs on the bench but Clifford was sitting beside me. Di ko siya maangasan dahil mukhang may problema na naman sa kanyang ama. May pasa sa kaliwang cheekbone eh.

Tambayan at teritoryo namin ang puno ng sampalok. Mataba ang katawan nito na nahahati agad sa dalawang sanga na siyang pwesto ni JM. Sa ilalim ng puno ay may isang mahabang bangkong kahoy at iyon ang pwesto ko. Sa malalaking nakausling ugat naman ang puwesto nina Francis, Ryan at Clifford. Katapat ng puno ay ang dormitory daw ng mga atleta na lagi namang bakante. Bibihira lang ang dumadaan maliban na lang yung mga patungo sa staduim ng track and field na wala pang isandaang metro ang layo mula sa aming tambayan. Tanaw namin ang oval running track at damuhan. Ang tanging mga gumagamit niyon ay yung mga napapaparusahan ni Monteiglesia at mga estudyanteng napipilitang mag P.E. Walang hilig sa sports ang mga tao sa school maliban kay Monteiglesia na tila ipinipilit gustuhin din ng mga estudyante ang hilig niya.

"Insecure ata yan si Sir Kraig sa mga pogi dito sa school kaya sila ang madalas pag-initan. Gusto ata siya lang ang pogi dito ," ani JM sabay kagat sa pinitas na dahon ng sampalok.

"Sinong may sabing gwapo ang sadistang teacher na yun?!" di pagsang-ayon ni Ryan.

JM cackled. "Tol aminin na natin gwapo talaga si Sir Kraig."

"Bakla ka ba ha?! Wala ka nang ginawa kundi sabihing pogi yung PE teacher na yun!" pikong sabi ni Ryan.

Tumawa ng malakas si JM. "Pare ako bakla?! Eh mas marami pa nga akong naging syota sayo eh," nang-aasar pa lalong sabi niya.

Tumayo si Ryan at nangingitngit ang mga ngiping humarap kay JM. Nakakuyom na ang mga kamay. "Marami nga pero lahat hiniwalayan ka agad at lahat katwiran nila boring kang karelasyon!"

Inawat ko sila nang animong mag-uupakan na. "Tama na yan! Mag-aaway- away ba tayo nang dahil lang kay Sir Monteiglesia?"

Huminahon si Ryan at bumalik sa kanyang pwesto.

Bumaling ako kay Francis na walang pakialam sa sagutan ng dalawa at tatawa-tawa lang na nanonod ng video sa cellphone. "Francis let your Mom talk to our principal as soon as possible!" I snapped. "Pag di umalis yang Monteiglesia dito baka ako ang umalis! I can't take that crazy teacher anymore!"

Nag-angat ng mga paningin si Francis. "Ang usapan natin tutulungan mo muna ako kay Karlyn. Yung unang idea mo palpak naman. Ni hindi man lang ata ako nakapuntos. Parang nagalit pa nga!"

PRETTY YOUNG HEARTSWhere stories live. Discover now