Larawan by Megumi

12 3 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*"LARAWAN"

Isinulat ni Megumi

Larawan!
Ika'y munting bagay
Ngunit mahirap ilarawan
Nang isang salita lamang

Larawan!
Nagkukubling alaala
Pilit na binabalikan
Sa tuwing ika'y pinagmamasdan

Larawan!
Bagay na nagpapaiyak
O kaya nama'y nagpapagalak
Sa taong sa 'yo ay may hawak

Larawan!
Masakit at masaya ang ipinapakita
Ngunit pinangangalagaan kita, kahit puno ng kupas na alaala
Sa tuwing ika'y aking nakikita puso ko'y nakangiting lumuluha

Larawan sa mga nagdaan ko'y ika'y nariyan
Dahil sa 'yo paulit-ulit kong hahangarin ang nakaraan
Sapagka't sayo'y natuto akong tumingin sa aking pinanggalingan

Larawan sa 'yo ang mga yumao'y muling nabubuhay


Kaya sa kalungkutan ng pangungulila ko'y napapawi't humuhupa
Salamat dahil ngayon pwede kong pangarapin ang kahapon

Larawan! Sa pagputi ng buhok ko
Ikaw ang magku-kwento sa aking mga apo


Sa pagpanaw ko mananatili akong buhay sa 'yo

Larawan, larawan mananatili akong kasama nila sa puso't isipan.


______________________

© Copy Right 2017

All Rights Reserved

Pens & Papers: "LARAWAN"Where stories live. Discover now