The Devil's Wrath
@MyJaff~
“PAANO mo nagawa sa ate mo ito Zal?! Malaking kahihiyan ito sa pamilya natin!”
Nabibingi si Zera sa mga sigaw ng kanyang ama at the same time namamanhid ang utak niya, hindi makapag function ng maayos matapos ang mga narinig. Totoo ba iyon o gawa gawa lang ni Rocky para gulohin ang buhay niya? Bakit? Hindi pa ba ito nakuntento sa sakit na idinulot nito sa kanya seven years ago? Bakit kailangang magsinungaling pa? Bakit kailangang sirain nito ang pamilya niya?!
“Daddy parang awa mo na, sabihan mo sina Kuya Zendrix at Kuya Zaj na huwag dalhin si Timothy sa torture room. Nagmamakaawa ako Daddy! Asawa ko siya dad. Mahal ko siya.”
Napasinghap ang kanyang ina ng malakas na sampalin ng ama niya ang bunsong kapatid. Iyak naman ng iyak si Zal.
“Hindi ka na nahiya sa Ate mo sa mga pinagsasabi mo Zia Larraine?! Hindi ka naman pinalaki ng Mama mo na para bang nauubosan ng lalaki! Pati ang Ate mo inagawan mo pa?!”
“Siya ang nang-agaw!” Marahas na sagot nito. “Ako ang tunay na asawa pero ako ang nanlilimos sa oras?! Di ba nakakagago iyon? Ako ang pinakasalan ng totoo pero sa ibang bahay umuuwi! Ako ang legal pero ako ang patagong kinikita?! Bakit? Bakit ang unfair ng buhay sa akin?! Lahat na lang na kay Ate Zera na! Atensyon niyo, pagmamahal niyo pati ba naman perfect husband sa kanya na?! Hindi ba pwedeng ako naman?!”
“Kilabutan ka sa mga pinagsasabi mo Larraine!” Sigaw ng kanyang ama. “At bakit ka nagpagamit sa lalaking iyon para sirain ang Ate Zera mo? Alam mo ba ang lahat ng tungkol sa plano ng gagong iyon?”
“Hindi ko alam at kung alam ko man, mamahalin ko pa rin siya Dad.” Umiiyak na sagot nito.
Magsasalita pa sana ang kanyang ama ng tumayo na siya. “Tama na Daddy.” Lakas loob na pigil niya bago binalingan ang kapatid. “Kung hindi mo pala alam bakit ka pumayag na ganito ang mangyari? Kasi mahal mo siya? Bulag ka rin sa pag ibig Zal?! Bakit?! Bakit kailangang umabot sa ganito? Kapatid mo ako pero hindi mo man lang naagapan ang mga nangyari na! Mahal ko rin si Timothy! Pinaramdam niya sa akin iyong mga bagay na halos hindi ko na maramdaman noon kay Rocky pero ngayon sa tuwing iisipin ko iyon, hindi ko alam kung totoo ba ang mga pinakita sa akin ni Tim o parte lang ng paghihiganti niya.”
Nagulat siya ng lumuhod si Zal sa harapan niya, nagkalat na ang mascara nito sa mukha. “Akin na lang siya Ate, akin naman talaga siya e, ako ang asawa niya. Akin dapat siya parang awa mo na huwag ka ng makihati sa akin. Mahal na mahal ko siya.”
“Diyos ko.” Ang Mommy nila. “Ano bang nangyayari sa mga anak natin, Leon?”
“You will never see that man again, Zia Larraine! Never again!” Her Dad roared.
“Anong gagawin mo sa kanya?” Sabay na tanong nila ni Zal.
“I will not kill him but Danz can made him literally crazy. Si Danz na ang bahala sa gagong iyon! Wala kaylng kinalaman sa kung ano mang ginawa ni Rocky sa kapatid niya kaya wala siyang karapatang ibaling sa inyo ang galit at paghihiganti niya. Too bad, I am a torturer! I never ever let this off!”
“Daddy!” Si Zal iyon dahil sa totoo lang hindi alam ni Zera kung ano ba dapat ang maramdaman niya, masyado siyang durog ngayon.
Why? Why did she end up like this?
ETHQ, ang lugar na hindi na inaakala ni Zera na babalikan pa niya lalo na ang torture room, minsan lang siyang nakapasok dito at hindi na nasundan, hindi niya alam na makakapasok pa pala siya ulit dito para kausapin ang asawa niya. Asawa nga ba? Puro kasinungalingan ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Devil's Wrath (COMPLETED)
Ficción GeneralROCKY COSTALLES' STORY EVIL TORTURERS SECOND GENERATION @MyJaff