Chapter 3 (Meet her Mom)

9 0 0
                                    

Shadow's POV

Nakatulog pala sya sa likod ko kaya dahan dahan ko sya inihiga tapos pagkatapos ko na sya ihiga umupo ako. Napatitig ako saglit sa mukha nya, napansin ko na maamo pala ung mukha nya pag natutulog kac pag gising to walang ibang mukhang hinaharap sakin kundi puro asar pati galit na mukha eh.. Ang cute nyang tignan ang sarap pisilin ung pisngi!!! bago ko pa man mapisil ung pisngi nya bigla syang dumilat.

"Lord!! sorry na po!! mabait naman ako ehhh!!! pramis di na po ako gagawa ng kasalanan itaboy nyo lang po ang masamang espiritu na nasa tabi ko!" aba! loko to ah! ang alam ko paa nya ung nainjured hindi kasama ung ulo pinitik ko nga ung noo!

"Araaaayy" bigla syang nagpout. Oo na cute na sya di na nya kailangan pang magpout para magpacute tsss!

"Oh?! Anung pinapout pout mo dyan? akala mo cute kang tignan hindi no! kung wala ka lang pilay pinatulan na kita eh!"

"Sige nga! bakla ka pala eh napatol sa babae!"

"Bakit pinatulan na ba kita? tsss"

"H-Hindi pa!"

"Tssk!tara na nga ihahatid na kita sa bahay nyo" wala na syang nagawa kaya inihatid ko na sya sa bahay nila..

Rhyme's POV

Nandito na kami sa tapat ng bahay ng biglang may lumabas ng gate sa bahay namin at iyon c mama!!! Hala!patay!! nakapiggyback ride pa din kac ako kay shadow kac masakit pa din ung paa ko!! Nakita na kami ni Mama ayan na wala na! sa una nagulat sya pero napalitan ng pagkagulat nya ng malapad na ngiti at makahulugang tingin.

"Oh anak? anong nangyari?cno yan boyfriend mo?!! abay pasok sa loob ng makilatis bili!" mangiti-ngiting sabi ni mama

"Ma!!!!Hindi ko sya boyfriend! hinatid nya lang ako kac napilayan ako sa paa."

"O sya sige pumasok kaung dalawa sa bahay may merienda sa loob" edi aun! pumasok na kami binaba ako ni Shadow sa sofa namin tapos naghain si mama ng merienda

"Hmmm.. So hindi mo pa sya boyfriend ibig sabihin nanliligaw pa lang?"

"Ma!!! For pete's sake!! he's not my boyfriend neither a suitor!! He is... he.. is ahhhmm" Paano ko ba masasabi kay mama na si Shadow ung no.1 enemy ko?!! ayan tuloy baka mamisunderstood ni Shadow ipagyabang pa nya sa school na may gusto ako sakanya! ayan na nga ba cnasabi ko naghihintay din ng sagot ko si Shadowat halatang interesado nyang malaman ung sagot ko.

"He is my.... CLASSMATE!!!" nakahinga ako ng maluwag ng cnabi ko na yun

"ahhhhhh.... classmate....Iho gusto mo dito kana din magdinner?"

"Nako hindi na po inaantay na din po kac ako sa amin ehh salamat po sa merienda.. Rhyme una na ako" tssk! masyado syang mapanlinlang kunwaring mabait nakuuu! -_-

"Sige" at umalis na si Shadow

"Uy anak sigurado ka? hindi mo yan boyfriend o manliligaw? ayiiiee ang anak ko lumalandi na!"

"Ma!hindi no!! naalala mo ung sinasabi ko saung nambwibwisit sakin sa school araw-araw? sya un ma!"

"Eh bat mukhang mabait naman? atsaka tignan mo hinatid ka pa nya dito oh"

"Looks can be deceiving ma atsaka sabi mo mago-online ngaun c papa bakit hindi pa nakabukas ung computer?"biglang lumungkot ung itsura nya. Sabi na ehh hindi nanaman nagonline c papa masyado kac syang busy sa trabaho....

"Sige ma punta na lang ako sa kwarto patawag c Nanay Linda para maalalayan ako sa taas ma" then I kiss her on her cheek to make her calm

Kinabukasan

Good morning sa inyooooo~~  *unat dito* *unat doon* tapos tinignan ko kagad ung cellphone ko at

From: Sky <3

Good Morning :)

"Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!" Syeteaa! nakakakilig ahaha!! batiin ka ba naman ng good morning ng crush mo ehh!! kyaaaaaahh!! biglang may pumasok sa kwarto ko

"Oh ano un Rhyme? may nangyari sayo??" pag alalang tanong ni Nanay Linda

"Aaaahhh he-he wala po " tapos nakapeace sign ako sakanya

"sge bumaba kana nakahanda na kac ung almusal mo"

"sge po! " energetic kong sagot kay nanay pano ba naman umagang-umaga pa lang full charge na ako!! :)

Sa School

Kanina pa ako nakaupo dito at walang magawa pano ba naman si Sky pati si Melody masyadong sweet kung magharutan T.T anu ba yan nakakaselos.. how I wish na sana ako ung nasa katayuan ni bessie ngaun kaso malabong mangyari un eh :( bat ganun kaninang umaga naman nag good morning sya sakin sa text ahh nagkamali ba ako? baka kac gm lang un :( umalis na lang ako ng room at pumunta sa garden ng school namin tapos dun naglabas ng sama ng loob sinipa ko ng malakas ung bato taposssss......

"Araayy!" di ko kilala kung san galing un la akong pake magdadrama muna ako

"Bat ganun hindi pa din tumitigil ung pagkirot ni Mr. Heart :( alam ko naman na masayang kasama si Melody ehh masaya din naman akong kasama ahh atsaka kaninang umaga naggoodmorning sya sa text with smiley face pa un tapos ganto?!! :(" any minute tutulo ung luha ko pinipigilan ko lang

"Hoy bat mo ako binato ha?! inaano kita?! ang aga aga!!" Si Shadowpala.. :( di ko na napigilan ung luha ko at nagsiunahan na clang bumagsak

"O-oh? Bat ka umiiyak cnong nang away sayo ha??"

"W-wala" Mas lalo pa tuloy ako umiyak this time with matching hikbi na. Hindi ko alam kung bakit sa harap pa nya ako umiyak of all people bat sya ung nandito?

"Sino yan bili sabihin mo sakin!! reresbakan ko!! Dapat ako lang ung nagpapaiyak sau no dapat ako lang nambwibwisit sau!!" lumapit sya sakin at pinunasan ung luha ko bigla akong napahinto sa pagiyak nang mapansin ko na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa 8tug dug tug dug tug dug* sana hindi nya naririnig ung tunog ng heartbeat ko ngaun!! ano bang nangyayari sakin maya maya din ay nakatitig na din sya sakin. walang nagsasalita at walang kumikilos ni isa samin ang hirap huming for the first time I found out that being quiet is loud because I can hear that my heart was beating so fast. napansin kong lumapit pa ang mukha nya sakin ng palapit ng palapit ng....

 

------------------------------Author's Note-------------------------------

Waaaaaaaahh!! ano?! Magkikiss ba sila o hindi?!! ahahaha!! tignan na lang natin sa next na chapter ;) 

Love TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon