I can still smell my scent in my pillow. I hug it tight kasi nga naman ang sarap yakapin nang unan ko especially mabango ito. I keep on hugging it while rolling in my bed. A knock from outside got my attention.
"Miss Suxel, Late na daw po kayo."
I immediately look at my digital alarm. Halaa! 6:15 na. Agad akong napabalikwas sa hinihigaan ko. what to do?! what to do?!
"okay suxel, calm down. you need to think kung ano ang uunahin mong gawin."
pag papakalma ko sa sarili. sa huli mas inuna ko padin ang maligo. di narin ako nag breakfast kase, seryoso late na akooooo. huhu lagot nanaman ako neto kay ma'am. wala nagawa sina mommy at dad kasi nga tumakbo na ako agad.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Pagkadating na pagkadating ko sa room, agad na akong pumasok. 2nd row yung upuan ko kaya medyo kita yung pag daan ko. nakita ko kung paano ako tingnan nang mapait nang Instructor namin.
I immediately look at my sitmate, only to find out na nakatingin din pala siya saakin and he's giving me this Maupo-ka-na-look. at ngumuso pa siya sa upuan ko. aba! first time 'to ah! pinansin niya ako. himala! nag balik ako sa aking huwisyo nang magsalita ang aming instructor.
"Miss Ferrer, Kailan mo balak umupo? "
Agad naman akong nakaramdam nang hiya kasi nga nasaakin na pala ang atensyon nang buong klase. tinungo ko ang upuan ko, at nginitian 'tong katabi ko. di naman siguro masama kung maging magkaibigan na kami ngayon tutal wala din naman akong magagawa kundi ang patawarin siya and besides, we're just a kid few years ago. those were just part of the past now. Nawirdohan ata siya sa biglaang pag ngiti ko sa kanya kaya parang medyo natigilan siya.
"Kanina pa ba kayo nag start?"
tanong ko. alam ko namang medyo pangit yung tanong ko. pero wala akong pakealam. what I want is to initiate the first conversation para magkaroon na kami nang reason mag usap. pero tango lang ang natanggap ko galing sa kanya. haaayy.. Paano ba makipagbati dito? alam ko kasalanan niya kung ba't ako natransfer noon, pero aminin ko rin na meron din naman akong kasalanan, kung di ba naman ako isa't kalahating tanga at sumunod nalang dapat sa batas nang school, edi sana, di mangyayari yung pag transfer ko. kaya may rason na ako ngayon para kausapin siya. kakausapin ko pa sana siya nang sitahin ako nang Instructor namin.
"Miss Ferrer! Stand Up!"
patay. Naku! patay talaga ako neto.
"I want you to report Chapter 7. I want it to be reported the day after tomorrow."
nalaglag ang panga ko. mahaba ang cover nang chapter 7 at kung kailangan nang ireport ito the day after tomorrow, There is a big possibility na di ko maunawaan nang maigi ang irereport ko. nanatili akong nakatawo dulot nang matinding pagkadismaya hanggang sa mag dismiss. wala ang teacher namin sa next period kaya nagpunta nalang akong cafeteria dala-dala yung libro na kailangan ko. I nees to start reviewing. kailangan ma-accomplish ko 'to. I was busy reading when someone caught my attention.
"Hi. nagkita nanaman tayo."
I was stunned. Wearing his red hair, singkit eyes, fair complexion, and his charming smile. I can say that his handsome. OMG kuya Engineering! yeah siya nga.
"U-uhh hi. "
tipid kong sagot. Natawa naman siya sa naging sagot ko.
"pwede pa-share nang table? puno na kasi lahat eh. okay lang ba?"
Luka-luka lang ang tatanggi. agad kong tiningnan ang paligid. hala! di ko namalayang lunch na pala. nawili ako masyado sa pag babasa. kaya tumango at ngumiti nalang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. umupo naman siya agad. napansin niya ang librong kanina ko pa binabasa.
"Ahh, math. paborito mo bang subject 'to?"
ngumiwi nalang ako na agad naman niyang ikinatawa. tinanong niya ako kung bakit tapos kwinento ko naman. Feeling to ang gaan-gaan nang loob ko sa kanya.
"Bata palang ako favorite ko na ang math. kaya plano kong mag-engineer."
"talaga?! ako walang kahilig-hilig sa numbers. kaya eto ngayon, nahihirapan. "
"gusto mo tulungan kita. sort of tutor? para naman di kana mahirapan."
"talaga?! naku thankyou! paniguradong mas gagaan na ang math para sa akin ngayon lalo na't may magtuturo saakin."
nakangiti kong sagot. we were about to leave when someone grab my arm.
"dito lang tayo. mag rereview tayo."
sa lamig palang nang boses niya alam ko nang si Calvin ang nagsasalita.
"Uhh. Calvin? bakit ka nandito? tsaka, anong review? may exam ba tayo?"
tanong ko.
"I am assigned to have that report with you. masyado ka daw mahina sa math para magreport mag isa. and worst, baka wala kaming maintindihan."
tss. langya! insulto nanaman!
"yabang neto. nga pala, Calvin si...."
di ko na natapos kasi nga di ko panaman alam yung pangalan niya. alanganamang tawagin ko siya sa code name niya.
"... Khensu. Khensu Min Calvadores"
at nag kamayan sila. pero titig na titig sa isa't-isa. parang naguusap sila gamit ang mata. namangha nalang ako sa ganda nang pangalan niya. Khensu Min Calvadores. Bagay sa kanya. eh balik nga tayo dito kay Calvin. Ano nanaman kaya ang nakain nito? or ano naman kaya ang nakain nang Instructor namin at pinasali si Calvin saakin? of all people bakit si Calvin? anyway, maganda narin yun, atleast pwede na kaming maging magkaibigan dito ni Calvin. Good bye past na kami.
Author's note: guys, I need some artist. Kailangan ko po nang marunong mag edit for the cover of this story. dedicate ko po sa kanya next chapter. thankyou♡♡

YOU ARE READING
I think I'm Falling
Teen Fiction"Life is unpredictable. Many people may come and they may go. Nothing stays the same forever. parang ako. dati ayoko sa kanya, ngayon mahal ko na siya" - Suxel