author's note: sorry for the slow update. mianhe😊✌
Naiwan kami ni Calvin dito sa cafeteria. Walang nagsasalita. ako man ay nakatitig lang din sa libro ko at sinusubukang basahin ang nakasulat. pero wala. as in WALA. sinubukan ko nang ulit-ulitin pero parang nagsasayaw yung mga numbers. nakakahilo. huhu
Tiningnan ko si Calvin. Nakatingin din pala siya saakin. at nung nakita ko siya, agad siyang nag iwas nang tingin.
"u-uhhm, C-calvin, okay ka lang ba?" Tinanong ko na siya baka kasi ayaw niya talagang tumulong.
"kung gusto mo, ako nalang bahala sa report na--"
di ko na natapos ang sasabihin ko nang vigla niyang inagaw yung libro. siya naman ngayon ang nakatungo sa libro. natahimik nalang ako habang nakatingin sa kanya.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
12:45. ayan na ang oras. malapit nang mag time para sa subject namin. oo namin. magkasama parin kami ni Calvin hanggang ngayon. pero unlike kanina, kinakausap na niya ako.
"Try kaya natin i-solve to. andito naman yung steps kung paano i'solve."
"thats a good idea. sge try natin. " Kumuha ako nang scratch paper at sinimulan nang magsolve. after awhile, sisilipin ko sana kung tapos na ba siyang magsolve only to find out na wala siyang sinusulatan at wala siyang ginagawa. ayy! meron pala. tinitingnan ako. naconscious tuloy ako.
"akala ko ba, tayong dalawa ang magso-solve, ba't ako lang?"
"kaya mo na naman yan eh"
"kahit na. daya mo"
"di ka padin nagbabago, isip bata ka padin."
bigla akong natahimik. naaalala niya pa? at ano daw? di pa ako nagbabago? ibig sabihin, nasa isio niya parin kung ano mukha ko nung elementary? wow.
"anong di nagbago? marami kayang nagbago saakin. gumanda ak--" di ko nanaman natapos yung sasabihin ko dahil may sinabi nanaman siya na kinabadtrip ko.
"tumaba ka, tumaba ka ulit, tumaba ka ulit-ulit" sabi niya sabay tawa. aba-aba! sumusobra na 'to ah!
"hoy mister Sevit! di tayo close kay wag mo akong lalaitin! maka lait ka parang close tayo ah! tumigil ka kung ayaw mong masungalngal ka dyan! tadyakan kita eh!" bulyaw ko sa kanya. bakit ba? totoo naman ah? di dapat siya ganun magsalita lalo na't first time naming mag usap. wala ba siyang considerasyon? tss.
"fine. I'll shut up. ikaw din. mag answer kana."
"mag answer kana din. dapat mag answer ka."
"tapos na'ko. hinihintay nalang kitang matapos."
"patingin nga" aagawin ko na sana yung nakatagong, nakatupi na papel nang bigla niya itong isiniksik sa bulsa niya.
"ay! ba't ayaw mo. share naman tayo nang report eh! sge na." pero imbis na ipakita ay tumayo lang siya.
"mag bag kana. mamaya mo nalang tapusin yang answer mo. sa ngayon, late na tayo sa klase kaya bilisan mo. sa bahay niyo nalang tayo magreview"
Agad akong napatingin sa relo ko at HALAA! 1:45 na! ganun ba kami katagal sa cafeteria? patay kami neto.
YOU ARE READING
I think I'm Falling
Genç Kurgu"Life is unpredictable. Many people may come and they may go. Nothing stays the same forever. parang ako. dati ayoko sa kanya, ngayon mahal ko na siya" - Suxel