••••Jeven POV
Pagkalabas ko nang bahay ay sumakay agad ako sa motor ko. Pagka alis ko doon ay agad akong nagpunta kina Fritz. May usapan kasi kami ngayon. nagtext ako sa kanya kung nasaan na siya sinabing nandito na ako sa labas ng bahay nila.
To: Fritz
Nandito na ako sa labas niyo.Bzzzt' Bzzzt'
From: Fritz
Palabas na.Hindi na ako nagreply at pinatay ang cellphone ko. Nag- antay na lang akong lumabas siya. Ang tagal naman. Parang babae talaga iyong isang yun. Tsk'.
Haaay. Nagkasagutan pa tuloy kami ni Mama kanina. Dapat di ko na lang pinatulan. Tama. dapat magsorry ako kay Mama. Wala naman kasi siyang kasalan Kay Papa lang naman ako galit.
Sapag iwan niya sa amin.'
" Pareeee! "Mabuti at dumating na itong isa. Umakbay naman siya sa akin pagkalapit.
" Na miss kita beshie~ pakiss nga!~" at umakto pang hahalikan ako. Siniko ko at nang kumawala.
Ang puta bakla talaga! Hahaha
" Gago ka! Tumigil ka nga."
" Ikaw naman besh di mo ako namiss? hihi " malanding sabi niya.
Putangina talaga! Ano ba ang nakain nito at nagkaganito?
" Loko nakadrugs ka ba?"
" Hindi noh. Bait ko kaya hanggang marijuana lang ako. Haha "
at proud pa ang loko.'
" Ulol! Sinong niloko mo.. "
Ni minsan ay di pumasok sa isip ko na gumamit ng mga pinagbabawal na gamot. ayaw ko pang masira ang buhay ko kahit na nagbibinta ako ng mga illegal na druga. Oo.. Iyon ang trabaho ko ang magbinta ng mga drugs, shabu, at iba. Pero mga high class lahat iyon at mga kilalang mga tao ang bumibili. Tago lang dahil illegal iyon. Nasa ilalim kami ng Isang oraganisasyong na kilala sa larangan ng mga nagbibinta nang mga illegal.
Alam ko namang mali pero kailangan ko ito dahil ito ang bumubuhay sa amin. Nasa senior year na ako isang taon na lang ay magco-college na ako. Ako si Jeven Maniego at Ito ang ikinabubuhay ko ang kumapit sa patalim...
" Jev punta na daw tayo sa HQ. Nandoon na sila."
May magaganap na namang transaksiyon.'
" Sige mauna ka na."
" Sige pare. Alis na ako. Byee mwuuuuah! " at humarurut na ang kotse niya paalis.
Loko-loko talaga.'
Kinuha ko na ang helmet ko at umalis na rin. Mula sa daan ay nakita ko si Fritz sa unahan at lumiko kung saan papunta sa HQ. Pero lumiko sa kabila hanggang sa nakarating doon.
NATIONAL CEMETERY
Joselino Maniego
Born: July 15, 1962
Died: December 4, 2007Nakatitig lang ako sa lapida kung saan nakasulat ang pangalan ni Lolo.
Papa siya ng papa ko kaya Lolo ko siya. Sobrang close kami niyan. Siya na rin nag-aalaga sa amin ni Nana kapag wala si Mama mula noong nawala ang lintek kung ama. 10 taon na rin ang nakalipas mula noong nawala si Lolo. Natagpuang patay sa kwarto na nagkalat ang dugo. Binaril ito. At wala ni sinu man ang may alam kung sino ang may gawa. Walang hustisya ang pagkamatay niya kaya labis na lang ang pagkamuhi ko sa taong gumawa nito. Wala naman kaming sapat na pera para maibayad sa abogado upang maiging paimbestigahan kaya wala kaming nagawa.
Nagsindi ako ng kandila bago umalis. At sapag alis ko ay nadatnan ko ulit yung babae. Iyong babaeng mas matigas pa ata sa bato ang ulo. Paano na lang kung magkasakit siya? Tsk. Siya na nga yung tinulungan siya pang galit. Umiiyak siya nun habang umuulan. Hinabol ko pa nga pero di ko na naabutan.
Wala naman akong paki. Kung sabagay mayaman naman siya dahil sa nasa itsura niya. May tsekot panga. Ferrari pa. Haneep!
Nakita ko siyang nakaupo samay puntod may katabi itong gitara. marunong siya?
Malay ko bakang baka pang dikorasyon lang iyon.'
Lumapit ako ng kaunti sa kanya doon sa may puno nagtago para di niya ako mapansin. at sa ilang sandali ay kinuha niya ang gitara at tinapon. Di joke lang nagstrum siya ng ilang beses pero hindi siya kumanta.
Hindi ba siya marunong? Hahaha mabuti na iyon baka umulan pa.
Ano nga bang ginagawa ko dito? Tsh.' Dapat nasa HQ na ako ngayon. Hindi naman ako interesado sa kanya. Hindi ko siya type pero maganda naman siya kaya lang matigas ang ulo. Spoiled ata toh ng mga magulang kaya ganyan.
Hahakbang na sana ako paalis nang---
Breathe deep, breathe clear
Know that I'm here
Know that I'm here
Waitin'🎵~
Putangina! Ang ganda ng boses! Napabalik ako ng tingin sa kanya at napatitig habang siya ay nag gigitara.
Stay strong, stay gold
You don't have to fear
You don't have to fear
Waitin'🎵~
I'll see you soon
I'll see you soon
Napalamig ng boses niya sa bawat pag kanta niya sa bawat sa salita may mga emosyong dala.
How could a heart like yours?
Ever love a heart like mine
How could I live before
How could I've been so blind🎶
You open up my eyes
You open up my eyes 🎵~
Patuloy lang siya sa pagkanta kahit na bumagsak na ang mga luha niya. Ewan ko at biglang nalang ako nakaramdam ng awa sa kanya. Ang lungkot- lungkot ng mga mata niya makikita mong may mga emosyong gusto niyang pakawalan ngunit nahihirapan siya.
At sa mga sandaling iyon ang kuryusidad na nagwawala sa aking isipan ang nagtulak na lumapit sa kanya...
••••
-Cejhy

BINABASA MO ANG
Underground Battle †
ActionA devastating world with a HEARTLESS people A provoking one, full of SLAYER Would you live in this kind of world With the people that are UNFORGIVING If you are, Welcome to the Devil's World. † Underground Battle -CJzkie ( Maiden )