Mag's POV
Hindi ko talaga matawagan si Greg. Kanina okay pa naman siya, nakareply pa nga sa text ko, Nag aalala nako
After 20mins simula ng umalis sila Kath at Jen papunta ng Dance Floor
Nagulat nalang ako ng makita ko si Kath at jen na palapit sakin at galit ang mga mukha.
"oh kath, jen bakit ganyan ang mukha nyo, What happen?" -tanong ko sa dalawa
"Greg is here at may kasamang babae!"-sagot ni jen
"hahaha, ano ba kayo, edi ba nasa reunion si greg. hahaha" sabi ko
"then, who's that m*therfucker?"-sabay turo ni kath sa silya malapit sa dance stage ng bar
"Oh My God." tanging sagot ko habang hawak ang mga labi ko at nanunubig ang mga mata
"mags? okay ka lang?"nag aalalang tanong ni jen
Alam kong nagulat si Kath at Jen ng makita akong nag lalakad patungo kina Greg. At alam kong nasa likod ko na sila ngayon.
"hi greg" bati ko kay greg habang nakayapos ang babaeng kasama niya sa kanya na para bang naghahalikan.
"mags?!" alam kong nagulat sya ng makita ako
"hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kasama mo BABE" diin ko sa huling salitang binitawan ko
"sino kaba ha?" sagot ng maarteng higad
"bitch! Shut up!" sigaw ni kath sa malanding higad
"Babe let me explain-----" putol na sabi ni greg ng dumapo ang kanang kamay ko sa pisngi nya na ngayon ay namumula. Sa ingay ng bar di halata ang mga sigawan namin
"Explain what? Na wala naman talagang reunion?! na niloloko mo lang ako noon pa?! " giit ko
"Babe---"
"Don't Babe me asshole! Lahat inintindi ko para sayo! Lahat tinanggap ko! Di ako nakinig sa mga sinasabi ng iba dahil sayo! G-A-G-O KA!" sigaw ko sa kanya
"Look Mags! bat ako lang sinisisi mo?, Mags Lalaki lang ako, may pangagailangan din! Ni hindi mo nga maibigay sakin yun eh!" sita nya sakin
Halata ang gulat sa mga mukha nila Kath at Jen ang sinabi ni greg
"Pucha ka Greg!" sigaw ni kath kay greg
"Abat---" sambit ni Jen, pigil ko kay Jen
"ah ganun ba greg?, sige, simula ngayon diyan kana sa babae mo! wag na wag ka ng magpapakita sakin simula ngayon!"sigaw ko sabay lakad
Alam kong para nakong tanga sa itsura ko, Di ko alam saan pupunta, buti nalang nahagip ng mata ko ang Ladies Restroom at pumasok dun. Eksaktong wala naman tao. At dun Binuhos ang sakit. Umiyak ako ng umiyak.