CARLA
"Tigilan mo na nga Carla yang kaka online sa phone mo. Kung pwede kapag nasa school ka 'wag ka munang gumamit niyan. Kaya walang napasok sa ulo mo sa mga tinuturo ng teachers natin, ayan kasi lagi mong iniisip makipag away sa soicial media. Tapos aasa kana naman ng mga sagot mo"
"Ayos Jonex, dinaig mo pa erpat ko ha, ito na nga lang libangan ko kapag vacant hour sisitahin mo pa." Sagot ko sa kanya habang ang mga mata ko nakatutok sa screen ng phone ko. Sabihin niyo ng manhid ako dahil hindi ako nasaktan sa mga pinagsasabi niya. Nung una oo, nasasaktan ako, pero dahil palagi niya naman sinasabi yun, kaya namanhid at nasanay na din.
Basta masaya ako sa ginagawa ko. Sige lang ako ng sige.
"Akina na nga yan! Imbis na magbasa ka ng mga libro ng mag kalaman naman yang utak mo ito pa inuna mo." Biglang agaw niya ulit sa iphone ko. Nandito kami sa lagi namin tinatambayan. Sa likod ng building, may mga malalaking puno na may mga bench bawal ilalim nun.
"Nam pooh ta ka naman Jonex akina nga yan! Hindi kana nakuntento kasesermon sa'kin kinuha mo pa pati yan." Galit na sigaw ko sa kanya. Habang pilit inaabot ang phone ko.
"Ano ba kayong dalawa ang ingay nyo. Natutulog ang tao." Saway ni Dave na nakahiga sa isang bench na nandon.
"Ayan kasi si Jonex ayaw ibigay yung iphone ko! Laging basag trip yan, wala kasing social life." Parang batang sumbong ko sa kanila.
"Naku pre kung ako sayo mag join ka sa mga group ni Carla sa facebook para maintindihan mo siya kung bakit tuwang tuwa na mag online yan," Buti pa si Jello naiintindihan ako. Paano isa din yang bully sa social media.
"Tsss, ayan na iphone mo. Kung sasali ako sa group sa facebook, dun ako sa group ng mga taong may sense kausap hindi sa group nyo na puro katarantaduhan ang alam" Sabi niya sabay hagis sakin ng phone ko. Mabuti na lang at nasalo ko.
Pagkakuha ko agad kong binasa yung mga commeny dun. "Ayan Jonex sinabihan na ko ng weak. Basag trip ka talaga kahit kailan" Inis kong sabi sa kanya.
"Bahala ka nga dyan. Aakyat na ko sa room. Atupagin mo yang pakikipag trashtalk sa mga kaibigan mong mga tulad mong bully girl. Kababaing tao pakikipag away inaatupag" Asar niyang utos sabay tayo at iniwan ako sa dalawang kumag na 'to.
"Hala lagot ka Carla lugi na negosyo nyong gasolinahan iniwan ka na ng partner mo." Pang aasar naman ni Jello.
Tiningnan ko lang siya ng masama. 'Bahala siya, masyadong pkialamero.' tuloy ulit ako sa pagpindot sa iphone ko.
Si Dave nakahiga pa din sa bench at si Jello naman naglalaro sa psp na dala niya.
Tuloy ulit ako sa pakikipag away sa group ng mga trashtalker ng biglang may nag private message sakin.
'Lawliet? Sino namang mukhang wirdong 'to?' Weird? Oo weird kasi mukhang may black eye yung mga matang nasa profile picture.
[Hi miss beautiful.]
"Anong kailangan mo? Bakit ka nag pm (private message) sa'kin?" Ganyan ako sumagot once na may mag pm sakin. Mahirap na sa dami ng nakakaaway ko sa site na 'to baka mamaya may binabalak na palang hindi maganda sa'kin 'tong loko na 'to.
[Wala naman, I just want to be your friend, if you don't mind :)] 'Akala niya sakin walang kaibigan?'
"Ganun ba? Bahala ka kung yan gusto mo. Sige log out na ko, may klase pa kasi ako." Paalam ko na. Sampung minuto na lang mag uumpisa na yung klase namin para ngayon hapon.
BINABASA MO ANG
The Bully and The Poser [SLOW UPDATE]
RomanceBully si girl at Poser si Boy. What if magtagpo ang landas nila sa cyber world?