Chapter One
'Teana mga weak pala dito sa group na 'to.' Natatawang ani ko. Habang naglalakad papasok sa gate ng school. Hawak ko ngayon yung cellphone ko habang nagbabasa ng mga message sa facebook.
Mahilig akong sumali sa mga group ng mga trashtalker and wattpad.
Trashtalker kasi minsan kapag wala akong makausap dun ako naghahanap. Pero hindi ako talaga nangaaway, dahil minsan may mga post lang talaga na hindi ko gusto.
Sa wattpad naman, kapag naghahanap lang ako ng magandang story. Pero minsan may mga nakakaaway din ako sa group na 'yun kapag trip kong mang bully. K
Tama isa akong bully or trashtalker. Pero hindi sa lahat ng members na mga group na sinalihan ko, may mga kaubigan din naman akong nakikilala. Kapwa ko bully and trashtalker.
'Hahaha, mga peste 'to, akala mo kung sinong mga gwapo at maganda. Mga poser naman.'
*Plok*
"Aray!" Sigaw ko. Naramdaman ko kasing may bigla na lang may humampas ng ulo ko.
"Nag online kana naman, sino naman mga pinagtitripan mo sa group na tinatambayan mo."
"Tangna naman Jonex ang sakit ng hampas mo sa ulo ko!" Angal ko ng nasa tabi ko siya kasabay ko ang gago sa paglalakad papasok ng school. "At saka wala akong pinagtitripan sa group ng mga weak. Mabait na ko.Hahaha"
Si Jonex ang besrfriend ko na hindi mahilig mag online. Tutol din siya sa ginagawa ko. Kahit daw kasi online lang 'yung pangbubully na gingawa ko. Meron daw mga tao sensitive na at naapektuhan sa ginagawa kong pang bubully.
"Tatawa tawa kana naman siguradong may inaaway kana naman. Babae ba o lalaki kaaway mo?"
"Lalaki natural, hindi ako napatol sa mga babae. Masyadong kalandian lang ang mga alam nila."
Pinabasa ko sa kanya ang naging convo ng kaaway ko sa comment box, kahit siya natatawa sa nabasa niya.
"Kahit kailan ka talaga sanay na sanay ka, kaya kahit mga classmates natin nabubully mo."
"Hoy! Kailan ako nambully ng classmates? Never akong nambully, nambabara lang ako lalo na kapag mga slow kausap pero hindi ako bully ha, sa facebook lang yun." Reklamo ko.
"Whatever bully girl." Yun lang at nauna na siyang naglakad papuntang room namin.
Nasa fourth year high school na kami at magkaklase. Magkatabi din kami ng upuan. Yung iba nga napagkakamalang boyfriend ko yang lampa na yan.
Lampa. Oo yun ang tawag ko sa kanya. Bakit? Wala lang, wala kasi akong maisip na pang asar sa kanya. Sa paningin ng ibang babae perfect guy siya. Lalo sa panlabas.
"Hoy lampa hintayin mo nga ako. Asar ka naman eh." Takbo ko habang palapit sa kanya. Pinasok ko na din yung cellphone ko sa bag. Mahirap ng mahulog at masira. Wala na 'kong magiging libangan.
"Oi bully girl, ikaw ang lampa. Ang bagal mo kayang maglakad."
"Mahaba lang yang legs mo kaya mabilis kang maglakad tapos sabayan pa ng malaking hakbang." Ako
-Ang gwapo talaga ni Jonex-
-Oo nga, kung hindi lang sila ni Carla. Magpapansin ako diyan.-
-Ayos lang bagay naman sila ni Carla. Kaso lang may pagka bully ata siya. Kasi lagi siyang tinatawag na bully girl ni Jonex.-
BINABASA MO ANG
The Bully and The Poser [SLOW UPDATE]
Storie d'amoreBully si girl at Poser si Boy. What if magtagpo ang landas nila sa cyber world?