Cariño Brutal - Nasaan Ka Na

11.1K 224 33
                                    

"wag ka nang magalit dyan, malapit na ang espesyal na araw para kaya Makoy" nasa likuran ko si Aris habang naghuhugas ako ng pinggan. Naiinis ako, kasi gustong gusto nyang dumalo sa stag party ng kaibigan niya "wala ka bang tiwala sa'kin?" sabi pa niya.

"hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo Aris. Mas nangingibabaw pa rin ang pusong lalake sa'yo, di pwedeng mawala ang mga babae sa ganyang party at siguradong iinum kayo dun. Napaka manyakis mo pa naman pag nalalasing" niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

"grabe ka naman, hindi naman ako ganyan. Kung may bakla siguro baka makapag isip ako" hinarap ko siya at tinignan ng matalim. Sinubukan ko siyang sampalin, pero nahawakan niya ang kamay ko.

"pag ginawa mo yan, wag ka nang babalik dito" sabi ko sa kanya.

"eto, naman nilalambing ka lang eh"

"pare! Tara na!" may tao sa labas ng bahay.

"pare pasok ka muna, may problema ako baka naman makatulong ka" sabi ni Aris.

Pumasok si Anton na bihis na bihis.

"oh, ano ba yan pare hanggang ngayon ba naman? Malele late na tayo" sabi ni Anton. Nagkamaot ng ulo si Aris at tumingin sakin.

"pre sabihin mo kay Makoy sa kasal na lang niya ako dadalo" sabi ni Aris.

"pambihira, bakit anong problema?"

"eh kasi tong misis ko ayaw niya"

"na'ko Ken, alam ko na yang iniisip mo. Sige na payagin mo na tong si Aris, minsan lang to eh. Tsaka promise ako magbabantay sa kanya. Pag may ginawang kalokohan to ako mismo bubugbog sa kanya" nahiya din naman ako para kay Aris, baka kasi sabihin ng mga kaibigan niya ina-under ko siya.

"sabi mo yan Anton ha, sige magbihis ka na dun. Mag bihis ka na dun" sabi ko kay Aris. Hinalikan niya ulit ako sa pisngi at mabilis na pumasok sa kwarto.

"pwede ka namang mag insist na ayaw mo eh" sabi ni Anton.

"naku, sabi mo naman ikaw bahala sa kanya di'ba tapos ayokong gawin nyu siyang topic dun habang umiinom kayo, dahil hindi lang siya nakasama kasi ayaw ko" sabi ko

"ano ka ba naman, kaibigan namin si Aris at may pamilya na siya at maiintindihan naman ni Makoy 'yon. Pero salamat ha, wag kang mag alala ako bahala sa kanya"

Pagkatapos ng ilang sandali ay lumabas si Aris g kwarto. Simple lang ang kanyang damit, pero ang gwapo gwapo niya. Sinong magaakala na tatay na siya sa kanyang itsura.

"alis na muna kami" sabi niya

"anong oras ka uuwi?"

"hay naku Ken, wag kang mag alala ihahatid ko siya dito. Di kami magpapagabi, kasi umaga na kami uuwi" sabi ni Anton.

"pare naman, baka magbago ang isip nito" sabi ni Aris "bye baby... alis muna si daddy" sabi ni Aris sa sanggol at hinalikan niya ang kamay nito "ingat kayo dito, isara mo nang maayos ang mga pinto ha" ang gwapo niya talaga. Parang kinilig ako ng konti, parang nawala ang inis ko.

Kumaway pa siya nang makapasok na siya sa loob ng kotse ni Anton.

'smile ka na dyan. Maghanda ka pag umuwi ako ng lasing' text niya.

Sa tuwing napapaparanoid ako, gumagawa talaga siya ng paraan para mapangiti ako.

Nagising ako nang medaling araw, wala pa rin si Aris. Binuksan ko ang aking phone at meron akong natanggap na isang mensahe.

'tawagan mo'ko mamaya pag andyan ka na, para mapuntahan agad kita' yan ang nakapaloob sa text na galing kay Aris. Ni-replayan ko siya at tinanong kung nasaan na siya. Nag antay ako ng ilang minuto pero wala akong natanggap na reply kaya nagpasya akong tawagan siya. Nagri- ring lang ang kanyang telepono ngunit hindi niya ito sinasagot.

Naisipan kong tawagan si Anton ngunit hindi rin siya sumasagot.

Tinawagan ko ang isa pa niyang kaibigan na si Alex.

"Hello?"

"hello Alex, sorry kung naistorbo kita. Sabay ba kayong umuwi nina Aris?"

"Nauna siyang umuwi kagabi, nagmamadali nga siyang umuwi kagabi" kinabahan na ako sa sinabi ni Alex.

"ay ganun, kasi wala pa siya ditto. Salamat Alex, tatawag na lang ako sa bahay nila, baka kasi dun siya dumiretso kagabi, pasensya na ulit"

"sige walang anuman, Ken tawag ka lang ulit kung may kailangan ka. Ingat kayo dyan"

Hindi na ako nakatulog hanggang mag umaga. Tawag ako ng tawag sa cellphone ni Aris ngunit walang sumasagot hanggang sa tuluyan na itong naging unavailable. Marami na rin akong text sa kanya ngunit wala ring reply.

Tumawag ako sa bahay ng mga magulang ni Aris pagsikat ng araw. Tumindi na ang kaba sa aking dibdib nang sinabi nila na wala si Aris doon.

"mama natatakot na po ako, lahat ng kaibigan niya tinawagan ko na pero walang nakakaalam kung nasan siya" sabi ko kay mama.

"wala bang emergency dun sa negosyo niya sa kabilang bayan?" sabi ni mama.

Tumawag na rin po ko sa opisina nila dun, hindi po nakapunta doon si Aris" naluha na ako sa sobrang kaba.

Nag report na kami sa mga pulis at indineklara na siyang missing. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nababaliw na ako sa kakaisip.

Alam kong may pinuntahan siya, base dun sa text na natanggap ko. Pero saan at sino ang pupuntahan niya? Wala naming nabanggit dun sa text niya.

Wala akong alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Buti na lang andyan si Anton, siya kasi ang ka partner ni Aris sa negosoyo niyang furniture shop kaya panatag akong hindi mapapabayaan yon. Sa tuwing tumutunog ang cellphone ko agad ko itong binubuksan para tignan kung sino ang tumatawag ko nagte-text.

Tatlong araw na siyang nawawala at parang lumulutang ang isip ko.

Biglang nagsitahulan ang mga alaga naming aso at may naririnig akong kumakatok sa gate ng bahay. Lumabas ako at tinignan kung sino ang naroon.

"magandang araw" hindi ako sumagot. Naiinis kasi ako sa kanya "kumusta naman kayo dito?"

"ang sabi mo ihahatid mo siya di'ba?" napalunok siya nang laway sa tanong ko.

"pasensya ka na, yun naman talaga ang gagawin ko, ngunit nagpaalam siya na mauuna na daw siya kasi magkikita pa daw sila ng kakilala niya"

"sino? May sinabi ba siya kung saan siya pupunta?"

"wala eh, nagmamadali nga yong umalis. Nagpatawag pa nga ng taxi"

Sino kaya ang taong yon. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.

"sige pumunta lang ako dito para dalawin kayo. Tawag ka lang" sabi ni Anton.

---------------------------------------------------

"walang hiya ka! Bakit mo ginagawa sa'kin to?!" ang ingay pa rin ng isang to, masyadong matapang. Dumudura na ng dugo pero wala pa ring kadala dala. Namamanhid na ang kamao ko sa kakasuntok sa makapal niyang mukha.

"sabihin na nating naiinggit ako sa'yo, parang napakadali lang ng buhay mo eh, parang ang saya saya mo"

"tarantado ka! Pakawalan mo'ko ditto at mag suntukan tayo gago ka!"

"hayan, dyan ka magaling eh sa pakikipagbasag ulo, kala mo lahat madadala mo sa sindak. Oh ano ka ngayon? Nakagapos ang mga kamay at paa. Wag mo nang subukan pang pumalag kasi, dito ka na mamamatay. Kukunin ko lahat ng kung anong meron ka, pati ang minamahal mong si Kenny.

"wag kang magkakamali na pakialaman ang pamilya ko!"

"wag kang mag alala, aalagaan ko si Kenny, gagawin ko ang lahat para mas maging maligaya siya"

"kahit kelan hindi siya mapapasayo!"

"paglipas ng panahon, makakalimutan ka rin niya. Makakapag move on na din siya at tuluyan na siyang mapapasakin. Magiging mapait na alaala ka na lang. Hindi kita papatayin agad, papalasap ko sa'yo ang unti unti mong pagkamatay"

Itutuloy....


Cariño Brutal (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon