CHAPTER ONE

12.1K 263 5
                                    

(COMPLETED ON DREAME)
A/N: CallmeAngge

Humihikab na nag-inat ng katawan si Veron.Papasikat pa lamang ang araw.Agad na gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya.Ang ngiti na nagpapatunaw sa buto ng mga lalaki.Yeah,May ngiti siya na kahit sino ay maaakit.

Sinuklay niya ang magulong buhok na may dalawang klase na kulay.Blue and Pink.

Dumungaw siya sa terasa ng silid niya.Agad na napangisi ng matanawan niya ang bunsong kapatid na si Gabbie na dinidiligan ang alaga nitong mga rosas sa loob ng Green house na mismong ang kanilang ama ang nagtayo.

Agad na binalot ng lungkot ang kanya puso ng maalala ang kanila mga magulang.Pero agad din napalitan ng tuwa ng sa wakas ay mahuli na ang pumatay sa kanilang magulang.

Malaki ang pasasalamat nila kay Kuya Tyron,ang lalaking itinakda kay Ate Debbie.

Nag-eenjoy pa siya panoorin ang pagsikat ng araw ng tumunog ang telepono niya.Dinampot niya iyun sa sidetable na katabi lang ng kama niya.

Ms.Virgin calling..

Sinagot niya ang tawag habang bumabalik sa terasa niya.

"Nauna ka pa sa pagsikat ni haring araw ah?" pagbungad niya rito.

Natawa naman ang babaeng nasa kabilang linya."Yeah,Good morning too,"sarcastic nito sagot.

Natawa na rin siya.

"Kung tamawag ka lang para kumbinsihin ako lumaban uLit...my answer is still NO, " pag-iling niya kahit hindi nito nakikita.

"Oo na! Alam ko yan noh! Ayokong ma-raid itong lugar ko dahil diyan sa istriktong mong bayaw!" pag-ismid nito sagot.

Napahalakhak siya.Yeah,binalaan na siya ng Kuya Dave niya ng malaman nito ang bagay na iyun ay agad siya nitong pinagbawalan, kung tutuusin kaya niya naman ito suwayin kung gugustuhin niya, dahiL di hamak na kaya niya ito patulan pero hindi niya gagawin yun.Malaki ang respeto niya sa Kuya Dave niya.Masarap sa pakiramdam na may isang Kuya na nagpaparamdam sayo na gusto ka niya protektahan at nag-aaalala para sayo.

"So,para saan ang tawag na ito?" maya-maya tanong niya.

"May laban si Kyoto yung pumalit sa Trono mo," anito.

Napataas siya ng kilay.Ang hapon na walang takot mamatay.Minsan na niya ito napanuod lumaban sa loob ng boxing ring at talaga naman malakas ito pero hindi ito umubra sa kanya.

Right,she's a wolf, anong laban ng isang tao sa tulad niya na may dalawang katauhan.Napangisi siya.

"Hindi mo naman ito itatawag kung hindi ito mahalagang laban,so,may bago ba ngayon?" aniya.

"Yes, at isang baguhan ang lalaban,si GAEL RICZON,isang ubod na gwapong taga probinsiya pero may dugong dayuhan,"kinikilig pa nito saad.

Bigla sumikdo ang kanya puso.May kakaiba sa pangalan na sinambit ng kausap niya.GAEL RICZON.

" TaLaga? Kung ganun baka siya na ang lalaki magdidivirginized sayo?"pang-aasar niya rito.

Isang malakas na mura na may kasamang inis na tili ang sinagot nito sa kanya."I hate you,Stonex!!"

Tumawa lang siya.Yeah,mahigit teinta na ito pero virgin pa din.Matanda ito sa kanya ng tatlong taon at parang magkaedad lang sila mag-usap nito.

"Ito naman,di na mabiro..ikaw naman kasi paano ka magkakasex life niyan kung palagi mo hinahamon ng suntukan ang mga lalaki gusto ka idate?"pang-aasar niya uLit.

Ganun kamorbid ang kaibigan,kung sino ang makakita rito sigurado mamangha dahil sa mamasel nitong katawan pero babae pa rin naman ang hitsura.Banat lang sa pangbubogbog.

" Shut up! Pareho lang tayo Virgin noh!"balik-asar nito na tinawanan lang niya.

May rason kung bakit virgin pa siya gaya ng mga Ate niya ,ang lalaki itinakda sa mga ito ang nakakuha ng virginity nila at ganun din siya, mangyayari iyun sa oras ng RITUAL.

"Alam mong choosy ako sa mga lalaki,my friend.." pagdadahilan na lang niya.

"Hay Naku,wag na natin pag-usapan ang virginity na yan."

"Alright," aniya.

"Ano? Manunuod ka? Punta ka na,isang buwan ka ng hindi pumupunta rito," anito.

"Okay,sige..baka enteresting yang gwapong probinsyano na yan ," nakangisi niya saad.

"Alright,this Saturday ang laban ,alas kwatro ng hapon,o siya,see you there na lang,babush!"paalam nito.

Well,manunuod lang naman siya eh.Hindi naman siya lalabag sa usapan nila ng Kuya Dave niya.

Kumaway ang bunso nila ng makita siya nito pagkalabas nito sa Green house.Kumaway rin siya rito.

Nilanghap niya ang sariwang pang-umaga hangin.Sumikat na ang araw at tumatama ang sinag ng araw sa kanya.

Good morning world!

" Hey,Utol! Pasabay ako!" sigaw niya sa ibabaw ng pag-iingay ng helicopter.

Sinenyasan siya nito sumakay.Agad niya sinuot ang headphone.

"Sa lahat na pwede mong bilhin bakit ito pang helicopter ang binili mo?" sabi niya sa mouthpiece ng headphone Pinanunuod niya ito sa pag-ooperate ng helicopter.

Ngumisi ito sa kanya."Ang cool di ba?!"anito.

"Mas convenient ang maglakad papalabas dito sa Sagrado-Gubat ,diba?"

Nakatapos ito sa isang eskwelahan na nagtuturo ng pagpapalipad ng kahit anong uri ng sasakyan panghimpapawid sa ibang bansa .Consistent na piloto ang kapatid.

"Oo naman pero pangarap ko makalipad eh,mga lobo tayo ang kaya lang natin tumakbo ng mabilis at lumundag ng mataas pero ang lumipad,na-uh! "

"Sabagay," sang-ayon niya.Halos magkalapit lang ang ugali nila ni Erin ,sumunod ito sa kanya pero sa iisang bagay lang sila nagka-iba.Ayaw nito nananakit ng iba o kahit man lang makasagi na kahit sino madali ito maguilty hindi tulad niya na handang makipagbasagan ng mukha.

Pinaangat na nito ang helicopter.

"Let's fly!!!"masaya nito sigaw habang eksperto nito minamando ang helicopter.

" Woho!"sinabayan niya ang kapatid.

"Anyway,may naaplayan ka na ba?" maya-maya tanong niya rito.

"May nahanap na ko hinihintay ko lang dumating yung may-ari ng Airlines kasi nasa ibang bansa pa daw,personal daw kasi yun kung mag-interview,mitikuloso daw sa aplikante."kibit-balikat sagot nito.

" Ganun,Well,Goodluck! I'm sure madali ka matatanggap,consistent pilot ka kaya saka sa isang kilalang school ka pa nanggaling,"proud niya saad.

"Ikaw? Kailan ka na naman babalik dito?" maya-maya nito usal.

"Hmm,I'm not sure,saka di ba isang buwan ako grounded ni Kuya Dave baka magliwaliw na lang ako kung saan-saan," aniya.

Tumawa ito."Kuya Dave is like our Father ! "

"Yes,you're right.." nakangisi niya sang-ayon.

Pinagmasdan niya ang ganda ng kagubatan sa ibabang bahagi ng sinasakyan niya helicopter.

The Beautiful Wolf Series 3 : VERON STONEX by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon