Mahal pa rin kita.
Mga kataga na nais kong sabihin ngunit alam kong walang pag-asa.
Pag-asa na hanggang ngayon ay nasa akin pa.
Pag-asa na alam kong ako'y mamahalin mo pa.
Pag-asa na baka bukas ay pwedeng tayo na.
Pag-asa na pag- gising ko, ako'y masaya.
Dahil tayo na.
Tayo na masaya.
Tayo na magkasamang dalawa.
Haggang ngayon mahal pa rin kita.
Anong magagawa ko? Eh ganun talaga.
Ang puso mo ay nasa akin ngunit ang akin ba ay nasa sa iyo?
Wala. Dahil may mahal ka nang iba.
Siya na minahal mo ng sobra.
Sobra pa sa pagmamahal na ibinigay mo noong tayo pa.
Pagmamahal na alam ko namang naibigay ko.
Paano naman ako? Na hanggang ngayon ay nagluluksa pa.
Paano naman ako? Na pilit kinakalimutan ang mga alaala nating dalawa.
Paano naman ako? Na laging nasasaktan kapag may kayakap kang iba.
Oo masakit. Alam kong masakit na.
May magagawa pa ba ako, eh mahal pa rin talaga kita?
Ayos lang, basta alam kong masaya ka.
Masaya sa piling ng iba.
Buti ka pa'y naka move on na.
Marahil ako'y hindi pa.
Ngunit gusto kong malaman mo na hanggang ngayon ay...
MAHAL PA RIN KITA
BINABASA MO ANG
Treasured Thoughts
PoetryA collection of poems, pieces of prose, or short stories of my thoughts that are treasured and thought by me to express my feelings. Filipino/English Highest rank: #11 (05/14/18) in SPOKENWORDS ❤ Date started: August 13, 2017