Kaibigan

1.5K 74 14
                                    


Kaibigang totoo na lagi kong napagsasabihan,

ng mga problema na aking nararanasan.

Kaibigan na malalapitan kapag siya'y kailangan.

Kaibigang tutulong sa akin sa oras ng pangangailangan.


Mag-kaibigan ngunit mag-kapatid ang turingan.

Mag-kaibigan na kilala at mahal ang isa't isa.

Kaibigan na laging nandyan para suportahan,

mahalin ng todo-todo at pagkatiwalaan.


Ang salitang kaibigan ay may iba't ibang

kahulugan para sa iba't ibang tao.

Ngunit para sa akin, ito ay magagawa sa

pamamagitan ng pagmamahalan.

Treasured ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon