Chapter 1
***
ELLA's POV
"Haha. Oh em. Kawawa ka naman, teh. Di ka niya tinulungan. Hahahaha--hey, aray! Makapanakit 'to, wagas." Hinimas-himas niya pa yung braso niyang sinapak ko. Ba't ko pa nga ba kinu-kwento dito sa babaeng ito eh wala rin namang patutunguhan 'tong pagku-kwento ko sa kanya. Inasar lang ako.
"Hindi ka nakakatulong, alam mo 'yun?" Sinimangutan ko na lang siya at humalukipkip. Ang tagal naman ng jeep. Aish.
"Haha. Nakakatawa naman kasi 'yung nangyari sa'yo kanina. Imagine, sa 16 years of existence mo dito sa mundo, ngayon ka pa lang hindi tinulungan ng isang lalaki. Tapos ikaw, parang ang big deal sa'yo nun."
"Ikaw kaya ang hindi tulungan diyan. Psh. Tama na nga, naba-badtrip lang ako pag pinag-uusapan pa yung lalaking 'yun." Saka itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga dumadaang sasakyan sa harap namin. Ang tagal talaga dumating ng jeep, gusto ko nang umuwi.
"Teh, ayan na yung jeep." Sabi ni Yasmine sa tabi ko. Hay, salamat. Siksikan na ang mga pasahero dito. Buset, nag-uunahan pa nga sa pagsakay ng jeep.
"Ay-aray, ano ba! Ba't ka ba sumisiksik?!" Naiinis kong tinignan ang lalaking pilit na nakikisiksik sa kumpulan ng mga pasaherong nag-uunahang makasakay ng jeep. At walangya! Siya nanaman?! Pero tulad nung kanina, inismiran lang din niya ako at nagtagumpay siya sa pagsakay ng jeep na ngayon ay puno na at naka-alis na. Bwiset! Bwiset!
"Ano ba yan! Kanina pa kaya tayo dito, look 5:15 pm na! May dinner kami ng family mamayang 6! Naman oh! Baka nga traffic pa eh. Ba't ka ba kasi natulala kanina? Kung sana sumama ka sa'kin sa pakikipagsiksikan dun kanina edi sana naka-sakay na tayo! Mikaella naman oh!" Pagrereklamo ni Yasmine. Dahil kasi sa pagkabigla at inis ko dun ginawa nung lalaking yun eh di ako nakareact agad. Hanggang sa umalis na nga ang jeep.
"Bakit kasi di mo na lang ako iniwan? Tss. Kaya ko namang umuwi mag-isa."
"Haller. Di pwede noh. Hinihila kita kanina kaya lang di ka gumagalaw sa pwesto mo eh. Naiwan tuloy tayo."
"Edi maghintay ulit ng panibagong jeep. Simple lang niyan."
"Walangya ka. Ang sakit na nga ng braso ko. Kinurot kasi ako nung babae kasi gusto niya siya mauna. Buset, ingudngod ko mukha niya eh. Ayan oh, namumula." Pinakita niya sa'kin ang braso niya at namumula nga. Haha. Kawawa. Napangiti na lang ako at napailing. Si Yasmine, ang kaibigan kong hindi nagsasawa sa'kin kahit gaano pa ako ka-moody o kaarte. Same as me, hindi rin ako nagsasawa kahit gano pa kaingay 'yang bunganga niya. Mahal ko ang bestfriend ko, eh.
Sa wakas, may jeep dung dumating and this time, hindi na nag-uunahan ang mga pasahero kasi konti na lang naman ang nag-aabang eh. Nakarating din kami ng matiwasay sa amin. Magkaiba kami ng subdivision ni Yas pero magkalapit lang naman yung subdivision namin.
Habang naglalakad na ako papunta sa bahay namin, bigla na lang may bumusinang sasakyan sa likod ko kaya napasigaw ako. Buset, tama ba namang businahan ako kahit naglalakad lang naman ako sa gilid?! Inis ko itong nilingon. Hindi pamilyar sa'kin ang kotse. Siyempre, sa tinagal-tagal na naming paninirahan dito halos saulado ko na ang mga sasakyan ng mga kapitbahay namin. Mukhang bago lang 'to dito ah. Luckily, hindi tinted amg kotse ang kitang kita ko ang driver. At huta! Siya nanaman?!
Hindi pa ako nakaka-react nang biglang paharurutin niya ang kotse. Argh! Mabangga ka sana! Asar!
Pagdating ko sa amin, padabog kong sinarado ang gate dahil bwisit na bwisit na ako dun sa lalaking yun. Pamula kanina pa dun sa hallway hanggang sa may sakayan ng jeep at pati ba naman dito sa subdivision nandun siya?! Pambihira. Ayoko nang makita ang pagmumukha niya.
"Woah, masisira 'yang gate niyo. Kalma." Automatic na nawala ang pagka-badtrip ko nung makita ko kung sino yung nagsalita.
"Ivaaaaan! Letse ba't ngayon ka lang?!" Agad ko siyang niyakap. Grabe, namiss ko siya ah!
"Haha. Pasensya na, maraming kelangang asikasuhin sa SanFo, eh. Btw, namiss kita... piggy."
"Aish. Inaasar mo nanaman ako. 'Yang mata mo naku! Tumahimik ka na singkit." Palagi ako niyang inaasar na 'piggy' kasi ang taba daw ng pisngi ko. Masarap kumain eh, bakit ba? Kaya para fair, singkit ang tawag ko sa kanya. May pagka-chinito kasi siya. Paano, half-Chinese ang Dad niya.
"Seriously, piggy. Namiss talaga kita. Payakap nga ulit," at niyakap ko nga ulit siya. Namiss ko rin 'tong bestfriend ko eh. Nakilala ko siya sa San Fransisco, USA. Tumira kami dun ng halos 4 na taon dahil sa kinailangan kong magpagamot doon. Naaksidente kasi ako nung bata ako. Nagkaroon daw ako ng amnesia kaya wala talaga akong maalala sa mga nangyari noon. Sabagay, bata pa naman ako nun. So baka konti lang yung mga memories na meron ako.
Kumalas na ako sa yakap niya. "Lika na, pasok na tayo. Namiss kita talaga, singkit! Kaya dapat, ipagluto mo 'ko mamaya. Wahaha."
"Walangya naman 'to, oh. Sige na nga. Pasalamat ka lang talaga't besprend kita."
Nagpapasalamat na rin ako na nandiyan palagi si Ivan para sa'kin. Tinulungan niya ako para sa recovery ko nung nasa Sanfo pa lang kami kaya sobrang close kami niyan. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi talaga.
****
A/N: Naks naman! Salamat sa 4.8k reads~! Saranghaeyo~ :*
P.S. Comments are HIGHLY APPRECIATED. Thank you ~ :*
BINABASA MO ANG
Di Ko Alam [JaDine] REVISED
Fanfiction[MAJOR REVISED] Minsan ba, naisip mo sa buhay mo kung saan at kailan nagsimula ang nararamdaman mo para sa isang tao? Sigurado ka bang pag-ibig na nga ito?