Kabanata 1

43 4 0
                                    

"Krishna Abegail Esteban!!" sigaw ni nanay. Ugh! Alas diyes palang ng umaga e. AY?! alas diyes!? Late nakooo sa lakad namiin ni nanay! Aish! Ang malas naman. Tumayo nako sa kama at dirediretsong nagpunta sa banyo sa aking kwarto. Mabilisang ligo nalang to! Ayoko na mapagalitan ni nanay.

Oo nga pala, napuyat kasi ako sa neargroup eh. Nakakatuwa kasi yung kachat ko. Hihi :> mukhang ang gwapooo gwapoo niya!

"Abegail! Wala kabang balak bilisan?!" inis na tugon ni nanay. Nagaayos na ngayon ako ng buhok ko. Ang haba na kasi e. Magpagupit na kaya ako? Hahaha! Nakasuot ako ngayon ng plain white tshirt at ripped denim jeans at sneakers. Sabi nila ako'y may tindig pangmodelo. Marami nga ang nagtatanong kung ako ay isang model. Wala akong interes sa mga ganoong bagay e. Ang mga mata ko ay katamtaman lang hindi naman singkit. Meron akong salamin mula pagkabata. Sakto lang ang pangangatawan at mayroong mahabang medyo kulot na buhok. Maputi rin ang aking balat marahil ito ay namana ko kay nanay at tatay.

Andito na kami ngayon sa Mall. Bibili kasi ng regalo si nanay para sa kaniyang nakababatang kapatid. Mahilig kasi magbasa si Tita Shane. Hindi ganun katanda si Tita Shane. Limang taon lamang ang agwat ng aming edad. Mahilig rin ako magbasa ng mga libro. Mas gugustuhin ko pa magbasa maghapon ng libro kaysa gumala.

Tumitingin tingin ako ng libro ng maari kong bilhin. Paborito ko kasi ang Historical Fiction. Naglakad ako habang natingin sa mga libro ngunit. Aray ko! May nakabangga sakin. "Miss next time kasi tignan mo yung dinadaanan mo." sabi nung greek God na nasa harapan ko ngayon ay este itong lalaki na napakaamo ng mukha!(๏_๏) "Miss?" sabi ulit nung lalaki. Hala?! Diko namalayan na nakatulala ako sa kanya. Napahawak ako sa sentido ko. Ouch! May sugat! Marahil dahil ito sa hawak niyang libro kanina. "Miss,halika rito gagamutin ko ang sugat na natamo mo." Sabay lahad ng kanyang kamay para makatayo ako galing sa lapag. May kung anong nagudyok sakin na tanggapin ang kanyang kamay. Mabuti at may dala siyang betadine at ban-aid sa bag niya. "Ako nga pala si Luis. But my friends calls me Luen. Ikaw?" nakangisi niyang tugon. Shiiiit! Totoo ba itong nilalang na itoooooo?! Nanaginip ata ako. Sobrang gwapooo naman niya! " ah-eh I-I'm Krishna" sabay lakad patalikod. Narinig kong tinawag niya ako muli ngunit hinanap ko nalang si nanay.

"Oh, bakit nagmamadali ka Abeng? May humahabol ba sayo? May kidnapper ba? Namumutla ka kasi.." sabi ni nanay.

"Ah, nay! Wala po! Hinahanap lang po kita. Akala ko kasi iniwan niya na ako." Hays. Mukha naman satisfied siya sa sinabi ko. Nakalusot! Haha! Pero mabalik tayo kay Luen. Sobrang gwapo talaga. Taga saan kaya siya? Magkikita pa kaya kami? Aish!

Pagkauwi namin ni nanay lutang parin ako.. "Abeng, May problema kaba?" tanong ni nanay. "Wala po nay, matutulog muna po ako." sabi ko. Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Di parin mawala sa isip ko ang kanyang ngisi! Ghaaad! Nababaliw na ata ako. Tumayo ako at binuksan ang laptop ko. Sinearch ko ang pangalang Luis pero andamiii ghad! Diko siya mahanap. Diko namalayan nakatulog pala ako..

"Anak, gising na.. Kakain na tayo ng hapunan.." sabi ni Tatay.

"Sige po tay, baba na po ako." tamad na tamad akong bumaba sa hagdanan. Nagulat ako dahil paborito ko ang niluto ni nanay! Owemgii! Napangiti ako at nagmadali umupo sa hapag. Nakangiti naman si nanay sinimulan ang pagdadasal bago kumain. Inabot naman sakin ni tatay ang mangkok na may bulalo. Hmm!
"Oh anak dahan dahan, wala kang kaagaw haha." sambit ni tatay. Pagkatapos namin kumain ako na ang nagpresintang mag hugas ng pinagkainan.  Matapos hugasan ang mga pinggan ay umakyat na ako sa kwarto habang si nanay at tatay ay nanonood parin ng telenovela sa salas. Di parin mawala sa isip ko si Luis ghadd!

*Ting*

Monika:
Krish! Sama ka? Manonood kami ng sine nila Trisha.^.^

Nagtext pala si monika. Inaaya ako manood ng sine. Sasama nalang ako. Kesa mabaliw kakaisip dun sa Luis. Pamilyar kasi ang mga mata niya e..

"Krish! Huy? Are you with us?" sabi ni Trisha. Napapilig ako sa pagtapik niya sa aking balikat. Kanina papala ako nakatulala dito sa bus. "Ah. Oo inaantok lang ako.." marahan kong sinabi. Napatango-tango naman sila ni Monika.

Andito na kami sa mall bumibili kami ng popcorn. "Ano bang papanoodin natin?" tanong ni Trisha. "The Fault In Our Stars." sabi ni Monika. Nabasa ko na ang librong iyon. Napakaganda ng istorya.. Diko nalang sa kanila sinabi..

Pagkatapos namin manood. Umiiyak iyak pa ang dalawa HAHAHA! "Bakit namatay yung lalaki huhu!" "Akala ko yung babae unang matetegi!" maktol nilang dalawa. "Krishna! Bakit di ka man lang apektado sa movie?" Sabi ni Monika. "nabasa ko na kasi yan.. Umiyak rin naman ako noon. Apektado parin naman ako pero may mga bagay talaga na kailangan pag move-onan." tugon ko. "Wow ateng ha! Anlalim diko maarok!" sabi ni Trisha. Napatawa lang kaming tatlo..

Andito kami sa McDonalds ngayon. Paborito kasi ni Trisha dito. Ako ang inutusan nila bumili. Kaya nakapila ako dito sa counter.. Nang ako ang susunod sa pila, May nakita ako na dumaan sa gilid ko. At parang si Luis yon! Tama! Siya yon di ako pwede magkamali!

Umalis ako sa counter. Bahala na si batman! Nandito ako sa gitna ng mall. Diko siya makita. Andaming tao. Shutainerns this. Napapaligiran nako ng mga tao sa dami na ito imposibleng makita pa kita. Ang malas! Aishhh!

•Shall I continue this story?
-siopaoosig•

A Memories To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon