"Ang iniiiit namaaan!!" sabi ni Trisha. Summer na ngayon at kakatapos lang ng school year namin. At last! Makakapagpahinga na rin yung utak naming sabaw na sabaw na.
Nandito kami ngayon sa paborito naming coffee shop malapit sa school namin. Itong bestfriend ko talaga! Naghahanap nanaman ng gwapo sa neargroup. -.-
"Krish! Try mo daliii! Gurang ka na pero di ka parin nagkakalovelife!" sigaw ni Trisha habang inaantay namin ang inorder kong caramel machiato. "Do I need to repeat myself? Ayoko gumamit niyan. Baka mascam lang ako." sabi ko sa kanya.
Nakauwi na ako ngayon. Andito ko sa kwarto ngayon, as usual mag-isa. Lagi kasing late na umuuwi si nanay at tatay. Si Kuya naman ay nasa Japan.
Tumawag ang aking pinsan na nasa ibang bansa at nangangamusta. Pero binaba rin agad e. Antagal naman ni nanay! Gutom nako HAHAHA! Makababa nga muna at makapagluto.
Ano kaya pwede kong lutuin? Hmm. Ah! Magluluto nalang ako ng walang kamatayan ng hotdog. Haha di kasi ako marunong magluto e. Pagkatapos nito ay manunuod nalang ako ng movie sa salas.
Saktoooooooo! May pinasa sa aking mga bagong movie.
Nanonood ako ngayon ng isang love story. Medyo tragic kaya naiiyak na ako. Huhu.(╥_╥) nagkaamnesia kasi yung bidang lalaki.
Tok
Tok
TokBinuksan ko muna ang pinto marahil ito na sila nanay. Hindi nga ako nagkamali. Inuluwal ng pinto sila nanay. Nagmano ako sa kanila at iniligpit ang kalat sa sala. Hindi ko na natapos ang movie. Aakyat nalang ako sa kwarto ko.
Nakaupo ako sa study table ko at nagsusurf sa aking facebook account habang nakikinig sa paborito kong kanta na Canon In D. Biglang may nagpop-up na chathead. Guess what? Its neargroup. Palagay ko ay ininvite nanaman ako ni Trisha para gamitin ito. Should I give a try? Okay, wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Hihi.