•○♡First day of school♡○•

27 0 0
                                    

Angelliana POV

Tumayo ako sa pagkakahiga ko. Kinusot ko ang mata ko. Ang sarap ng tulog ko...

"Wah...." Tumingin ako sa alarm clock ko. "WAHHHHHH!!!" Muntik na akong nalaglag sa pagkakahiga ko. Biglang bumukas ng malakas yung pinto.

"Anong nangayari!?" Lumapit sakin si kuya. "Anong nangyari!? Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Ano!?" Unti-unti kong tinuro yung alarm clock ko.

"Kuya... late na ko..."  *pok!* "Aray!" Binatukan daw ba naman ako.

"Edi maligo ka na! Kesa sa nagd-drama ka diyan!" Tumayo ako sa kama ko tapos inirapan ko siya.

*bumulong* "edi kasi maligo. Sisigaw pa kasi."

"Anong sabi mo!?" Hala... ang talas naman ng tenga neto. Narinig daw ako.

"Wala! Ang sabi ko ang panget mo!" Tapos sinara ko ng malakas yung pinto ng banyo ko. Sumigaw naman siya

"ANG GANDA MO HA!?" Narinig kong lumabas siya ng kwarto habang tumatawa.

"Psh.. sinabi ko bang maganda ako!?" Kinausap ko nalang yung sarili ko. Makaligo na nga! Umagang umaga iniistress ako ng baliw na yun.

---

Bumaba na ako sa kwarto at nagpaalam na ako kay kuya. Pag labas ko ng gate.

"Wah!" Napatalon ako sa sobrang gulat. Anong ginagawa niya dito!? "Anong ginagawa mo dito?"

"Obvious ba? Malamang hinihintay ka." Hinihintay... teka...

"Hinihintay!? Bakit mo pa ako hinintay!?" Oras na. Baliw talaga tong kaibigan kong to.

"Psh, malamang sabay na kita. Aish! Tara na nga! Ang tagal mo!" Hinila niya yung kamay ko papasok sa kotse niya. Rk bestfriend ko eh.

"Bakit mo pa ako hinintay!? Late ka na tuloy..." Tumingin lang siya sakin. Tapos sinuot niya seat belt ko.

"Kase gusto ko sabay tayo."

ANO DAW!?

"Ano!?" Agad siyang umiwas ng tingin tapos umupo na siya sa drivers seat.

"Wala! Upo ka nalang diyan! Daldal mo." Psh. Kahit kailan talaga.

Oo nga pala. Siya ang childhood bestfriend ko na si Daniel James David. Hes 15. Mas matanda siya ng 1 year sa akin. Pero 4rth year highschool din siya kagaya ko.

"Ano ba yan Ali. Nakalimutan mo nanamang magsuklay oh." Tinignan niya ako ng pangasar na ngiti. Bwisit talaga tong lalaking to. Buhok ko nanaman nakita niya.

"Wag mo nga pakealaman buhok. Sipain kita diyan eh. Atska, mind your own business" Tinarayan ko lang siya. Tumawa naman siya. !? "Anong nakakatawa!?" Tumingin siya sa akin.

"Mind your own business" Psh!

*bumulong* "walang originality"

"Ano yun Ali?"

"Wala! Sabi ko mukha kang bakla!" Tinaasan niya ako ng kilay. Natawa nalang ako sakanya.

"Sa gwapo kong to?" Tapos nag pogi sign pa siya habang nagmamaneho. Tinignan ko lang siya. "Gwapo ko noh? Gwapo ng bestfriend mo noh???" Tapos tinaas taas niya pa yung kilay niya.

"Mukha ka ngang tanga eh." Tapos tinawanan ko siya. Hahaha

Buong biyahe asaran kami. Well masanay na kayo. Ganito talaga kami. Simula nung 5 kami. And yes... you heard that right.

Five palang kami. Magkakilala na kami. Well bestfriends ang mga parents namin. Kaya naging close kami. Kaso... hindi lang halata. Kasi nga... PANGET AKO AT OO NA GWAPO SIYA.

Opposite MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon