Pumunta ako sa mga 4th year, hinanap ko kung anong laman ang meron, or maba sa likod nanaman ng pinto. -_-
Napunta ako sa second section, dun, feeling ko may tao.biglang bumukas yung ilaw, tapos nakita ko si Bianca, Bea at Michelle pati si David.
"SURRRPRISSSEEE!"
"Ha?" Sabi ko.
"Ilabas si Mickie!" sigaw ni bea.
Teka? Ano? Mickie?!
"Hi Annie." Sabi ni Mickie sakin.
Wala akong masabi, grabeeeeeeee. :(( Nakakainis. Ewan ko ba kung ano mararamdaman ko.
Tinutulak-tulak nila si Mickie papunta sakin, si Mickie, mukhang inis na inis.
"Ano ba!" Sigaw ni Mickie sa kanila.
SIlang apat, napaheads down na lang.
"Annie! Alam mo, gusto sana kita e. GUSTONG GUSTO. Pero, wala na, TURN OFF na ko. Nakakadiri kayo. Seryoso." Si Mickie.
"Huh?" Tanong ko.
"Annie, alam mo, gusto kita. Kasi, nagugustuhan ko yung kkulitan mo, nagugustuhan ko lahat. Pero, nakita ko ugali mo. Yung tahimik, na mukha kang tanga, hindi mo alam ginagawa mo."
"May ginawa ba ko?"
"Nako, meron, madami."
Sabay walk out si Mickie.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa apat.
"Uhmm, ako kasi Annie, nung hindi ka namin pinapansin, puro ka Mickie. Ilang beses ka na ba hindi kumakain?" Si Michelle
"Maraming beses na." Sagot ko.
"Kung ganun, hindi mo alam, na nababaliw ka na? Lalo na kay Mickie?" Si Bianca
"Huh?" Tanong ko.
"Alam mo girl, gusto ka naming tulungan. Kinakausap ka namin, pero hindi ka sumasagot. Puro Mickie sagot mo. One time, kinausap ka ni Mickie, sinukahan mo lang siya." Si Bea
"Hindi ko alam lahat ng yun!" Panic ko.
Ano bang nangyayari sakin? Ang gulo! Hindi ko alam ang nangyayari! Ano ba! May ginawa ba ko?! Ang alam ko, walaaaa.
