Love, Rain
A oneshot story
written by: reallyjammyStatus: Completed
Date Posted: September 2017
This story is a work of fiction the scenes and the story itself is made by the author's imaginative mind.
Copyrights © reallyjammy
All rights reserved 2017.———————
*drip* *drop*Ayan na naman si ulan nagpaparamdam sa akin.
Maraming tao ang ayaw sa ulan pero ako ang isa sa iilang tao na gustong gusto ang ulan.
Bakit? Ito ay dahil sa kakaibang vibe na bigay nito sa akin.
Pero yung vibe na yan feeling ko ako lang ang nakakadama niyan.
Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng school building.
Pumunta ulit ako sa favorite spot ko na sa may hagdan sa labas ng gate, dito ako madalas naghihintay na humina ang ulan bago umalis.
Pero hindi ako nag-iisa sa paghintay ng paghina ng ulan.
Lagi akong may kasabay na lalaki na nakatingin lamang sa mga patak ng ulan.
Lagi ko siyang napapansin pero hindi ko alam kung napapansin niya rin ba ako.
Mga ilang segundo lamang ng humina na ang ulan at kinailangan ko nang iwan ang lalaki kong laging nakakasabay.
Siguro nagtataka kayo kung sino yung lalaking lagi kong nakakasabay
Gustuhin ko mang sagutin yan ay hindi ko siya kilala.
Nakakasabay kami lagi pero hindi namin kinikibo ang isa't isa.
Gusto ko mang mapalapit sa kanya ay nahihiya akong kausapin siya.
Hindi ko maitatanggi na naging interesado rin ako sa lalaking yon.
May kakaiba kasi siyang dating para sa akin.
At lately parang feeling ko na may crush na ako sa lalaking yon.
Hays... pabayaan niyo nalang yan baka destined lang kami magkita at hindi maging magkakilala.
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang pumasok sa paaralan
Ilang minuto at nandito na ako sa paaralan medyo maaga pa nang makarating ako.
Kakaunti pa lamang ang mga tao na nakikita ko.
Pagkapasok ko sa gate ay dumiretso na ako sa library.
Sa library ako madalas na tumatambay kapag maaga akong pumapasok.
Kumuha ako ng libro at pumunta sa paborito kong pwesto na malapit sa malaking glass window kung saan makikita mo ang school garden.
Tahimik akong nagbabasa nang......
*drip* *drop*
Umuulan na naman pala
Nakaramdam ako ng saya at tumayo sa kinauupuan ko.
Lumapit ako sa glass window at pinagmasdan lang ang ulan.
"Gustong gusto mo ba talaga ang ulan?" sabi ng isang boses sa likuran ko
BINABASA MO ANG
Love, Rain
Short StoryKung saan ang ulan ang naging daan. Copyrights © reallyjammy All rights reserved 2017. Disclaimer: I do not own the photo used to make the cover of this book. Credits to the rightful owner of the photo.