"Sana makapasa ako sa test natin mamaya" narinig kong sambit ni Alyana habang nakatitig sa cellphone niya.
"11:11" mahina kong sambit pero sapat para marinig niya. Napalingon siya sa'kin tapos ngumiti.
"Hindi ka ba nagwi-wish tuwing 11:11?" tanong niya. Umiling lamang ako bilang sagot.
"Alam mo ba na kapag humiling ka daw tuwing 11:11, matutupad yung wish mo" sabi muli ni Alyana pero hindi ko na lamang pinansin yung sinabi niya.
*****
Kinabukasan, matapos ang araw ng test namin ay lumabas na ang results ng scores namin at nakaperfect si Alyana. Nakakapagtaka dahil sabi niya sa'kin ay hindi naman siya nag-aral.
Habang naglalakad kami papuntang canteen, napansin naming nagkakagulo yung mga estudyante. Nagkatinginan kami ni Alyana at sinundan namin yung isang estudyante na naglalakad papunta dun sa pinagkakaguluhan.
Nakakakilabot. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
"Evo..." narinig kong sambit ni Alyana, napaupo siya sa labis na panghihina. Si Evo ang nakababatang kapatid ni Alyana. Sobrang malapit ang loob nila sa isa't-isa pati na rin sa'kin kaya alam kong sobrang nalulungkot at nasasaktan siya.
Muli akong tumingin kay Evo. Patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo niya na halatang kakapatay lang sa kaniya. Nakasabit siya sa hook ng flagpole at nakamulat pa ang mga mata nito. Wala siyang damit pang-itaas, may mga sugat at pasa siya. Halatang pinahirapan siya bago pinatay.
Nakakapagtaka dahil wala manlang nakakita kung sino at kung paano siya pinatay.
Lumapit ako sa walang buhay na si Evo. Napansin ko ang nakasulat sa dibdib niya pababa sa tiyan. Mga numero na tila ba may ipinapahiwatig.
"215393216221" mahina kong sambit. Paulit-ulit kong inisip kung anong ibig sabihin ng mga numerong iyong. Napatakip ako ng bibig ng malaman ko ang ibig sabihin nito.
"Alyana..." lumingon ako sa likod pero wala na siya dun.
*****
Takbo lang ako ng takbo. Pinuntahan ko na halos lahat ng madalas niyang puntahan. Isa na lang ang hindi ko pa napupuntahan. Mabilis akong naglakad papunta sa cr.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng cr ay bumungad sa'kin ang walang buhay na si Alyana.
Third Person's POV
Napaupo si Elize dahil sa nakita niya. Durog na durog ang bungo ni Alyana at nagkalat sa sahig ang pira-pirasong utak nito. Nakasandal ang katawan nito sa pader katapat ng pinakadulong cubicle at naliligo na sa kaniyang sariling dugo.
Nanghihina man ay pilit na tumayo si Elize at tiningnan ng maigi ang nakasulat sa pader na sinasandalan ng katawan ni Alyana at halatang dugo ni Alyana ang ipinangsulat dito.
UNO.
Biglang umilaw ang cellphone ni Elize at una niyang nakita ang oras.
"11:11"
END