Chapter 1, Teen stupidity: FACEBOOK BREAKUP

308 4 0
                                    

FACEBOOK BREAK-UP

Ang self-destructive shit na ginagawa ng halos lahat ng teenagers sa panahon na 'to.

Self destructive kasi, mukha silang tanga. Lalo na kapag ang way of communication nila ay patamaan ng message sa status. Hindi ito haka-haka lang. This shit is real. Ito ay STUPIDITY GONE BERSERK.

Let me tell you this. Kung nag-break kayo, at hindi pa kayo nagkakaroon ng closure. DON'T F*CKING POST IT ON FACEBOOK.

Ito kasi yung kina-mumukhang tanga ng mga teens sa Facebook. Lalo na pag nagsasagutan yung dalawa...... THROUGH STATUS. At nagiging available para sa lahat ng tao ang information na dapat kayong dalawa lang ang nakaka-alam.

Nakabasa na ako ng Facebook break-up. Nakaka-libang talaga. Para kang naka-subaybay sa isang reality show . Hindi nga lang ganon kaganda ang mga bida pero okay na din. Parehas naman ng mga linya eh.

Facebook break-ups be like

Girl: Sige jan ka na sa kanya, jan ka masaya eh no? Edi magsama kayo. LOL Hindi ka kawalan.

Boy: Napaka-kitid kasi ng utak kung ano ano iniisip. Sige yan naman ata ang gusto mo eh.

Girl: Eh talaga namang jan ka masaya eh. 

Boy: Osige na ikaw naman tama. Sus.

Na parang physically impossible bigla sakanila ang texting at private messaging.

Tapos doon sa dalawang magkasintahan. Yung pinaka-panget pa yung unang babanat ng gantong shit:

"I deserve someone better"

"Hindi ako yung nawalan. Ikaw" 

Tapos makakarinig ka ng mura all of a sudden, they be like

"PUTANGINA NUNG MGA NAKIKIELAM SAMIN. WALA KAYONG ALAM PLEASE MANAHIMIK KAYO" 

Like what the f*ck? PANONG WALANG ALAM. B*TCH KAKABASA LANG NAMIN.

Tapos 2 hours later mag-popost yung lalake ng pinaka madramang getting back together bullshit na mababasa mo sa buong buhay mo.

"Babe sorry na, please. Getting back with you might be hard. But moving forward without you is impossible" 

Yung sincerity niya ay POWERED BY GOOGLE.

Tapos after all of these bullshit a*s dramas. 2 hours later makikita mo nanaman yung nakakadiring couple picture nila magka-kiss and shit dahil nagkabalikan na pala sila. May caption pa na "Forever na tayo babe" bullshit na parang hindi sila nag-break kanina. WE ALL KNOW THAT AIN'T GONNA HAPPEN B*TCH.

I know parte ng relasyon ninyong dalawa minsan ang away and all that cheesy shit. Pero dapat hanggang sa inyong dalawa lang yon. Hindi kaylangan malaman ng ibang tao na may nilanding iba yung boyfriend mo dahil nakakairita yung bunganga mo minsan at hindi din kaylangan malaman ng ibang tao na iniwan ka ng girlfriend mo dahil napaka-kati mong tao.

Let me tell you this story ng isang FACEBOOK DRAMA GONE WRONG.

Cast: Tangang Lalake, Tangang Babae, at isang matalinong epal na nagngangalang.... AKO.

Minsan nakabasa ako ng facebook LQ, near break-up na. Pero iba 'to. ENGLISH

Nag-eenglishan sila, intense na talaga. Sa status yon ah. Sagutan doon sa comment section.

Boy: Blah blah blah english shit, it's not my fault

Girl: I hate this, you don't like mah friends and all that

Boy: I left my friends for you, and you're still acting like this

Girl: I don't talk to my friends anymore because of you.

Sa sobrang gusto kong turuan sila ng konsepto ng "PRIVACY" naki-english ako. Alam niyo cinomment ko? Siyempre english din.

Boy: You don't get me at all

Girl: It's not my fault blah blah

Me: .................Carrots

F*CKING YES CINOMMENT KO YUNG WORD NA "CARROTS"

Alam niyo sinabe sakin?

"Sino yan? NAKAKABASTOS NA YAN AH!"

B*TCH BINASTOS NIYO NA YUNG SARILI NIYO NOONG PINOST NIYO SA PUBLIC YANG BULLSHIT LOVE STORY NIYO NA WALA NAMANG INTERESADO.

At sakin pa nagalit noong sinabe kong

"Naka-Public kasi. Pwede magcomment kahit sino. Kung ayaw niyo may namamakielam sa CHATBOX KAYO MAG USAP"

Anak ng puta papabanatan daw ako sa Fraternity niya. Anong klaseng kababawan yon. Kilala ko yung girl. Sabi wag ko nalang daw pansinin. Tapos kinabukasan naka-block na ako sa account nila parehas.

Baka nagka-sagutan nanaman sila in english at ayaw nilang makumpleto ko pa ang food pyramid.

Tapos eto nanaman

Sasabihin nanaman sakin "FACEBOOK NILA YON. WALANG DAPAT MAMAKIELAM."

Eh kung wala naman palang dapat mamakielam, bakit ipo-post pa? WHY THE F*CK BOTHER POSTING IT IN THE FIRST PLACE KUNG AYAW NIYONG MAY MAKIALAM? Dapat isinulat niyo nalang sa diary. Or sa public restroom kung saan nababagay ang inyong shitty thoughts.

Imbis na kayong dalawa lang ang nakaka-alam kung gaano kabobo at kalandi yung girlfriend/boyfriend mo malalaman pa tuloy ng lahat dahil hindi niyo alam ang salitang "Private message".

LEARN TO VALUE YOUR F*CKING PRIVACY.

END <<<<<<

End of This Chapter issue.

Special thanks to TPC.

Realtalk!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon