Chapter 7: Cyber bullying- ano ang contribution ng sarili mong katangahan?

181 4 0
                                    

Kahit ano pa ang sabihin natin, mali ang pambu­bully sa kahit na anong anggulo.

Walang indibidwal na deserve ma­bully. Pero ano nga ba ang contribution ng sariling ka­pakshitan sa tiyansa mo na maging biktima ng Cyberbullying?

Cyberbullying ­ is the use of Information Technology to harm or harass other people in a deliberate, repeated, and hostile manner.

Madali na mambully sa internet, pwede ka na kasi gumawa ng fake account at mambully nang mang bully at sobrang liit ng tiyansa mong mahuli.

Hindi naman kasi ata pinagtutuunan ng pansin masiyado ng gobyerno ang mga gantong usapin.

Masiyado silang busy sa pag gawa ng mga bagay na hindi nag­eexist. Kaya naiintindihan ko naman kung wala na silang time para sa mga gantong bagay.

Habang 20% (Hindi official na bilang, gusto ko lang mag mukhang professional kaya nag lagay ako ng mga percent) ng mga nagiging biktima ng Cyberbullying ay dahil sa mga taong walang ibang gustong gawin kundi mag hanap ng mga taong lalaitin at pag­ti­tripan.

Yung other 80% naman na biktima ng Cyberbullying ay resulta ng sariling kashungahan.

May mga bagay kasi na hindi mo na dapat i­post pa sa internet. Pero may mga tao talagang tila gustong

gustong sinasabihan sila ng "HOY, MUKHA KANG TANGA!"

Maniniwala ka bang pinost ito ng mga tao sa Facebook?

Example ng mga bagay na hindi mo na dapat pinost sa Facebook kung ayaw mong mabully.

( http://1.bp.blogspot.com/-pIlJSYfISsI/UpaBudhtmoI/AAAAAAAAABw/qmltG_o42H0/s1600/Katangahan.jpg )

Tignan niyo 'to for example. Hindi ko alam kung may problema siya, kung dugo niya ba talaga ang nasa sahig oh pinaglaruan ng pamangkin niya yung betadine at natapon sa sahig.

Eto mga maling Bagay na makikita sa imaheng ito:

­Duguan ka na, una sa lahat ang una mong gagawin ay humingi ng tulong. Wala na sa isip mo yung "Grabe baka magkaron ako ng internal bleeding, AMA TEYK A PIKCHUUUUR"

­Malaki ang tiyansa na nabagok siya na hindi niya hawak ang phone niya. Kaya malamang iniwan niya yung dugo niya sa sahig para kuhain yung phone niya sa lamesa, at hinigaan niya ulit para makapag selfie.

­Tsaka kung titignan niyo, dalawa yung angle ng camera. Nabagok na nakuha pa humanap ng magandang angle. Malamang naka­ilang picture to sa duguan niyang sahig at nag­delete delete ng mga picture na hindi gaano maganda ang kuha.

"Hindi kita yng dugo dito, DELETE"

"Parang Oily ako sa Angle na to, DELETE" "

"May nahagip na paa ng kasambahay, DELETE"

"Leche, Blurred amp. DELETE"

Isa pang example ang kama­kaylan lang naging viral sa Facebook. Ang imahe ng babaeng nag­laslas.

( http://1.bp.blogspot.com/-m2TfNetXCOs/UpaFYt4U0lI/AAAAAAAAAB8/3diWEynDYok/s1600/bullied.jpg )

Eto naman ang napansin kong mali dito

­Ang intensyon mo sa pag­la­laslas ay magpa­tiwakal.

Hindi na papasok sa isip mo ang pag­eedit ng picture collage.

­Senyales ng pag iinarte ang mababaw na paglalaslas.

Lalo na kapag mukhang piniga­piga mo pa yung hiwa para mas madaming dugo ang makita sa picture.

­Wag mag­picture ng imahe mo na umiiyak ka sa mga Social media. Anong gusto mo gawin ng mga nasa friends list mo? Mag­PM ng TISSUE?

­Hindi nakaka­lungkot ang pink na Font.

­Hindi nakaka­lungkot ang Blade­Selfie

Wag na mag inarte sa internet. Kung gusto mag labas ng problema, i­chat si BESTIE. Wag sa newsfeed.

May mag­sasabi "HINDI NAMAN NATIN ALAM ANG PINAG­DADAANAN NIYA"

Base sa caption ng imahe "Mahal na Mahal Kita". Ito ay pagla­laslas para sa kanyang boyfie.

Kawawa naman si girl, naging viral ang kanyang pagka­broken hearted.

Madami pang rason ang pwede mong ika­bully sa internet.

­Dahil napaka perfectionist ng mga Pilipino. Kung hindi mo na kaya i­express ang sarili mo in english. Wag mo nalang ipost.

­Don't pretend to be someone you're not. SERIOUSLY. MADAMING NAKAKA­KILALA SA TUNAY NA IKAW.

ANG SINASABI KO LANG

Mali ang mambully. Pero sana hindi ikaw mismo ang nag­bibigay ng rason sa mga tao upang ma­bully ka.

Wag mag mukhang tanga sa internet. Dahil madaming tao na walang ibang gustong gawin kundi mag sabi ng totoo.

==============
A/N: Meron pa pala akong naalala na naging viral din o trending sa facebook nun.

Yung girl na nagselfie habang nasa kubeta sya at nakaupo sa inidoro. Ano yan girl? Gusto mo ipagkalat sa social media na naglalabas ka nang sama nang loob sa katawan?
At balak mo pa ata samin ipaamoy? Anong gusto mong gawin namin, magcomment kami sayo nang goodluck?
Pasintabi naman sa mga kumakain na nakakita nang pinost mo.

Hayyy. Mga realtalkers, lagi nyong tandaan na "hindi porket libre maging tanga.. Eh ipopost mo pa sa social media."

Umpisahan natin ngayong 2015 bawasan ang mga taong utak talangka, tulungan natin sila. Magtulungan tayo. Aja!

-TY TPC ;)

Realtalk!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon