Chapter 03

528 10 0
                                    

Kinuha niya ang salamin niya mula sa aking bulsa at napilitang lumayo ng kaunti sa akin. "Sa wakas." 

Tiningala ko siya at nakita na hindi ko lang imahinasyon na gusto niya rin akong halikan. 

Nagka-boyfriend na rin ako kaya alam ko na rin ang mga expression ng mga lalaki. And that's longing and desire in his deep blue eyes. 

Tinitigan niya ako sandali bago ako binatukan. "Tanga!" 

Napanganga ako sa sinabi niyang adjective sa akin. Ako? Tanga? Stupid sa Ingles? Idiot? Dumb?

Sinabunutan ko siya. "Gago ka ah. Hindi ako tanga noh!" 

Tr-in-ap niya muli ako sa pader at natahimik na naman ako. Inilagay niya ang kanyang salamin at tiningnan ako ng masama. "Hindi ka ba nag-iisip? Nasa loob ka ng kwarto ko. Tayong dalawa lang rito at walang ibang makakarinig sa iyo. Muntik na kitang halikan at tandaan mo, kakakilala pa lang nating dalawa. Paano kapag may ginawa akong masama sa iyo at sabihing hindi kita responsibilidad. Mag-isip ka." 

Napakunot ako ng noo. "Bakit? Ayaw mo ba? Aminin mo, gusto mo." 

Medyo nanlaki ang mga mata niya. "Imahinasyon mo lang iyon." 

"Tulad ng sinabi ko, hindi ako tanga kaya napansin ko pa rin na gusto mo akong halikan." 

"Imahinasyon mo nga lang talaga. Hindi kita type noh. Ni hindi ka nga qualified sa mga girls na dinadate ko eh." pagrarason niya at sinipa ko siya sa sikmura. "ARAY!" 

"Hindi mo pala ako type ha. Lalong hindi kita type noh. Ayoko sa mga taong bully at mayabang. Lalo na sa mga gago at manhid." sumbat ko at sinabunutan ulit siya.  

"Tigilan mo na nga ako! Labas! Labas!" sigaw niya at tinulak ako palabas ng kanyang kwarto. 

"I hate you!" sigaw ko bago tumalikod at magsimulang maglakad. 

"Oo nga pala. Naomi?" 

Napalingon ako habang naglalabi at napahinto ako sa paghinga nang ilapat niya ang mga labi niya sa mga labi ko. At kahit mabilis lang iyon ay may kung anong kuryente akong naramdaman. 

"Baliw! Para sa'n yon?!" protesta ko at binato siya nang ipit ko. 

Tumawa siya bago kiniss naman ang noo ko this time. "Parusa kasi makulit ka. Ayan, may kiss ka sa'kin. Crush mo naman ako eh." 

"In your dreams!" sigaw ko pagkapasok niya ng kwarto niya. 

"Then, I'll keep dreaming." natatawang sagot pa niya sa loob. 

"Mabangungot ka sana at hindi na magising pa!" curse ko at padabog na umakyat sa kwarto ko.

Ang cute!!! Kulay light blue ang kwarto ko. Fluffy ang bed. Malaki rin ang kama at mukhang mapapasarap ang tulog ko bawat gabi. Kumpleto. May T. V, Electric Fan, AirCon, CD Player, Radyo, Night Lamps, Cabinets, Telephone at Internet Connector. 

Buti nalang may dala akong laptop ko. 

Inayos ko ang mga gamit ko at umiglip sandali.

One, two, three! Gising na ako after almost 1 and half hour at nag-ayos muna ng sarili bago bumaba para kumuha ng makakain. 

Nando'n din si Marc. Nasa sala at naglalaptop habang nagpapatugtog. 

Katamtaman lang ang volume at naririnig ko rin ang pagta-type niya. 

Sumilip ako at nakita siyang seryosong-seryoso sa pagta-type ng hindi-ko-alam- na bagay at ang tugtog ay pamilyar sa akin dahil isa rin yun sa favorite ko. 

"Bring me Back To Life" ng Evanescense. 

Bumalik na naman siya sa seryoso at hindi-pwedeng istorbohing Marc na nakilala ko sa BIG SUPERMARKET kanina. 

"Diba sabi ko ayoko ng pinapanood ako? Nahahalata na tuloy na may crush ka sa akin." bigla niyang wika at napahinto ako sa paghinga. Tiningala niya ako at may pilyo na naman siyang ngiti.

"Excuse me pero bumaba ako para kumuha ng makakain at baka mamaya masuka ako sa pinagsasabi mo." sagot ko at naglakad papunta sa kusina. Kinuha ko ang isang pack ng patties bago binuksan ang gasul at naglagay ng isang lutuan sa itaas ng apoy. Binuksan ko ang Patties at naglagay ng dalawa sa frying pan. Tapos naglagay ulit ako ng dalawa pang dagdag bago iniwan at inayos ang Buns at gulay na ilalagay sa ginagawa kong Hamburger.  

"Ano 'yan?" tanong niya bago pinalitan ang kanta.  

"In The End" naman ngayon ng Linkin Parks. 

"Pagkain." sarkastiko kong sagot. 

"Hindi. Yang niluluto mo." sumbat niya. 

"Pagkain nga." sagot ko at hiniwa sa gitna ang Bun.  

"Nakakainis ka na ah. Sagutin mo nga ako ng maayos kundi itatapon ko itong laptop ko sayo." babala niya. 

"Gawin mo, sige. Hindi ko yan babayaran kapag nasira. Wala pa namang rubber laptop ngayon." sagot ko at hiniwa naman ang kamatis at lettuce ngayon. 

"Ano nga yang ginagawa mo?" 

"Nanghihiwa. Halata?" 

"Anong klaseng pagkain ang gagawin mo at bakit ka nanghihiwa ng kamatis?" kumpleto niyang tanong. 

"Pagkaing nakakain." walang-buhay kong sagot. 

Tumayo siya at nilapitan ako. "Hoy, kinakausap kita ng maayos. Sumagot ka ng maayos."  

"Ayoko eh. Bakit ba?" Angal ko at dinilaan siya. 

Nilapitan niya ang kalan at tinalikod na ang mga patties. "Hamburger?" 

"Hindi. Footlong. "  

"May footlong bang patties ang laman?"

"Wala."

"So, hamburger nga."

"Hindi. Siopao."

"Hoy, sumosobra ka na ha."

"Saan? Ay oo nga noh, naparami na ang hiniwa kong lettuce. Gusto mo? Kambing ka naman eh."

Tiningnan niya ako ng masama. "Ikaw ha." 

"Bakit? Maganda ako? Alam ko na yun dati pa." Inaayos ko na ngayon ang ketchup at Sandwich Mayonaisse. 

Natawa siya at pumunta sa likuran ko. "Para tuloy tayong mag-asawa." bulong niya at medyo nagtaasan ang balahibo ko sa boses niya. 

Paglingon ko ay ang labi na naman niya ang nakalantad sa harapan ko. 

No,...Hindi, hindi pwede....Wait...Sandali...

A/N: I'm cruel. So, so cruel. Kidding. 

Anyway, ayun, may update na ha.  

Pero wala pa rin akong votes o kaya comment. T_T 

Wala naman yatang may gusto eh. T.T

Housemates with a Cold-Hearted Bully! (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon