Chapter 06

563 4 0
                                    

"She was murdered a week before our wedding. She was heading back home when two drunk guys suddenlt tackled her into a corner. And you knew the rest." he muttered.

I blinked. "Siya ba yung babaeng nakitang patay sa isang sako na itinapon sa may Horizon River?"

His gaze says the answer I wasn't expecting.

"How could anyone be so cruel?" I mumbled.

He smiled mockingly."There are sacrifices needed to be given so that you can survive this world."

"N-Nahuli na ba yung pumatay sa kanya?" hesitant kong tanong.

Tinitigan niya muna ako at may kung ano sa mga mata niya na nagpataas ng aking balahibo. Malamig ang mga ito pero may halong...depression. The eyes never lie. He's sad and angry. "A week after the incident, nahanap sila dahil sa fingerprints sa katawan niya. They were to be jailed for eternity pero, para sa'kin hindi fair yun. They took her life, hindi ba dapat buhay din ang kapalit?"

"That's--"

"Worst. Kaibigan sila ni Heizel. They were her schoolmates back in her College Days at close silang tatlo. At sa kulungan ko lang nalaman na sa dapat pala ako yung papatayin nila dahil sa inggit. They are best friends at parehong may gusto kay Heizel but, unfortunately for them, she loved and chose me over them. Kaya nga galit na galit sila at since wala silang makuhang oras para biktimahin ako-- they started with her." paliwanag niya.

"Envy. One of the deadly sins. It truly is deadly, isn't it?" bulong ko.

He went back in lying in his bed. "It sure is. Pero, ano pang magagawa ko? Tapos na. All I could after that was to punch them until I was satisfied, pinabayaan naman ako ng mga pulis, basta wag ko raw silang papatayin. Kung may dala nga lang akong panaksak ay sinaksak ko sila tapos ang sarili ko."

"WHAT?"

"Pero, narealize ko ang baliw ko talaga. Mas malaking kasalanan ang suicide."

Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko na alam ang isasagot ko pa.

"Huwag mo akong titigan ng ganyan. We only know each other for a day at pasalamat ka at nag-open up ako sa'yo noh." reklamo niya at nag-roll sa kabilang side kung saan hindi siya nakaharap sa akin.

Nakaupo na ako at nakatitig pa rin sa kanya. "Mahal mo ba si Heizel?"

"Oo. From the very first day we met until this very instant."

Wow. How loyal. "Kung makakahanap ka ba ng bagong mamahalin, will you grab the opportunity?"

There was a short silence. "I'll think about it."

Gano'n talaga kahalaga si Heizel sa kanya huh. To the point na kahit patay na ito ay ayaw niya pa ring magmahal ng iba. "Kung gano'n--"

"Shut up. Matutulog na ako." singit niya.

Kumuha akong unan at tinakpan ang mukha niya no'n. "Mmmmngggg!" sinubukan niyang makawala pero lalo ko pa siyang pinanggigilan.

It was almost 30 second bago ko inalis at hingal na hingal siya. "Balak mo ba akong patayin?"

"Kung kaya ko lang." bulong ko.

"Huh?"

"Wala sabi ko, masungit ka, suplado ka, bastos ka, mataray ka, bully ka pa! You're the worst of all worst!" sigaw ko, tumayo at umalis ng kwwarto niya.

"Hoy, Naomi!" narinig kong pahabol nya pero umakyat na ako sa kwarto ko at nilock yun.

Binuksan ko ang ilaw at curled myself into a ball sa kama ko habang nakalabi.

Hindi ko alam kung abkit asar na asar ako nang sinabi niyang, "I'll think about it" tungkol dun sa pagmamahal ng ibang babae.

Couldn't he get over her?

Nakakainis ang impact ng mga kinuwento niya sa akin. Para tuloy, obligado na akong maging mabait sa kanya ngayon kahit para sa kanya-- mahirap magtiwala ng tao.

"Ugh! Grrr!" curse ko at napatili nang mamatay bigla ang ilaw.

Madilim na sa kwarto ko, madilim pa sa labas. Nakataas kasi ang mga kurtina at kitang-kita ang sa labas pamamagitan ng malalking glassed na bintana.

Napatili na naman ako nang may kumaluskos. Nagka-trauma at phobia kasi ako sa dilim. Nang makulong ako sa attic ng bahay namin at napakadilim roon. Sakto pang umuulan at kumikidlat. Dahil sa kidlat, kung anu-ano ang nakita ko.

Right now, looks like it will begin to rain soon dahil nakakarinig na ako ng patak ng ulan sa bubong. "God, no..." bulong ko.

But, unfortunately, ayun, lumakas na ang ulan at kumidlat pa. Nagblack out pa kasi?!

Napatili ulit ako ng malakas dahil sa lakas ng kidlat at ulan,

Because of the continous rain and thunder ay naiyak na ako.

"No..."

Ka-chak!

"Uwaaaa!!!!" iyak ko as I bury myself under my blanket. "Someone...-sob--sob...please..."

Marc, Hindi; imposibleng puntahan ako no'n. Natutulog na yun ngayon ng mahimbing. Surely at walang pakialam sa akin.

Fwooosssh!

"Kyaaaa!" sigaw ko dahil napakalas ng kidlat. At lalo lumakas ang iyak ko.

"Someone!!!" I shouted.

Napasinghap ako ng biglang bumagsak pabukas ang pintuan. Sino yun?

"Kyaaa! No!!!"

I was surprised nang may nag-alis ng kumot na nakapalupot sa akin. Thank God, it was Marc.

Marc? Nandito si Marc!!!

Kumidlat at nakita ko ang pagiging sapphire ng mata niya. Those eyes...

Hindi ako alam kung bakit pero lalo lang akong naiyak na parang bata. He sat on my bed and wrapped me with his arms. "Hush. Tahan na..."

"Marc...!!!" iyak ko at itinago ang mukha ko sa dibdib niya.

Kumidlat ulit at napatili na naman ako.

"Shhh....Kidlat lang yun. Tahan na, mamamaga pa mata mo niyan at papangit ka pa lalo." biro niya.

I giggled while crying (may ganun?) at pinalo siya ng unan ko. Humihikbi pa rin ako. "K-K-Kainis ka!"

He made a tiny smile bago p-in-at ang ulo ko. "I'll get some emergency lights. Kaya mo bang--"

"No..." bulong ko at hinawakan ang edge ng polo pajamas niya. "Dito ka nalang."

"Pero, madilim..."

"Ayos lang. Basta may kasama ako..."Fwoossh! "Please?"

He stared at me for while bago ako niyakap muli. I became more startled nang idampi niya ang mga labi niya sa noo sabay banggit ng mga katagang, "I'm here. I won't leave your side."

Pwede bang padagdag ng "FOREVER" sa hulihan?

How could this day change everything about my old simple, boring, average life?

How could a Cold-Hearted Bully with a BIG CHARACTER AND MOOD PROBLEM change my life?

A/N: Wala eh. Nangsusulat na lang ako for fun.

Pero, PLEASE STILL VOTE AND COMMENT. :)

Thanks po sa reads.

Sori sa errors. Talagang ganyan eh.

Kumusta naman noh? Ano to? PBB Teens? XD

Housemates with a Cold-Hearted Bully! (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon