Chapter 1 - Early Announcements

172 9 5
                                    

Chapter 1




[Khraiyen's POV]



''Ms. Dizon.'' Tawag sa atensyon ni Mrs. Cortes sa akin. Tapos nagsignal siyang lumapit ako sa kanya.



Aakmang tatayo na sana ako ng biglang may sinabing mahina sakin si Yel. ''Ano naman yang ginawa mo?'' Nangaasar ang tono ng boses niya. Nagets ko naman kung ano ang pinaparating niya sa akin.



''Wala kaya.'' Sabay dinilaan ko siya. Tumayo na ako at pumunta sa harapan ng table ni Mrs. Cortes, adviser namin. Dumaan lang siya rito para may iannounce sa amin. ''Ano po iyon?'' Napansin ko namang nagingay bigla yung classroom. Nawala lang sandali yung atensyon ni ma'am sa kanila umingay na. Haha nagsalita ang hindi maingay.



''Well, Ms. Dizon naisip ko lang kasing mapasali kita sa water-girl para sa basketball team na kaunit natin for our preparations sa Intramurals starting on August.'' Huh? Ako pasasalihin niya as water-girl?



''Ako talaga, ma'am? Pwede naman pong iba ang ipasali mo. Volleyball kasi yung napili kong activity para sa intrams eh.'' Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Ano ba naman 'tong si ma'am? Ang aga naman kaya niya akong ipinasabi tungkol diyan sa Intrams eh balita ko raw October pa ang intrams. Kalahati pa ng June eh.



''Ahh.. Ano kasi gusto ko kasing ikaw ang mag-lead sa mga ibang mga water-girls at water-boys kasi sabi ng mga previous teachers mo na may leadership ka kaya ikaw na lang yung napili ko. At atin-atin lang to ha? Idodoble ko yung ibibigay kong puntos para sa iyo kapag sasali ka sa water-girl.'' Naka-ngiting sabi niya sa akin. Weird talaga ni ma'am. Parang pinipilit niya akong pasalihin sa activity na yan.



''Sige na nga ho. Basta ma'am ah? Dodoblehin mo talaga ang puntos na yun. Pero kasali parin po ako sa volleyball.'' Paninigurado ko. Eh sa kailangan ko yung mga puntos eh. XD



''Oo naman. Next month ka na magsisimula dahil yun din yung first try-outs sa basketball para maka-kilala mo rin ang mga players at members. Next month rin pala yung first try-outs sa volleyball. Good luck!'' Ah so gets ko na kung bakit maaga niya sinabi sakin 'tong mga 'to ay dahil last year din pala maaga din nagsisimula yung try-outs. And sa August na talaga ang mga preparations sa Intrams hindi next month, July. Pero takang-taka parin ako kung bakit ako yung pinili niya. Madami namang may leadership diyan eh. Oh well.




*RIIIIING*




''Okay class you may leave the room.'' Pagkasabi ni ma'am nun. Nagsitayuan na sila at lumabas na. Excited?



''Uy, Krey sabay na tayong lima pauwi?'' Sabi ni Shienonie. Shien for short. Isa sa mga barkada ko.

The Boyish and The Player [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon