Prologue

394 12 4
                                    

Prologue



Playboy siya...

Parang every week umiiba yung mga girlfriends niya at worse hindi niya yun sineryoso lahat, sinaktan niya emotionally, umasa sila. Mga nakailan na siyang mga babae eh. Parang 85% daw dito ng mga kababaihan sa Oxard University ay naging girlfriend na niya. At 90% naman daw ang nagkagusto sa kanya.

Sinungaling siya...

Eh kasi lahat ng mga sweet talks niya sa mga babae ay mga kasinungalingan niya lamang iyon. Hindi ba alam ng mga babae niya na joke lang yun? Pero pagdating sa akin puro lait ng lait. Ganun naman din ako sa kanya eh.

Mayabang siya...

Porket pamangkin siya sa may-ari ng Oxard University ay ang yabang-yabang na niya? Siya na yung hari-hari dito? Nako! Hindi talaga yan tumatalab sa akin ay dahil bumabayad ako ng sakto dito sa paaralan na ito. Siya lang ba ang dapat irespeto? Hindi diba? Kaya sa lahat ng lalake siya yung kinamumuhian ko. Pero minsan kumportable ako sa presence niya. Ewan ko kung bakit.

At higit sa lahat kahit ganun yung ugali niya o mismong pagkatao niya, sabi daw ng matanda na nasa kalye na may posibilidad raw na magugustuhan ko siya at ang masaklap pa pwede ko rin raw siyang mahalin. Kaya as soon as possible iiwasan ko na siya para hindi na magulo ang buhay ko. Pero ang problema nga iniiwasan ko siya at sa kasamaang palad parati pa kaming natatagpo. Ito ba yung tawag nila na 'tadhana' na parang pinagplano na ito ng universe o may iba pang dahilan?

The Boyish and The Player [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon