Worth A Try

0 0 0
                                    



''I told you time will come that you will be kneeling in front of us and beg us to accept you... look at you now...''

Isang napakalakas na kidlat ang nag-bigay ng panandaliang liwanag sa paligid. Malakas at tila ayaw tumigil ang ulan. Kasabay ng pag-agos ng mga luha ko na tila ayaw rin tumigil.

''Hija tumayo ka d'yan nababasa ka ng ulan. Pumasok na tayo sa loob at doon tayo mag-usap.''

Tumingala ako upang makita sila. Kahit malabo na ang pananaw ko dahil sa pinaghalong luha at ulan ay nakikita ko parin ang kanilang mga ekspresyon. Galit at awa. Pareho silang may hawak na itim na payong at nakatayo sa harapan ko habang ako naman ay nakaluhod sa harapan nila at nagmamakaawa sa mismong harapan ng pamamahay nila.

''No Pa, she has no right to go inside habang hindi n'ya pa sinasabi ang rason kung bakit s'ya nandito.'' Tinitigan ko ang lalaking nagsalita. His cold stare makes me sad and cry even more. Bakas sa boses at mukha n'ya ang galit at pagkalito. Sino naman ang hindi magagalit at malilito kung may biglang walang hiyang tao ang kumatok sa pamamahay mo sa ilalim ng gabi at malakas na ulan. At biglang magmakaawa na tanggapin at patuloyin sa pamamahay n'yo.


Ngunit hindi ko s'ya masisisi sa mga nagiging reaksyon n'ya. Because it's all my fault. Kasalanan ko kung bakit s'ya nagkakaganyan.

''Sa loob ng sampung tao na pag mamakaawa namin sayo ngayon mo pa naisipang pumunta dito! Hindi ka man lang nahiya! Ano?! Did your great mother abandoned you already kaya ngayon ay saamin ka magmamakaawa para tanggapin ka?! I can't believe that's so easy for you Rhythm!''

Hindi ko mapigilang hindi mapatayo at titigan s'ya nang matalim. Alam kong wala akong karapatan na magalit pero he is now beyond his limits. How could he that?!

''She is also your mother Rhyme! Wala ka sa mundong ito kung hindi dahil sa kanya! Kaya h'wag mo s'yang pagsalitaan ng ganyan!'' I shouted. Nangingig ang mga labi ko. I'm still hoping na sana maintindihan n'ya. Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan na kaya n'yang sabihin ang mga 'yon. Nasasaktan ako na wala ng pakealam ang kakambal ko sa ina namin.

Malungkot s'yang ngumiti at hinagis ang hawak-hawak n'yang payong sa harapan ko. Hindi ko ito pinulot at tinitigan lamang ito. He wants me to go.

''Go home Rhythm. You can't stay here. We're done pursuing you.'' With that he turned his back on me. My twin just turned his back on me.

''Enough Rhyme! I am the father of this house at ako ang masusunod! Your sister will come inside and you can't do anything about that! Peter!''

Agad na lumabas ang driver ni Mr. Florentino na may hawak rin na payong. ''Yes Sir.''

''Alalayan mo si Rhythm papasok sa loob. At sabihin mo agad kay Manang Linda na kumuha ng towel at ihanda ang paligoan. Bilisan mo at baka magkasakit si Rhythm!''

Tila nag-alalangan si Mang Peter kung susundin n'ya si Mr. Florentino. Tumingin ito kay Rhyme atsaka nagkamot ng batok.

''Uhh.. sir..''

''No Sir.'' I but in. I am very desperate so I kneeled again.

''God Rhythm! Stop that! Tumayo ka hija!'' Pagpipigil sa akin ni Mr. Florentino. Ngunit umiling ako.

Kahit magdamag akong lumuhod sa ilalim ng ulan ay gagawin ko makuha lang ang pahintulot ng kakambal ko. ''I am not going inside without Rhyme saying yes..''

Agad na lumingon sa akin si Rhyme. Nababasa na rin s'ya ng ulan dahil sa pag-hagis n'ya sa payong kanina. Hindi ko mabasa ang ekspresyon n'ya ngunit isa lang ang alam ko. Mas lalo ko lamang s'yang ginalit dahil sa ginawa ko.

''Tama na 'yan Rhyme! Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo?!'' Bakas sa boses ng matandang Florentino na nagagalit na rin ito. I balled my fist nang kumidlat na naman.

Kinabahan ako nang tumalikod na naman si Rhyme at humakbang papasok ng kanilang mansyon.

''RHYME NATHANIEL!!!'' Nagulat ako nang sumigaw si Mr. Florentino. Isang mura ang pinakawalan ni Rhyme saka ito muling humarap sa amin.

''Fine! Whatever!'' Galit n'yang sigaw saka padabog na binuksan ang gate at pumasok.

Yumuko ako at hindi mapigilan ang saya. Hindi n'ya man sinabi mismo na pabor s'ya sa pagdating ko dito ay masaya pa rin ako.

''I did it, ma...'' I whispered. Naramdaman ko ang kamay na humawak sa balikat ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Mr. Florentino. Umiiyak s'ya ngunit bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha.

''Finally, after a very long time you finally came. Welcome home, my daughter...''

Hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko. I want to be happy but nangingibabaw ang takot at lungkot sa akin. Kung hindi kailangan ay hindi naman ako pupunta at magmamakaawa sa harap ng mga Florentino para patuloyin at patirahin sa pamamahay nila. But I have nowhere to go. Wala na akong mapuntahan at wala ng natira sa akin. Hindi ko na alam kung ano na ang direksyon ng buhay ko.

Years ago they were the one who was chasing ang begging me to be with them and I can't believe that this moment will come, na ako naman ang luluhod at magmamakaawa sa kanila.

Isa lang naman ang kinakapitan ko ngayon, ang mga katagang iniwan sa akin ni mama ''Don't be afraid to see what is inside, don't let your fear control you. Remember that everything is worth a try.''

Siguro nga kailangan ko nalang tanggapin at sumabay sa mga nangyayari sa buhay ko. Tanggapin ang bagong buhay na tatahakin ko. I won't back out. Lalo na ngayon na galit sa akin ang kapatid ko. I should accept all the consequences. Kahit ilang beses akong masaktan at kahit ipagtulakan n'ya ako gagawin ko ang lahat upang mapatawad n'ya ako.

But I won't just try. I'll work hard.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Worth A TryWhere stories live. Discover now