“Good morning people of the Earth!!!!! Good morning Potchi!” *yawn*. Binuksan ko yung bintana ng kwarto ko na nakaharap sa tree house namin ni Monty. Tss. Akin lang talaga yung tree house, eh feeler sya kaya gusto nya meron din syang tree house kaya hayun, hati nalang kami dun.
Ay anak ng tokwa, ang aga-aga eh kinukwentuhan ko kayo tungkol sa Monty na yun.
Speaking of the devil, andyan na sya—sa tapat ng kwarto ko. Bale magkatapat kasi yung mga kwarto namin. Wahahaha. Ang epic ng mukha nya ngayon promise! Sana nakikita nyo sya. Naka-pajama lang kasi sya tapos nagkakape dun sa veranda ng kwarto nya.
“Montyyyyyyy!!!!” sigaw ko. Bigla naman sya lumingon saken tapos ngumiti.
Lubdub.
Hala ano yun?
“Cookie-yah ang aga mo yata gumising?” sigaw nya rin mula sa kabila.
Wow himala. Anong nangyari sa kanya. Parang iba yata ang nakain nya kagabi. Pero di ba sa amin naman sya nagdinner? Anyare dun? Bumait bigla.
“Ganun talaga. Bagong buhay, bagong pag-asa. Hihihi.” Sabi ko habang nakangiti rin sa kanya. Aba sa lagay eh sya lang ang may karapatang ngumiti?
“Mabuti yan! Teka, anong ulam nyo? Pakain naman!” sabi nya tapos pumasok na sya sa kwarto nya at alam nyo na kung saan sya pupunta.
Hay nako, akala ko nagbago na sya. Hindi pa pala. T_____T
**
“Sakay na.” Utos nya saken habang ako naman ay nakatingin sa motorbike nya.
“”Eh? Bakit dyan tayo sasakay? Maglakad nalang tayo. Saka bakit tayo sabay? Anong meron?” sunud-sunod kong tanong sa kanya. Napakamot lang sya sa batok nya at halatang bugnot.
“Aish. Basta sumama ka nalang.”
Inabot nya saken yung kulay pink na helmet na nakasabit sa manibela ng motorbike nya. Wow ha? Ready si Monty!
“O-okay.”
“Ta’mo papayag ka rin naman pala, dami mo pang tanong. Tsk. Mga babae nga naman.”
“Anong sabi mo?”
Hindi ko kasi narinig yung sinabi nya kasi pabulong lang yun at saktong sinusuot ko yung helmet.
“Wala. Sabi ko, ang ganda mo ngayon.”
Lubdub.
Ay anak ng tokwang puso ito. Puso ko yun di ba? Bakit ang lakas naman yata ng tibok nito ngayon?
“Huy sure ka bang okay lang na sumakay ako dito?”
“Oo nga, ang kulit mo alam mo ba yun?”
Sumakay na ako sa motorbike nya. Hay nako, wag naman sanang byaheng sementeryo tong si Monty. Maaga ako mamamatay. Di ko na makikita si Reniel.
Lumungkot yung mukha ko. Yung huling beses na sumakay ako sa motorbike eh yun yung araw na iniwan ako si Reniel. Yun yung araw na una akong nilapitan ni Monty habang umuulan.
“Uy Cookie may problema ba?”
“H-ha? Wala naman.....”
“Eh bakit ang higpit ng yakap mo saken?”
“H-ha? Ay oo nga ano? Pasensya na.”
Akmang aalisin ko na yung mga braso ko sa bewang nya pero pinigilan nya.
“Okay lang. Kapit ka lang sa akin kung natatakot ka. Andito lang naman ako eh. Hindi kita bibitawan.”
With those words. I felt comfort. I felt comfort while hugging Monty from his back.
BINABASA MO ANG
Why My Heart Was Beating -formerly Monay and Cookie (Ongoing Series)
Teen FictionLosing your first love is like waking up from an overdose and realizing that you’re still alive. Once you place your hand in front of your chest, then you'll realize that the reason why you're still alive is still there, coz it's still beating.