Monay and Cookie Chapter 8
“teka lang po sir.. check lang po yung bag”
Dugdug... dugdug.. pambihira ka Cookie, pag tayo nahuli... nakuuuuuuu! Si Kuya Guard naman hinalungkay pa ohhhh..... kinakabahan talaga ako.. hayhay... ayoko na tingnan! Baka mabisto pa ako pag nagkataon.
“sino nga bang dadalawin mo sir?”
“si Cookie, este Princess Kiya Coleen po.. Cookie for short”
Kumunot yung noo ni Kuya.
“Si Cookie? Talaga? Andito na naman pala yung makulit na batang yun? Boyfriend ka ba nya? Naku ha, ingatan mo yang girlfriend mo. Mukha lang yung matatag pero laging laman yun ng ospital.” Sabi ni kuya habang iniinspeksyon pa rin yung bag na may lamang mga damit ni Cookie.
“talaga po? Ano po bang sakit nya?”
“ah... di nya pa ba nasasabi sayo? Meron syang---”
“hiuhuigbevdhcjnaxjhgavwwgfdttwkjhinvhbhhftrdeszcvxh” may biglang nagradyo kay kuya. “sige na pogi, punta ka na kay Cookie, may aasikasuhin lang ako.”
Nabitin ako sa usapan namin ni Kuya pero mas ok na to. Baka mamaya mabisto pa kong nagpuslit ng pizza eh di nabembang ako ni Cookie.
^Room 24
Nakaawang ng konti yung pinto kaya narinig kong may ibang tao sa loob. Kala ko ba mag-isa lang sya ngayon.
“Cookie bakit ba ayaw mong gawin yun next week? Pag pinatagal pa kasi natin yan, baka di lang yan ang mangyari sayo. Tingnan mo nga yan, kala lang nila nilagnat ka lang. Konti lang ang nakakaalam na malala ang kondisyon mo. Pano na lang pag bigla kang nagcollapse ha? di ba dapat alam din to ng boyfriend mo?”
“wala naman akong boyfriend doc... hahaha... kaw talaga. Malala na nga sakit ko tapos magboboyfriend pa ako. Eh di kawawa naman yun pag namatay ako.”
“sira, wag ka nga mag-isip ng ganyan. Di ba sabi ko sayo hanapin mo yung taong magpapalakas ng puso mo? Kalimutan mo na kasi si Reniel. May girlfriend na yung tao. Di ka nya mahal.”
“doc, wala ng ganyang tao sa mundo. Yung iba dyan kunwari mahal ka yun pala hindi. At kung makakakita pa ako ng taong magmamahal sa akin, nakakatakot lang na baka isang araw iwan ko sya. Ok na ko sa ganitong setup doc, mabuti ng walang nakakaalam para kung mawala man ako sa mundong to, ang tanging matatandaan lang nila ay minsan may nakilala silang COOKIE na masayahin at walang problema.”
“wag kang magsalita ng ganyan Cookie, magtatagumpay ang operasyon mo.”
Bihira lang ako umiyak. Pero ngayon pakiramdam ko mauubos ang lahat ng luha ko sa mata. Bakit ikaw pa Cookie? Bakit ikaw pa na walang ginawa kundi mahalin ang mga tao sa paligid mo? Bakit ikaw pa na nagpapasaya sa akin?
Ano bang pwede kong gawin para sayo?
Papalabas na yung doktor na kausap nya kaya nagtago muna ako sa CR na kalapit lang ng kwarto niya. Nung makalayo na yung doktor, pumunta na ako sa kwarto niya. I faked a smile while deep inside, may something strange akong nararamdaman.
“huy MONAY! Hahahaha... ano nasan na ang Pizza ko!! Wala kang dala noh! Sabi ko na nga ba wa---”
I hugged her. Bakit kelangan nyang magpanggap? Handa naman ako eh. Handa naman akong maging yung taong magpapalakas sayo.
“hoy Monay.. bakit ka yumayakap ha? tsss.. alis ka nga dyan! Nako, ok lang naman kung wala kang dala.” Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.
“pssh. May dala ako oh! Ayan, ubusin mo yan lahat ha? saka may gusto ka pa ba? Sabihin mo lang.”
Umiling siya.
BINABASA MO ANG
Why My Heart Was Beating -formerly Monay and Cookie (Ongoing Series)
Dla nastolatkówLosing your first love is like waking up from an overdose and realizing that you’re still alive. Once you place your hand in front of your chest, then you'll realize that the reason why you're still alive is still there, coz it's still beating.