Chapter 2

32 0 0
                                    

Nina's POV padin.

Di nila alam pero nakakatext ko na si Gwen right after nung nag shot kami.

Kinuha ko yung number niya nung sinamahan ko sya sa cr.

Sabi ko pa, just to return the favor kaya di na sya nakatanggi. Haha.

Ang sama ko lang.

<Hi Gwen. :) Si Nina to, pinsan ni Ed. :) Salamat sa shot kagabi ah. :) sana nag enjoy ka kasama kami

>hello po ate. opo nag enjoy naman ako.

<Next time ulit ah? tas kwentuhan ulit tayo.

>sge po.

Ang iksi naman magreply.

Parang ayaw talaga niya kong katext.

Tapos pino'po pa ko at tinatawag na ate. Huhu.

Pero nakwento na sakin ni Ed na nagka jowa na sya ng tomboy talaga.

Kaya nagkaron ako ng pag asa na baka may chance din ako sa kanya.

Baka.

Sana.

Haynako.

Kung kelang sembreak, saka ko pa nakilala tong si Gwen. Wala tuloy ako mapagkwentuhan ng nararamdaman ko.

Di ko naman pwedeng sabihin kay Jeff at Ed kasi panigurado aasarin lang ako ng mga yun.

<best! namimiss na kita! at alam mo ba. may chix akong nagugustuhan. :( ay crush pa lang pala.

>aysus best. di ka naman nawawalan ng chix eh. kahit san tayo magpunta, may crush ka. di na bago yan noh. miss you too.

<di best. iba eh. sobrang ganda niya. nalalaglag panty ko pag ngumingiti sya. ang prob, mukang may jowa sya. saka kapatid sya ng jowa ng pinsan ko. gets?

>kasing gulo ng bulb*l mo yang kwento mo. kwento mo sakin sa pasukan! haha.

<but i cant fight this feeling anymore! huhu.

>ewankosayo. ge na. tumatae pa ko. babush!

haynako. At talagang inuna pa nya ang pagtae kesa marinig ang kwento ko. Nakakaloka.

Lumipas pa ang ilang araw.

Lagi kong tinetext si Gwen.

Kinakamusta.

Binabati ng Good Morning, Good Afternoon, Good Evening at Good Night. Kunwari GM pero sa kanya lang talaga dumadaan yun. Haha.

Ang problema, minsan lang sya magreply sakin.

Haaay.

Dumaan ang mga araw.

Hindi ko alam kung nauntog ba si Gwen dahil lagi na syang nagrereply sakin.

Pag hindi ako nakakareply agad, tinatadtad nya ko ng msgs.

Ewan.

Pero dun pa lang, kinikilig na ko. :)

>good morning gwen. :) ingat ka today ah.

<good morning din ate. ingat ka din po.

>may gagawin ka mamaya? bonding daw ulit. kwentuhan lang. mukang nag eenjoy silang kasama ka. syempre ako din. haha.

<ah sge po ate ko. sama ko ke sophie pag pumunta sya jan.

Shet.

Wait. Ano daw?

It's Love for the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon