Bitter Ako! (one-shot)

270 9 10
                                    

Enjoy Reading!

Medyo mayroon po akong pinanghuhugutan dito! haha! :)

 ♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦

 Habang nasa Mall.

"Ang daming couples dito!" naiinis na ako.

ako -----> -____-''

"Inggit ka no?" sabi sa'kin ni Annie.

"Hindi kaya!"

"Oh ba't ganyan ka?" medyo natatawa siya.

"Kairita kasi sila eh. Harot nang harot! Landian sa harapan mo!"

"Tapos?"

"Hiyang-hiya naman ako sa kanila no?!"

"Ba't ba kasi ang BITTER mo? hahahaha" tanong niya.

"Basta mahirap i-explain! Basta ayaw ko yung may naglaladian sa harapan ko!"

"Alam ko na kung bakit?" Tanong nya.

"Malamang alam mo no?! Kinuwento ko na kaya sa'yo!" may halong pagkainis kong sabi.

"Tara na nga! Baka atakihin ka pa dyan eh! hahaha"

"Che! Buti naman at naisipan mo! Tara na!"

At umalis na nga kami doon. 

Ako nga pala si Arianne. High School student. Dakilang BITTER sabi nila! Hindi naman talaga ako bitter eh! Ayoko lang talaga na nakakakita nang mga haliparot sa harapan ko no! Pero mayroon ding isang dahilan kung bakit ako ganito, dahil dito sa isang kabarkada ko. Mahal ko kasi siya eh! Pero isa siyang dakilang flirt! Nakakainis siya! Naghahanap pa siya ng iba nandito naman ako! Chos! XD

Bestfriend ko si Annie! Mabait 'yan, pero baliw nga lang! XD

Dumako naman tayo kung sino siya, pangalan nya pala ay Joseph. Friend ko na cya simula pa nung elementary. Tapos pareho kami ng pinasukan na High School, tapos kaklase ko pa siya. Saan ka pa? Palagi na lang siyang may kalandian, BUSET! Ang sarap nilang pag-umpugin! Hala lumalabas na naman yung pagkabitter ko! Sino ba ang hindi maiinis diba? Pag hindi kayo nainis ewan ko na lang?! XD

Nasa School Garden

"Kumusta naman ang araw mo, dakilang bitter?" sabi ni Annie, medyo nakasmile pa.

"Che! Kainis!"

"Bakit naman?"

"Kasi naman no, nakita ko na naman siyang nakikipagflirt eh!" sobrang inis ko na.

"Wala ka namang magagawa eh. Ganoon talaga 'yun"

"Oo nga :("

"Ba' t kasi hindi mo pa sabihin sa kanya na gusto mo siya? Malay mo gusto ka rin nya?" 

"Mahal ko siya! Hindi ko siya gusto no?!"

"K fine. Edi mahal mo." sarkastiko nyang pagkasabi.

"Hay buhay parang life!" buntong-hininga.....

"Sabihin mo na kasi! :)"

"Pag punung-puno na ako, sasabihin ko na talaga sa kanya. Happy ka na?"

"Oo naman, pero paano kung mareject ka?"

"Wala na akong magagawa. Hindi naman nya ako gusto eh. At least nasabi ko na sa kanya." Napabuntong hininga na lang ulit ako dun.

"Sabagay! Tara na uwi na tayo!" inayos ng konti ang bag nya.

"Let's go!" sabay kuha ng bag.

---------------------------

Lumilipas ang mga araw at ganoon pa rin ang sitwasyon namin. Palagi ko pa rin siyang nakikitang nakikipagflirt. Hay! Kailan ba siya magsasawa!

Lunch Time

"Annie, hindi ko na kaya 'to! Utang na loob! Sawa na akong maging bitter!" sabi ko.

"Sabihin mo na sa kanya! Go girl!" nagchicheer pa ang lokaret na 'to

"Keribels ko 'to!" Tumayo na ako. Naglakad papunta sa pwesto nya.

"Hmmmm, Excuse me! Pwede ka bang maka-usap Joseph?"

"Sige. Saan?"

"Sa garden sana."

"Tara." iniwan nya doon yung babaeng haliparot.

Naglalakad na kami papunta sa garden. OMG! Paano ko sasabihin sa kanya! Dapat nagpractice muna ako! Nagpadala kasi agad sa inis eh! God help me please!

"Ano sasabihin mo?" tanong nya. Medyo nagulat ako, Lord help me.

"May sasabihin ako sa'yo. Minsan ko lang 'to sasabihin." tumutugs-tugs-tugs ang puso ko! Grabe!

"Sabihin mo na." seryoso nyang pagkakasabi.

"Okay, Joseph gusto na kita since elementary pa tayo. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang may kasamang iba. Sobrang sakit dude! Kaya nagiging bitter ako 'pag nakikita ko kayo ng mga babae mo." nakatingin lang ako sa baba.

"Tapos ka na?" tanong nya. Katakot naman 'to! >.<

"Oo."

"Masakit din sa'kin ang ginagawa ko! GUSTO rin kasi kita! Ginagawa ko lang 'yun para mapansin mo ako at para naman magselos ka kahit konti. Kaso pag tinitignan kita, parang wala ka namang pakialam eh. Parang ako pa nga ang mas nagiging bitter kapag wala kang reaksyon sa mga ginagawa ko! Nonsense lahat ng 'yun!"

*O* ----> yan ang reaksyon ko. NGA NGA!

"Wala ka bang sasabihin?" tanong nya.

"Wait lang, nagloloading pa ang utak ko!" I'm so speechless!

"Wag na tayong maging bitter para life is sweeter!" Laughtrip naman 'to! Hahaha

"Ang baliw mo!"

"May tatanong ako sa'yo?" seryoso na ulit siya.

"Ano 'yun?"

"Pwede bang manligaw?"

*O* -----> NGA NGA!

"Hindi na ako tatanggi pa! OO! Tara na! MagPBB Teens na tayo! Joke!" 

"Sira talaga ulo mo no?! Hahaha" nakasmile sya.

__________________________

Sabi nga nya Wag na maging BITTER para LIFE is SWEETER!

♪♪♪♪ THE END ♪♪♪♪

Hope you like it!

VOTE, COMMENT, LIKE or Be a FAN. 

Bitter Ako! (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon