Chapter 6

41 0 0
                                    

3rd person's POV

"GO MARA!!!!!"

"ANG GALING MO IDOL"

"I LOVE YOU VARSITY PRINCESS"

ayan ang sigawan ng mga tao habang nagprapractice ang varsity ng futsal. Tulad ng dati nandoon sila para panoorin ang pinaka magaling sa team syempre sino pa ba kundi ang Varsity Princess na si Mara.

Hindi naman ito masyadong pinapansin ni Mara ang mga sigawan hindi dahil masungit siya kundi dahil nakafocus siya sa pagpapapractice. Iniisip kasi ng mga tao na snob siya dahil hindi man lang ito ngumingiti sa mga nagchecheer sa kanya, Hindi nila alam na isa sa rule ng coach nila.

Matapos ang practice nila ay nagpalit na sila ng damit sa locker room nila. Mabilis na natapos si Mara at lumabas na upang tuluyan ng umuwi.

Mara's POV

sa wakas makakauwi na rin ako. Inaayos ko ang pagkasara ng bag ko habang naglalakad ako paalis ako ng field ng biglang may humarang na mga lalaki sa akin. Handa na sana akong ipakita ang mga karate moves ko pero may bigla silang nilabas galing sa likod nila. Naglabas sila ng KUTSILYO de joke lang naglabas sila ng mga regalo.

Inabot nila ito sa akin, syempre kinuha ko ung mga iyon at nag thank you sa kanila. Nakita ko naman nagblush sila natawa na lang ako dun. Dumiretso na ulit ako palabas ng gate patapos ng bigayan session.

"Sinong nagbigay nan?" biglang may bumulong sa tenga ko. Dahil sa sobrang gulat napasigaw tuloy ako.

"AYYY GATAS NA CHOCO!!!!!" nilingon ko kung sino ung bumulong sa akin. At walangiba kundi si Christian. Sinasabi ko na nga ba maypagka mood wrecker ito ehh.

"Anong bang problema mo at bigla bigla kang bumubulong?" inis na tanong ko sa kanya. Nilagay lang niya ang kamay niya sa bulsa bago sumagot.

"wala lang, bakit kasi ang dami mong dalang mga regalo?"

"bakit bawal ba akong makatanggap ng regalo galing sa mga fans ko, ikaw hindi ka pa ba nagkakaregalo galing sa fans mo" nilagay niya ang kamay niya sa baba niya 

"meron naman kaso, galing sa girlfriend wala pa" 

"and so kung wala pa sa girlfriend" tinaasan ko siya ng kilay. At ang mokong ngumiti pa.

"bigyan mo ko bukas"

"NO" mariin kong sagot

"sige kapag bukas wala kang ibibigay sa akin hahalikan kita" wow I'm scared para namang kaya niya. As if never mong mahahalikan ang isang Mara Alexandra

"owws talaga kaya mo?? hahaha tigilan mo ko "ayaw ko na makipagtalo sa kanya kaya tumalikod na ako at naglakad na palayo pero hinigit niya ako and the next thing I know

He kissed me pero smack lang. Agad din niya akong binitawan at binigyan ng nakakaasar na ngiti. Oo nakakaasar na ngiti kasi alam ko magmamayabang nanaman siya.

"Ohh ano what can you say? Smack pa lang yan ha and consider that an advance reward para sa ibibigay mo sa akin" ohh diba ang kapal talaga ng mukha.

"Matutuwa na ba ako? Sabihin mo lang bili para ngumiti man lang ako kahit fake" sarcastic na sabi ko sa kanya.

Imbes na sagutin niya ako inakbayan pa ako. Hindi na pagmamayabang ang tawag dito chansing na to.

Varsity LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon