Chapter 7

48 1 1
                                    

Ilang araw kong hindi pinapansin si Christian bahala siya sa buhay niya pakamatay siya. Kung hindi niya kasi ako niloko at pinahiya ehh di sana bati pa kami ngayon.

Flashback

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH" wait what?? napamulat ako ang nakita si Christian na tawa ng tawa at nakahawak na kanyang tyan.

Okay ehh di ako na ang napahiya. "HAHAHAHA Grabe feel mo talaga na hahalikan kita noh HAHAHAHA pumikit ka pa HAHAHAHA" oo na hindi nga niya ako hinalikan pero malay ko ba.

At dahil hindi na ako nakapagpigil dahil sa kakatawa niya sinipa ko siya sa part where it hurts the most. Sorry na lang siya malakas ako sumipa.

"TSE BAHALA KA NA NGA DIYAN" at tuluyan ko na siyang iniwan na namimilipit sa sakit.

end of flashback

* beep beep*

tinignan ko kung sinong nagtext, ang bwiset na Christian lang pala

From: Christian

oi Mi wag ka na magtampo, I'll make it up to you please

mareplayan nga bwiset nasisira nanaman ang araw ko

To: Christian

Mi hin mo muka mo

pinatay ko na ang phone ko para wala nang sagabal. Nakatitig lang ako sa phone ko hanggang mamatay to nang biglang may bumangga sa akin kaya tumalsik to kasama ng mga libro kong dala

Like what the pano pa ba sasama ang araw ko

"ayy sorry hindi ko sinasadya" sabi ng nakabunggo sakin sabay abot ng cellphone ko at mga libro. At pagtunghay niya ay naku sana hindi na lang pala siya tumunghay

"Ikaw pala yan Mara sorry tumatakbo kasi ako ehh kaya nabunggo kita" everyone meet my fucking ex Marvin Sebastian. Ohh diba nasagot ang tanong ko sumama na agad.

"it's fine" masungit na sagot ko

"ohh bat nakabusangot ka? may problema ka ba?" sapakin kaya kita para ikaw nakabusangot din

"like you even care, saka nagkatampuhan lang kami ng BOYFRIEND ko kaya medyo badtrip ako pero ayos lang alam ko naman na may gagawin siya to make up to his mistake unlike someone I knew before, excuse malalate na ako" BOOM PANES tulala siya, akala niya hindi lang siya ang dahilan kung bakit ako nagbabar dati akala niya, hindi ba pwedeng naimpluwensyahan lang ako ng mga pinsan kong galing states feel niya masyado ko siyang pinagdramahan well hell no mga 45% lang.

****************************

uwian na kaya binuksan ko na ulit ang phone ko. Maghahanda na ako sa mga text ni Christian.

Buhay na ang phone ko at himala wala text ni isa. Kaya naman dumiretso na ako sa locker room para magbihis na para sa practice namin. Pagkapasok ko pa lang lahat na sila nakatingin sa akin at mga nagngingitian. Bakit haggard na ba ako at natatawa na sila sa muka ko. Napansin kong may bouquet sa bench sa tapat ng locker ko. Kaya naman pala mga nakangiti ang mga bruha, nakapangalan sakin at mas kinikilig pa sila sa akin. NI HINDI NGA AKO KINIKILIG EHH!! galing kasi sa asungot na Christian na yun.

Varsity LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon