Chapter Three

32 4 0
                                    


Reycee's POV

Mabait naman pala si Draheim ehh, pero baka nauntog lang. Pagpasok ko ng bahay nakita kong nakangiti si mommy mukhang may kausap siya sa laptop niya. Tatawagin ko sana siya nang

"Yes, baby i love you more. Keep safe kylene, Bye!" Kausap niya si Kylene? Di ko namalayan tumulo yung luha ko. Di ko pa naranasang sabihan ako nila daddy at mommy ng i love you ngayong dalaga na ako. Pero si kylene. Wow!

Paglabas ko nang bahay dali dali kong binuksan yung gate namin tumambad saakin yung nag-aalalang mukha ni Draheim tumakbo ako papunta saakanya at yinakap ko siya.

"Are you alright Reycee?!" Rinig kong tanung niya saakin. Hindi ko siya sinagot hikbi ako ng hikbi. Ramdam kong yinakap ako pabalik ni Draheim dahilan para mas lalo akong umiyak "What happen? What's wrong?!" Humiwalay ako sakanya

"Uh-h W-wala!" Pagsisinungaling ko

"Di kita pipilitin na sabihin mo kung anung problema pero im always here for you Reycee kahit palagi kitang inaasar!" Napangiti naman sa sinabi niya, alam kong naaawa lang siya saakin.

"Siguro nauntog ka no! Masyado kang mabait ngayon ahh!" Pang-aasar ko sakanya

Hinila niya ako papunta sa kotse niya. Hala di pa ako nakapagpapalit ng damit.

"Where are we going?!" Takang tanung ko sakanya, ngumisi naman siya

"Wag nang maraming tanung sakay na!" Hindi gentleman tung isang tu nauna na siyang sumakay sa kotse niya, tsk sumakay na rin ako ayaw kong pumasok sa loob ehh. Maiinis lang ako

"Saan nga kase tayo pupunta!" Di niya ako sinagot "Stop the car!" Hindi niya ako pinapansin seriously?

"Wag ka ngang maingay! Mga babae talaga napakaingay niyo!"

"Psshh! Edi hindi na ako mag-iingay" may topak tung si Draheim ehh kanina ang bait niya tapos ngayon ang sungit sungit niya.

Di nalang ako nagsalita. Naalala ko dalawa ng lalaki sa H6 ang nayayakap ko anung nangyayare saakin?

"Baba!" Utos niya saakin, laki ng topak ng lalaking to. Bumaba ako. Wow as in wow nasaan naman kami? Kitang kita yung buong city dito ahh ang gaganda ng mga ilaw sa baba.

"Where are we?" Tumingin ako sakanya, nakatingin din siya sa baba

"Nandito tayo secret place ko! ikaw pa nga lang ang nakakapunta dito ehh kaya magpasalamat ka!" Ang yabang naman. Ako palang daw ang nakakapunta anung tawag niya sakanya? Tsss "Dito ako pumupunta kapag may problema ako!" Napatingin ako sakanya. So may problema siya ngayon? Kaya siya pumunta dito? Ehh bat niya pa ako sinama? tsk tsk

"Ahh!" Tumingin siya saakin

"Sa haba ng sinabi ko yan lang isasagot mo?!" Mahaba ba yun?

"Ehh? Sa wala akong masabi ehh!"

Walang umimik saamin, nakatingin lang ako sa baba. Naalala ko sila mommy at daddy, bakit sila ganon saakin? Bakit palaging si kylene nalang ang inaalala nila? Nakalimutan ata nila na may isa pa silang anak. Tumulo ulit yung luha ko. Sana ako nalang yung nalayo sakanila sana ako nalang si Kylene, sana hindi ko nararamdaman ngayon to. Sana!

"Gabi na, ihahatid na kita!" Pinunasan ko ang luha ko, tumingin ako kay draheim

"Haha Tara!" Sabi ko nalang.

Tahimik lang ang biyahe namin, ayaw kong magsalita. Di rin naman siya nagsasalita tumingin nalang ako sa labas. Nakarating kami agad sa bahay. Di na siya bumaba ng kotse bumusina nalang siya tsaka umalis. Pagpasok ko sa bahay nadatnan ko sila mommy at daddy. Napatingin sila saakin.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon