Chapter Twelve

8 1 0
                                    

Reycee's POV

Its sunday sobrang boring dito sa bahay, magsisimba dapat ako pero late nako nagising. Napakatulog mantika ko lang HAHAHA. Tatawagan ko sana si Yana kaso wag na baka busy siya sa Hyrum niya. Para akong tangang paikot ikot dito sa room ko wala akong magawa. Bukas na pala start ng foundation day sa school papasok pa ba ako, wag na ata.

Bumaba ako para kumain, nakaramdam kase ako ng gutom its already 11:43 na din naman. Papalapit nako nang marinig ko si manang na parang may kausap, ohmygod kinakausap ni manang ang sarili niya? Psh kung anu anu pinagiisip ko, tumuloy ako ng kusina laking gulat ko nang-

"Good morning lovessss" anung ginagawa ng uggoy na yan dito

"What are you doing here?" Lumapit ako sakanya, bigla naman sumulpot si manang so siya pala ang kausap niya hmp

"Nak, gising ka na pala kanina pa yan si pogi dito gigisingin sana kita kaso sabi niya wag na daw hintayin ka nalang daw niya" sabi ni manang, kanina pa kaya ako gising duhh

"Ahh okay po, anu gagawin mo dito mokong?" inirapan ko siya

"Ipagluluto ako ni manang lucy, remember lovess" ay oo pala nakalimutan ko na yun last last week pa yun kaya

"Nakaluto na ako, umupo ka na Reycee at kumain na kayo" umupo naman ako

"Manang, halika na din sabay sabay tayo" sabi ko naman, wala din lang magagawa si manang kaya kumuha siya ng plate niya at umupo para kumain.

"Ang sarap ng luto mo manang, babalikbalikan ko talaga to" napangiti si manang sa sinabi ni Draheim

"Nako nay, nambobola lang yan hmp" sabi ko naman, di naman masaya yun diba

"Hay nako kayong dalawa, wag kayong magbangayan sa gitna ng hapagkainan" nagpeace sign ako kay manang

"Ayy, sorry po" Draheim, pinagpatuloy niyang kumain

Mabilis ang oras, tapos na kaming kumain nakaupo kami ni Draheim ngayon dito sa living room.

"Ganito ba talaga kaboring bahay niyo?" biglang tanung niya sakin

"Oo araw araw ganito, kaya gustong gusto ko gumala ihh" sagot ko

"Tara gala tayo" lumiwanag mukha ko sa sinabi niya

"Talaga? Teka ligo lang ako then magbibihis" lawak ng ngiti ko nyan

"Joke lang HAHAHAHA" hmp napasimangot ako, tatayo na sana ako ihhh

"Di nakakatawa" inirapan ko siya

Anung gagawin namin dito tutunganga? Kainis naman pauwiin ko na kaya siya, baka biglang dumating sila mommy ihh sabagay wala naman silang care.

"Ang lalim ng iniisip mo loves, ako ba yan?" Feeling neto

"Pakialam mo ba" sabi ko sakanya

Wala kaming magawa kaya inopen ko yung tv namin, then tadaaahh the fudge pagopen ko bumungad samin kissing scene. AWKWAKRD

"Gusto mo itry yan loves?" Binato ko siya ng unan, langya to wala pa kaya ako first kiss kung gagawin namin yan siya magiging first kiss ko AYAWKOOOO!

"Umuwi ka na nga, kung anu anu sinasabi mo dyan" natawa naman siya saka tumayo

"Eto na uuwi na po loves" Di talaga to nagsasawa sa katatawag ng loves sakin ih

"Go, di ka na bata para ihatid pa" tinatamad kase ako tumayo hihi

"Okay, bye loves" psh may paflying kiss oa siyang nalalaman, corny niya

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon