*Chapter 40 - The Confession Room

8.8K 198 128
                                    

Nath's Pov

-Morning

Naalimpungatan ako dahil masakit ang ulo ko. Grabe hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Hindi ko pa dinilat ang mata ko dahil parang inaantok pa ako, Ramdam ko ang mainit na yakap saakin ni Andrea nakaunan pa nga ako sa braso niya na hindi naman namin madalas ginagawa dahil ayoko. Dahil siguro may tao akong naaalala sa ganun. Masarap lang tulog ko siguro at hindi ko namalayan na inunan niya or umunan ako sakanya. Suguro ay binuhat niya si Natty sa kwarto.

Masarap yung pakiramdam. Pero yung amoy niya ngayon. Parang iba. Yung amoy na nagpapaalala saakin sa nakaraan. Kahit papano hinahanap hanap ko ang amoy na yun.

Teka nananaginip ako. Kaya lumutang ang na naman ang isip ko. Pinilit kong idilat ang mata ko. Nabigla ako sa taong katabi ko. Si Erin! Totoo ba ito? Nandito siya at nakayakap siya saakin. Kinurot ko ang sarili ko. Hindi ako nananaginip.

Gusto ko sanang bumangon na pero parang sabi ng kabilang panig ng puso ko huwag muna. Namiss mo ito. Kaya pinagbigyan ko.

Tinitigan ko siyang matulog. Hindi nagbabago ang ganda niya at maaliwalas na ang mukha di tulad ng huli ko siyang makita.

Parang may kung anong bagay sa loob ko na nagdiriwang dahil finally sa tagal ng panahon ay naramdaman ko din ang init ng yakap niya. Yung amoy niya. Nakakawala ng sakit sa ulo.

Ang pakiramdam ko ngayon ay parang nanggaling ako sa napakainit na lugar parang disierto ng matagal na panahon at ngayon lang makakainom ng malamig na tubig. Ang sarap sa pakiramdam.

Yung labi niya. Miss na miss ko na. Parang gusto ko siyang halikan. Kung pwede lang. Kung totoo lang ang mga ginnies hihilingin ko ang isang halik mula sakanya kesa sa ginto.

Bigla siyang gumalaw. Akala ko ay itutulak niya ako pero bagkus, niyakap niya pa ako. Nagpanggap akong natutulog. Pero nung napansin kong hindi pa talaga siya nagigising ay dinilat ko ulit ang mga mata ko.

Totoo ba ito? Nakangiti siya? Dahil nasa tabi ko siya?

Bigla ulit siyang gumalaw. Pumikit ako ulit tapos hindi ko namalayan ang sumunod na nangyare.

Nilapat niya ang labi niya sa labi ko. Ang amoy ng breath niya. Hindi nagbabago. Masarap padin. Parang yung puso kong matagal ng nagyeyelo ay natunaw ng init ng halik niya at biglang nag alab.

Ang bilis ng halik niya my heart says more. Hindi ko naiisip kung anong mangyayare. Basta gusto ko pa. Hindi padin dumidilat ang mata niya.

Hinalikan na naman niya ako. Ngayon mas matagal. Tapos nagsalita siya.

"Good morning mahal ko." Sabi niya ng nakangiti.

Mahal ko? Bakit? I remember! Mahal ko ang tawag niya kay Cams. Cams? Oo nga pala sila! Wala pala kami. Parang yung yelo na natunaw sa puso ko ibinuhos sa mukha ko at nagising ako sa kabaliwan. Tinulak ko siya at nabigla siya.

Bigla siyang napatayo nung nakita niya na ako ang katabi niya. Ewan ko ang sakit nun sa pakiramdam.

"Nath. I'm sorry? Hindi ko alam. Sorry talaga. Bakit kita katabi?" Sabi niya.

Tapos umupo siya sa kama at hinahawakan ang ulo niya. Masakit din siguro.

"Anong nangyare kagabi? Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Sabi ko na eh may mali sa kinikilos nila Angela. Tama ang hinala ko. Sila ang may pakana nito! I'm sorry Nath. Di ko ginusto to." Sabi niya sabay tayo sa kinauupuan.

Aw. Hindi niya ginusto. Bakit nasaktan ako dun?

"Ah si Natty nasan?! Tama si Angela! Lagot saakin ang mga yun!" Sabi niya ulit tapos lumabas siya sa kwarto at hinanap ang dalawa. Pinuntahan niya ang kwarto ni Natty. Sumunod lang ako. Ang lakas ng katok niya.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon