Angela's POV
>Hello Nath?
<Bakit? Kamusta na? Pasensya ka na sa di natin pag kakaintindihan nung huli tayo nagkita.
>Wala yun best sorry din. I miss you. Huwag mo na isipin yun kalimutan na natin. Actually my good news ako sayo.
<Ano?
>Hulaan mo. Haha.
<Ano nga? Haha. Sira. Tumawag ka para magpahula?
>Hindi baliw kasi si Anne. Buntis na siya!!
<Ha? Talaga? Magiging tita na ako? Matutuwa si Natty niyan! Kelan pa? Sinigurado niyo ba na matino yung donor?
"Teka! Huy. Buntis ako?" Sabi ni Anne ng bumubulong.
Tinakpan ko ang bibig niya para matahimik siya. Napakaslow naman ng babaeng to oo.
>Oo naman. Kaso ang hirap niya intindihin. Parang pinaglilihian niya si Natty. Gusto ko naman yun para maging cute at sing bibo ni Natty yung bata.
<Wow talaga? Hahaha. Ganyan talaga pag buntis. Yan magiging responsable ka na.
"Sabihin mo gusto mo makita si Natty dali!" Sabi ni Anne ng bumubulong.
>Oo nga bessy. Ang cute ni Natty. Gusto ko siyang makita ngayon. Please. Namimiss ko siya. Gusto ko siyang kurutin. Sige na." Sabi naman ni Anne.
Ayan buti naman nakiride na siya.
>Narinig mo ba yun? Haha. Sige na best. Pag bigyan mo na ang baby ko. Tonight lang gusto lang daw niya makita. Kanina pa nagwawala ito.
<Ha? Ang weird niya mag lihi ah. Oh sige sunduin niyo siya. Pero huwag nyong pupuyatin. Ihatid nyo nalang siya sa school. Diyan nalang siya manggagaling at saka please lang huwag niyo pakakaininin ng matamis masyado tapos huwag niya masyadong panggigilan ang bata.
>Talaga best. Opo promise. Thank you so much! Pag galing sa school susunduin namin siya tapos ihahatid sa bahay niyo. Thanks talaga.
>Oo! Thanks best. Yey! Matutuwa ang batang dinadala ko niyan!"Singit ni Anne.
<Oo naman. Kung di lang buntis si Anne di ako papayag. Pero para sa baby niyo go! Sige bibihisan ko muna si Natty. Tapos sunduin niyo na.
>Okay sige best. Thanks! Mwah!
BINABASA MO ANG
Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirl
RomansBakit ang estorya lage nalang may nagkakabanggaan tapos slow motion magkakatitigan ang mga bida at magagandahan or mapopogian sa isat-isa. O kaya naman magkaaway sila tapos magiging sila pala. O kaya mayaman si isa, mahirap si isa. O kaya ayaw ng pa...