nakarating na ko sa mansion na titirahan ko, magara talaga si boss pagdating saken ..
bumaba na ko sa kotse ko , kita na mula dito ang ganda ng mansion..
medyo classic yung design parang yung mga haunted house sa movie pero light ang kulay nito at malinis kaya hindi mukang nakakatakot,,
"ma'am tulungan ko na po kayo sa mga gamit nyo" sabi nang isang matandang lalaki na naka black na suit..
sya na siguro yung makakasama ko sa bahay..
tumango na lang ako bilang sagot sa kanya..
pinagmasdan kong muli ang mansyon saka sumunod na sa paglakad nung matanda, dinala niya na din yung mga gamit ko..
hindi ko alam kung bakit pero biglang sumagi sa isip ko sina mommy at daddy..
hay..
siguro dahil titira ako ngayon sa isang bahay na wala sila ..
pagpasok ko pa lang sa pinto bumungad na sa akin ang malaki at eleganteng hagdan..
napawi naman ang pagkamangha ko nang biglang magsalita yung matanda..
binibigyan niya ako ng instructions tungkol sa mga lugar sa bahay
"yung library?" tanong ko sa kanya na parang alam niya na ang ibig sabihin ko
"kumpleto at maayos na po "
"may mga kasambahay pa bang iba? "
"meron po, isang cook, isang maid at isang gardener.. "
tinapunan ko siya ng isang masamang tingin
"ah.. eh.. hindi naman po sila mga ordinaryong kasambahay lang. trained din po sila sa pakikipaglaban "
"alam nila yung nasa library?"
"hindi po ako lang po ang nakaka-alam "
buti naman...
hinayaan ko na lang siyang magsalita hanggang makarating kami sa kwarto ko..
pagkabukas ng pinto sumalubong sa akin ang maaliwalas na kulay ng kwarto... agad namang naagaw ng king size na kama ang atensyon ko... para akong nasa kwarto ng prinsesa, nakakatawang isipin na this lux is not for a princess but for a bloodlust assasin
sa kanan naman ng kama kapansin pansin ang clear na glass sliding door agad ko iyong tinungo at tumambad sa akin ang napaka kalmadong woodlands ....
"mauna na po ako. tawagin nyo na lang po ako kung may kailangan kayo"
lumingon ako sa kanya nakita kong nag bow siya
"arthur nga po pala ang pangalan ko"
habol niya saka niya tuluyang isinara ang pinto ..
mabilis ko namang ibinalik ang tingin ko sa labas dahil naramdaman kong may nakatingin sa akin, automatic ko namang hinugot ang hunters knife ko tsaka ibinato ko sa lugar. wala namang lumabas ..
ANOTHER DAY...
naglalakad ako ngayon kasama si Ryan, right hand ni boss. nandito kami ngayon sa school na papasukan ko... Inayos na ng organisasyon ang papeles ko kaya wala na kong problema. Incoming 2nd year na ko ngayon sa senior high school.. 6 years din pala akong nagpa tutor sa loob ng org..
inihatid ako ni ryan sa principals office at doon ako ipinakilala sa magiging homeroom teacher...mahabang itim ang buhok niya and shes pretty...since when did I learn to point out good characteristic of a mere person??? habang naglalakad kami patungong classroom biglang lumakas ang ihip ng hangin na naging dahilan para liparin ang mahaba niyang buhok.. mabilis ko namang napansin ang fountain pen sa tabi ng rose tattoo niya sa leeg niya ..miyembro din pala siya ng org..
BINABASA MO ANG
She's an Assassin
Actionshes raised to kill and not to have mercy .. a heartless killer indeed.