chapter 1

3.2K 74 12
                                    

Isang titibo tibong babae ang pumapasok sa eskuwelahan ng Amythest International School. Ang eskuwelahan kanyang pagmamay ari. Simula elementary palang halatang halata na boyish ang galaw nito. Siya si Saige Maxrine Yanesa ang babaeng nagkakagusto din sa mga babae. Babae nga ngunit panlalake ang pormahan at galawan

Ating saksihan ang mangyayare sa kanyang buhay pag dating ng kaniyang Senior Year

"Saige!!"tawag sa kaniya ng kaniyang mga kabarkada. Na sina George, Jake at Tyron. Mga kaibigan palang niya hindi na mapagkakailang boyish ito. Ngunit okay lang naman diba na may kabarkada kang lalaki ibig sabihin lang naman nun ay one of the boys ka. At minsan napapagkamalang malandi dahil nga ONE OF THE BOYS ka. Yan ang hirap sa mga tao ngayon MAPANGHUSGA na

"Oh bakit pre?"tanong nito sa kaniyang kaibigan. At nakipagkamayan sa kanyang tropa

"Saige sure na kong magugustuhan mo tong papakilala ko sayo"sabi ni Jake kaibigan niya. Napangisi naman siya sa kanyang narinig. Nako naman eto nanaman siya hindi na ba siya nagsasawa sa pagpapakilala sa mga lalake na yan alam niya naman ang tipo ko diba at hindi iyon LALAKE

"Nako kung lalaki yan pare ay huwag ka nang mag abala, dahil siguradong sigurado ako na di ko yan magugustuhan alam mo naman na ang trip ko ay ---"hindi natuloy ni Saige ang sasabihin niya, dahil may nakita siyang napakagwapong lalake na papalapit sa kanilang pwesto nagising siya ng magsalita na si Jake

"Oyyy tol andito ka na pala"sabi ni Jake sa kaibigan nito at nakipagfist bump

"Pre si Nixon Olives pala ,siya yung sinasabi ko sayong papakilala ko, ang kaso lang ay ayaw mo pala sa kaniya sayang"sabi ni Jake kay Saige si Saige naman ay hindi parin makapagsalita, dahil sa angking kagwapuhan ng lalake

*Krriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnngggggggggggggg*

Uwian na nila, hindi talaga maalis sa isip ni Saige ang itsura nung lalake hanggang sa makauwi na siya at makapasok sa kaniyang kwarto

Ay yung itsura parin nung lalake ang nasa isip ng lalake

Lumabas siya sa kwarto niya at agad pumunta sa nanay niya at kinwento ang mga nangyare kanina

"Mama ano ba tong nararamdaman ko?"tanong niya sa kaniyang ina

"Anak ang ibig sabihin nun ay nagkakagusto o nagkakacrush ka dun sa lalakeng pinakilala sayo ni jake anak hindi ka pa natutuluyan hay salamat sa diyos akala ko natulayan na anak ko"sabi nang kaniyang ina,sabay yakap nito sa kanyang anak, naoOAyan si Saige sa kaniyang ina kaya umalis siya sa pagkakayakap

"Ang OA mo naman mama"sabi naman ni Saige sa kaniyang ina

"Haha sorry na anak nadala lang hindi ka pa natutuluyan maging tibo buti naman akala ko mahihirapan ako sayo"sabi ng kaniyang ina

"Ano ngayon ang dapat gawin natin mama?"tanong ni Saige sa kaniyang ina. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin dahil ngayon lang siya nagkagusto sa isang lalake

"Kailangan mong magpaganda anak"sabi ng mama niya tinignan nito ang orasan niya sabay tingin ulit kay Saige

"Hapon pa naman mga ala una palang naman,oh siya dali pumunta ka sa kwarto mo't magbihis ,pupunta tayong salon at mall dali"sabi ng kaniyang ina

kaya naman ay agad na pumunta si Saige sa kaniyang kwarto at naghanap ng kaniyang idadamit nang nakapag-ayos na siya ay agad silang umalis nang kaniyang ina papunta sa salon

Nang makarating sila sa salon ay

"Alora ayusan mo nga ang anak ko pagandahin mo siya ha"sabi ng kaniyang ina

"Sure Paige nako buti nalang at pumayag na ang anak mong magpaayos"sabi naman ni Alora

"Nako Alora kung alam mo lang kung bakit yan magpapaayos ngayon"sabi ni Paige ang ina ni Saige

"Ma!"sabi ni Saige natawa si Paige sa inakto nang kaniyang anak

"Haha sabi ko nga aalis na ako pupunta lang akong mall mamimili lang ako ng bags, shoes at damit niyang batang yan bye"sabi ni Paige at umalis na

"Nako papagandahin talaga kitang masyado irerebond natin yang buhok mo at ikukulot ang dulo tapos bibigyan na din kita ng makeup kit"sabi ni Alora

Gaya nga nang sinabi ni Alora ay rinebond niya ang buhok ni Saige at pinakulot ang dulo linagyan na din nito ng full bangs si Saige dahil bagay raw ito sa kaniya linagyan din nito si Saige ng contact lens nung una hindi talaga nagpapalagay si Saige ng Contact lens dahil ang kati daw nito sa mata pero nagpumilit si Alora kaya walang nagawa si Saige kundi sumunod pinasuot din ni Alora ng Bestida si Saige at nang sapatos na may takong na babagay sa bestidang suot ni Saige nang lumabas si Saige ay napasigaw si Alora ng

"OMG ANG GANDA MO"sigaw ni Alora pinaupo muna ni Alora si Saige sa upuan na nakatalikod sa pintuan

Dumating na ang kaniyang ina na si Paige ,hinanap nito ang kaniyang anak ngunit hindi niya ito mahanap

"Oh Paige nandito ka na pala ay nako babaknita ang ganda pala ng anak mo noh mukhang siyang dyosa na ibinaba ng langit sa sobrang ganda"sabi ni Alora kay Paige

"Nako naman halata naman diba na maganda yan ina palang ay mukha ng dyosa anak pa kaya asan na ba ang batang yun"sabi ni Paige

"Saige tumayo ka na nga diyan"sabi ni Alora tumayo nga si Saige at lumapit sa kaniyang ina

"Oh my ikaw ba talaga yan anak ang ganda mo sobra"sabi ni Paige sa kaniyang anak

"Magkano ba Alora"sabi ni Paige

"Ay naku huwag na okay na libre na yan para sa bata"sabi ni Alora

"Ay salamat naman Alora o sige mauna na kami may pasok pa ito bukas "sabi ni Paige

"Salamat po Tita Alora"sabi naman ni Saige at tuluyan na silang umalis

*Kinabukasan*

Papasok na siya ng Campus ay nasa kaniya ang attensiyon ng mga estudyante nagbubulungan pa ang mga ito pano ba naman sa ganda niya ay talagang mapapanganga ka

Ang mga kaibigan niyang sina George, Jake at Tyron at Nixon hindi rin siya nakilala nakatingin ang mga ito sa kaniya na para bang isa siya sa mga chicks nang makalapit siya

"Mga pre musta na"sabi ni Saige mukha namang naguluhan ang mga binata sa inakto ng dalaga

"Oh natahimik kayo dyan pre si Saige ito"sabi ni Saige sa kaniyang mga kaibigan

"Saige!!!"napasigaw ang tatlo sa kanilang nakita pero si Nixon ay nakatingin kay Saige na  mas lalo siyang gumanda

"Ang oa nyo naman oo ako toh"sabi ni Saige

"Bakit nakadamit babae ka?may sakit ka ba?sinapian ka ba?"sabay sabay na tanong ng mga ito

"Haha trip,wala,at hindi"sabi ni Saige

*Krrrrriiiiiiiinnnnnnnnggggggggg*

"Sige una na ako bye guys"sabi ni Saige napalingon siya kay Nixon at ngumiti

"Bye Xon"sabi niya

"I have to go i have a class pa ehh bye"sabi nito sabay kuha sa bag niya at lumakad na

⚜☪⚜☪⚜
Hello new story ko po ito pakisupport naman po don't forget to vote comment and follow me sorry din kung walang prologue

Titibo TiboWhere stories live. Discover now