2 - Muling Pagkikita

11 0 0
                                    

Four months later...



Ang mga luha na kanina pa pinipigilan ni Clarisse ay bumuhos na when she got to her seat on the plane.



"I'll m-miss you, ate! Uuwi ka h-ha?" Clara sobbed on her sister's shoulders and hugged her tight.

Pinipilit na ni Clarisse na huwag umiyak. "Oo naman, bunso. Ate will come back. Basta be a good girl, ha? Huwag mong bigyan ng sakit sa ulo si mamsie."

Niyakap na rin ni Trisha ang dalawang pamangkin niya. First time nilang malayo sa isa't isa, at pilit niyang maging matatag para sa bata.

"Sssh, huwag ka nang umiyak, Clara. Yung puso mo," Trish added.

"Tatawag si ate every night, so please don't cry na ha? Sabi nga ni Barbie, 'you are braver than you think.' You're a brave girl naman diba, Clara?" Clarisse added, trying to comfort her sister.

Bumitaw na sa pagkayap si Clara at pinunasan na ang mga luha niya. "Okay, ate. Wag kang magpapagutom, okay? Huwag ka rin magpupuyat. Kainin mo rin ang vegetables mo. Mag-ingat ka dun, ate ha? I love you very, very much!"

"I love you too very, very, very much bunso!"




"Ma'am, are you okay?"

Clarisse wiped her tears and gave the stewardess a reassuring smile. "Yeah, I'm okay." Actually hindi, pero kakayanin.

The stewardess nodded and gave her a comforting look, then proceeded to check on other passengers. Kahit almost four months na nagbonding ng todo sila nina Clara at ng mamsie niya, parang kulang pa rin ito sa kanya. Sa August nagsisimula ang school year sa Macredon, at three weeks before the classes start ang flight niya papuntang Manila. Gusto niya pa sanang tumagal but her tita Marge suggested she come early to acclimatize with her new surroundings.

As the plane cruised in the sky, she tried to think of happy thoughts. Clarisse then remembered her first flight back when she was eight, with Nathan and his family.




"Natnat! Sa tingin mo ba vanilla flavour ang mga clouds?"

"Eh hindi naman sila natitikman, Clacla."

"Tignan mo oh! It's so fluffy! Parang pillow mo!"

"Oo nga..."




They spent the entire time just staring at the clouds. Napangiti naman si Clarisse sa alaalang yun. Eight years na ang nakaraan since nakita niya ang kababata niya.

Nagbago na ba siya? Tahimik pa rin? Ughugin? Clarisse couldn't stop her train of thoughts. Anong sasabihin ko sa kanya pagkakikita namin? Should I hug him? Tackle him?

May konting kaba man siyang narararamdaman at lungkot dahil sa pagkakahiwalay niya sa kanyang pamilya, nangingibabaw pa rin ang pagkasabik niya sa bagong adventure ng buhay, sa simula ng pagtupad ng pangarap niya, at sa muling pagkikita nila ni Natnat niya.

***

"Clarisse! Welcome!" sigaw ni Margaret pagkakita niya kay Clarisse sa airport. Dali-daling pumunta ang dalaga sa kanya at sa kasama nito.

"Tita Marge! Omg, tito Ton!" sabik na niyakap niya ang dalawang taong naging second parents niya noon.

"Dalaga ka na nga, hija! How are you?" sabi ni Anthony while patting her head.

"I feel blessed, tito. Marami pong salamat talaga."

"Let's talk more sa car. Baka ma-traffic pa tayo eh!"

Gaya ng DatiWhere stories live. Discover now