1 - Pagbabalik ng Nakaraan

28 0 0
                                    

~♥~



"Mamsie! Buti na lang po nakapunta ako sa SM! May nakita akong bag na – "

"Clarisse? Ikaw na ba yan?"

Napatigil ang dalagita sa pagsigaw nung nakita niya ang babaeng kasama ng mamsie slash auntie niya sa sala. Kung pwede nga lang mahulog yung panga niya dahil sa sobrang gulat, kanina pa ito nasa sahig. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nakapagsalita.

"T-Tita Marge?"

Lumiwanag ang mukha ng nakatatanda at biglang niyakap si Clarisse, which she returned full force. Pareho silang napatili sa sabik. "Dalaga ka na! It's been eight long years! How are you?"

Di na napigilan ni Clarisse ang ngiti. "I'm good, tita! Nagbabakasyon po ba kayo?"

"Actually hija, we've been here sa Pinas for four years already. Pero sa Manila na kami tumira. Dun na-assign si tito Anthony mo. We've tried to find you at our old subdivision but iba na pala ang may-ari ng lupa."

Biglang lumungkot ang mukha ni Clarisse, na nabawi niya rin agad. "Mahabang kwento, tita."

"Huwag ka nang mag-abala sa pagkwento, Cla. Nasabi ko na lahat kay Margaret," sabi ng auntie niya.

"Mamsie Trish naman oh! Moment ko na sana yun!"

Napatawa na lang sina Trisha at Margaret sa kanya. "Buti na lang talaga nagkita kami ng mamsie mo sa venue ng seminar namin. Finally nagkita na tayo after almost a decade! This day is definitely meant to happen."

Umupo sila sa sofa at hinawakan ni Clarisse ang kamay ng bisita nila. Ngumiti siya... pero ito ang ngiting may halong pagkalungkot.

"Tita... kamusta na kayo? Ni Tito Ton? Ni... Natnat po?"

Napatingin si Margaret sa bata. Nakita niya ang pagka-miss ng dalagita sa kababata nito. "Okay lang kami ng tito Anthony mo. Si Nathan? Naku, yung anak kong yun, pogi pa rin as usual! Mana sa mama niya siyempre! Incoming sophomore na siya, civil engineering."

"Wow. So tinupad niya talaga ang pangarap niya na magtayo ng mga buildings gaya ni tito Ton." A nostalgic smile appeared on her face. "Di po siya nakasama sayo dito?"

She squeezed her hand. "Pasensya na, Clarisse. Nandito kasi ako ngayon sa Bacolod for our seminar lang. Bukas na actually flight ko pabalik ng Manila. Di na nakasama pa si Nate kasi busy siya sa school."

"Si Millana po pala? Last time I saw her, two years old pa lang siya eh."

"Nagmana sa nanay, siyempre!" She flipped her hair for added effect. "Pero may pinagmanahan din siya kay Anthony. Yung pagkahilig sa math. Ayun, gusto raw maging architect. Mukha ko lang ata namana niya."

"Okay lang yan, tita. At least alam kong dyosa rin siya."

Margaret suddenly hugged her, na medyo ikinagulat pa ni Clarisse. "Uwaaah miss na talaga kita, Cla! Ikaw ang una kong tinuring baby girl ko eh." She then kept the girl at an arm's length. "Actually, may pinag-usapan kami ni Trish bago ka dumating."

Tinignan naman ni Clarisse ang mamsie niya, at nakangiti lang ito sa kanya. "Ano po yun, tita?," she said while reaching for the Spanish bread sa table.

"Gagraduate ka na pala this Saturday as class salutatorian! Congrats, hija!"

Napangiti naman si Clarisse sa sinabi ng tita niya. "Salamat po. Di ko nga akalain na kaya ko, eh."

"Ano ka ba, Clarisse. Bata ka pa lang halata naman na matalino ka. It's a no-brainer, actually." She took a sip of tea bago siya nagpatuloy.

"Naikwento rin ng mamsie mo na natanggap ka raw sa Pharmacy program ng Macredon University. Nasa top 3 ka rin sa nag-apply sa course na yun at full scholar pa! Ang galing mo talaga!"

Gaya ng DatiWhere stories live. Discover now