Poetry #1: Huling Silahis

21 0 0
                                    

Pinagmamasdan kita sa malayo,

Kitang kita ang ngiti sa iyong mga labi,

Inaalala, bakit nga ba nagkakaganito tayo?

Nararamdaman na hindi masabi.


Naghuhurnamento ang puso sa iyong paglapit,

Nadudurog ito sa iyong hindi pagpansin,

Pinipilit kong kumapit,

Natatakot na wakasan ang istorya natin.


Lahat ng alaala ay unti-unti nang nabubura,

Ang nakasulat sa libro ng pagmamahal nawawala na,

Pag-asang natitira, unti-unti nang sumasara,

Kaya dahan dahan, bibitawan kita.


Gustuhin mang ibalik ang nakaraan,

Mahihirapan ayusin ang nasirang pag-ibig,

Siguro kailangan tanggappin ang hinaharap na nakalaan,

Pipilitin kong kalimutan ang iyong tinig.


Kaya sa aking huling silahis,

Mahal, tatapusin ko na ang aking paghihinagpis.

Short PoetryWhere stories live. Discover now