Mata'y lumuluha,
Sumasabay sa ula'ng pumapatak,
Iniisip kung bakit,
Kung bakit ako'y iniwan mo sa ere.
Ikaw na bumubuo ng salitang tayo,
Sa papel ng buhay ko,
Pero walang saysay ang lahat ng iyon,
Dahil ikaw ay may ibang mahal.
Nanatili akong tanga,
Kahit na alam ko na ang katotohanan,
Na nasa harapan ko na,
na may kasama kang iba.
Minahal kita, ano bang pagkukulang ko sa'yo?
May nagawa ba akong mali?
Pasensya na't pinasok ko ang mundo mo,
Na alam ko naman sa huli na ipagtataboy mo ako,
Paalam na't salamat sa lahat ng mga masasayang pangyayari,
Hindi ko ito malilimutan at sana'y ito iyong pahalagahan.
Paalam.

BINABASA MO ANG
Poems
PoetryWords that came out from my mind. -credits to the owners for some pictures that I used.