The Time Stealer (Exo's Tao)

178 11 0
                                    

THE TIME STEALER (Feat. Exo's Tao)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Zi Tao T_T Isa pang panggugulo mo sa akin ihahampas ko na sayo itong pendant ko!" bulyaw ko sa kanya.


"Sige na kasi Lien~ Isang selfie lang!!!"


Napa- face palm ako. Kanina pa to eh.


"Naglalaro akong Flappy Bird eh! Kanina pa ako natatalo dahil sayo!!!"



"Kasi naman Lien~ isang selfie laaang~"



"*sigh* Oo na nga! Matahimik ka lang -_-" sagot ko at inabot ang phone ko.



Lagi siyang ganyan -.- Araw- araw, kinukulit niya kami ng cellphone ko para sa isang selfie. Halos napuno na nga gallery ko kaka- selfie ng lalaking yan e.


*click!* Napalingon ako sa tunog na nilikha ng phone ko. Ayan, nagsimula na ang kanyang mini- photoshoot.



"Lien." sabi niya at binalik sa akin ang phone ko.



"Oh."



"Tambay ka ulit sa bahay namin ah."



"Bakit?"



"Sige na~ Pupunta yung SM Entertainment sa bahay eh. Ire- recruit daw ako sa kung ano man yun." Naglalakad kami pauwi at napahinto lang ako.



"Anong sabi mo? SM Entertainment? Di nga?"



"Oo nga! Magiging trainee na daw ako pag sinabi kong 'oo'. Papasikatin daw nila ako kasama ng iba pang trainee."


Napanganga ako. Ganun ba talaga ka- gwapo etong si Zi Tao kaya nare- recruit siya ng mga ganun ka- sikat na kompanya? Anak ng jellyfish yan! =^=


"Oy. Lien. Wag ka nga ganyan! Bubuhatin kita." Unti- unting lumakas ang boses niya at nabalik ako sa present time.


"S-sorry. N-nabigla lang ako." sagot ko at naglakad muli. Iniisip ko anung mangyayari kung sakaling sumikat ang lalaking to eh. Paano naman kasi! Gwapo ba yan? Eh yung itsura niya parang mantikadong panda aba -_-


"Bakit ka mabibigla? Gwapo naman ako ah =^=" sabi niya at nag- pose pa. Hala ka! Ang lakas talaga ng topak neto eh ano?


"Ewan ko sayo! Bahala ka. Lagi mo nalang sinisira schedule ko." reklamo ko. "Matutulog sana ako maghapon kaya lang pinipilit mo akong pumunta sa bahay mo dahil dun sa SM Entertainment company na yun. Kung tatanggi naman ako, sinusugod mo ako hanggang bahay. Ano ba talaga ang pakay mo ha?"


"Lien, ilang beses ko ba sasabihin sayong crush nga kita?"


"Eh ano ba ang problema mo? Sinabi ko din namang crush kita ah?"


"Eh kung ganun," umakbay siya sa akin. "Eh di dapat magkasama tayo araw- araw~"




Tinignan ko ang kamay niyang naka- akbay sa akin.




Napatingin naman ako sa kanya na nakangiti sa akin.



"Flirty ka ba?" tanong ko.



"Hindi, mahal lang kita."



Parang nag- init ang pisngi ko nang marinig ko yun. Alam niya kasing nahihiya ako pag sinasabi niya yun. At natutuwa siya pag nagkakaganun ako. Baliw talaga.



"Hahahahaha!!! Tara na nga, baka maging kamatis ka na diyan. XD" sabi niya at patuloy akong inakbayan hanggang kanila. Tinext ko nalang sina mama na tatambay muna ako sa bahay netong lalaking to para makikain whatsoever.


Pero sa totoo lang, tatambay ako sa bahay nila para makita ang pagre- recruit sa kanya ng SM Ent.. Gusto ko nandun ako sa isa sa mga mahahalagang araw sa buhay niya.


>>>>>>>>>


Pagkatapos nilang magkamayan, umalis na ang mga lalaking nag- recruit sa kanya. Yun oh! Official trainee na siya ng SME.!!!


"Congratulations, Zi Tao." sabi ko at nginitian siya.


"Ewan ko sayo! Tara nga!" sabi niya at hinablot ang cellphone ko.




"Selfie tayo ^O^" saad niya at nag- peace sign.



"ZI TAO!!! -_-"


-------------------------------------------------------------------------

After 917369472376942638964 years~


Eto nga at naghahanap ako sa Google ng selfie ni Tao. Oo yun na ang tawag ko sa kanya. At ginoogle ko na! Hindi ko akalaing sisikat ang lokong yun, parang nung kailan lang kasi nagseselfie at nagseselfie yan sa cellphone ko. Ngayon? Haha! Marami nang babae sa mundong nangangarap mag- selfie kasama siya. Selfie pa ba tawag dun?

Hindi ko parin dine-delete ang mga selfie niya sa cellphone ko. Aba at bakit? Alam niyo ba ilang minuto ang ginugugol niya sa pagse- selfie? Minsan nga halos hindi ko na mahawakan ang cellphone ko dahil sa kanya eh. Lagi niyang ninanakaw ang oras naming dalawa ng cellphone ko =^=

In a good way, masaya ako. Masaya ako para sa kanya ngayon na sikat na siya. Masaya ako para sa aming dalawa.


Sa ngayon? Hindi nagbabago ang nararamdaman namin para sa isa't isa. At nangako kami na hindi na kami maghahanap pa ng iba. Panghahawakan ko yung pangakong yun, mapagkakatiwalaan si Tao. :)



Unfortunately, busy siya ngayon, hindi natin siya makakausap. Pero masaya parin ako sa narating niya. Isa pa, araw- araw ko siya naaalala. Ako kaya ang nag- request sa kanya na time control nalang ang superpower niya sa grupo niya ^O^ Bakit?


Una, noong times na magkasama kami, lagi niyang sinisira ang schedule ko. Ninanakaw niya yung free time ko para daw kasama niya ako. Tss.


Pangalawa, aba! Yung pendant na gusto ko ihampas sa kanya dati ay clock necklace. Sa totoo lang gusto ko talaga ihampas sa kanya yun noon. Ang bigat kaya. Tsaka suot ko siya ngayon, actually.


Pangatlo, ewan ko ba paano nangyari ito pero, ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang watch store. Puro antique clocks ang nandito, feeling ko tuloy nabubuhay ako sa lumang panahon. Araw- araw, nagtatrabaho ako dito, at araw- araw akong nare- remind sa kanya.



Ang laking bagay ng TIME sa amin diba? Ewan ko ba kung destiny/ coincidence/ echos lang yun eh.


Pero masaya ako. Kahit wala siya sa tabi ko, nasa puso ko naman siya. Pwede na din! ^~^



Okay na, tapos na pagdadrama ko at paghahanap ng selfies ni Tao. Tama na! Baka maiyak pa ako XD



Biglang nawala ako sa pagdadrama ko nang may lalaking nag- snap ng finger sa harap ko at sinabing,



"Lien, uy, Lien, tara! selfie tayo. :)"




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Time Stealer (EXO- Tao Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon