:D
share the news please?
kilig part on deck na!!!
******************************
ULRIC VANN'S POV
Habang naglalakad ako patungo sa know knowledge club ay may napansin akong isang babaeng nakapikit natutulog ata habang nakatayo cute nga tingnan eh! junior siguro siya dito sa university, pagkatapos nun ng nilapitan ko ang babae para imbitahin na sumali sa club namin ay bigla nalang natumba ang isang poste at malapit nitong natamaan ang babae kaya hinablot ko ang babae at niyakap at pinoprotektahan siya lalo na yung ulo niya imbes siya ang matamaan ng poste eh yung likod ko ang natamaan pero first time kong yumakap sa isang babae..
"Ok ka lang miss? nasaktan ka ba? baka gusto mo samahan kita sa clinic??" sabi ko sa babae habang unti unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at tingnan ako
"Totoo ba to?? mr,nerdy?" sabi ng babae, Mr.Nerdy? sino kaya tinutukoy nitong babaeng to baka ako ehh sakin siya naka titig ehh
pagkatapos nun ay dinala ko sa clinic ang babae, ni na nga siya nagsasalita ehh tulala nalang na trauma siguro sa pangyayari na muntik na siya mahulugan ng poste ikaw kaya mabigla sa pangyayari tingnan natin kung di ka matulala na parang bato.. kaya nag isip'2x ako ng topic para naman mapakalma ko ang babae.. ang FC ko diba? di ko pa nga alam ang pangalan kinakausap ko na na parang matagal ko ng kakilala HAHAHA kapal ng mukha ko!
"ok ka lang miss?" tanong ko sa kanya habang inaabot ang panyo pinagpapawisan kasi siya, eh aircon naman tong school clinic namin
"ok lang ako, salamat nga pala kanina hah? natamaan tuloy ang likod mo ng dahil sakin sorry" sabi niya sakin habang tumitingin pababa sinisisi niya siguro sarili niya kung ba't natamaan ako sa likod pero choice ko na sagipin siya eh
"uhmm.. ok lang miss malayo naman to sa bituka eh.. ang tigas ko kaya, kasing tigas ng bakal" biro ko sa kanya para kumalma naman siya
"sa sitwasyon mong yan nagawa mo pang magbiro baliw ka siguro noh? ano ka iron man? kasing tigas ng bakal? hahah! ano nga pala pangalan mo?" hayyy sawakas at kumalma na rin!
"ako? pangalan ko? Iron man :D di biro lang.. ako nga pala si Ulric Vann, 4th year senior kukuha pa siguro ako ng second course para maraming experience :)"
"ahhh kuya nga pala kita eh! ako naman si Ahlyce Chandria, 2nd year nice to meet you :D" huh? 2nd year?! so junior talaga siya dito sa University! sayang 1 year nalang itatagal ko dito sa University di nako makapag bonding sa mga juniors pero ok lang ka batch mate niya rin kapatid ko
"ano nga pala itatawag ko sayo? kuya? kuya vann? kuya ulric?.. di naman bagay ehh parang magkasing edad mo lang ang juniors hahahah teka ano palang club sinalihan mo? wala pa kasi akong napili ehh"
"kahit ano pwede mong itawag sakin :) .. wala pa?! swerte ko naman, know knowledge club isa nga pala ako sa mga officer dun na club baka interesado kang sumali Ahlyce? pwede ako nalang mag register para sa'yo" kailangan kong kapalan ang mukha ko para di makatikim ng bug'bog sirado sa club president namin grabe si ms.president kahit babae parang mas malakas pa siya sa lalake
"talaga?? sureness? sige!" sabi ni ahlyce sakin na naka ngiti, naiilang na ako sa tuwing nakikita ko siyang tumatawa or ngumingiti ewan ko kung bakit :/ first time kong maka ramdam ng ganito ehhh whole life ko naging manhid ako sa lahat pero siya? si ahlyce? may kakaiba talaga sa kanya na wala ang iba..
BINABASA MO ANG
Unbreakble Me
Novela JuvenilNagsimula ang lahat sa Mellow University na ang mga estudyante ay maaliwalas at walang away pwera lang kina Ahlyce Chandria Santos at Johnathan Darrel Villanueva na sobrang magkaaway daig pa ang aso't pusa, soul mate nga ba sila? or mortal enemy? fo...