12

6 0 0
                                    

Una

Iniwan kita

Ang lakas ng loob kong tapusin kung anong meron tayo

Kasi ramdam ng puso't kaluluwa ko na pagod na pagod na ko

Pagod sa trabaho, sa bahay, sa buhay

Pati na rin sayo



Pangalawa

Hindi ka sumagi sa isip ko kahit saglit pa

Ang saya kong nakalaya sa relasyon nating dalawa

Diba meron pa nga akong nahanap na iba?

At nasa isip ko noon, wala nang mas hihigit pa



Pangatlo

Masaya kami nung bago ko

Nakukumpara ko pa nga sya sayo

Mas lalo akong naging kumbinsido

Na tama yung naging desisyon ko



Pang-apat

Masasabi kong minahal ko sya ng sapat

Binigay ko ang dapat, lahat-lahat

Bawat minutong ang mga labi nami'y magkalapat

Tila bang ako'y nalulunod sa alon ng dagat



Pang-lima

Eto nga't nagkakalabuan na

Yung dating masasayang araw naming dalawa

Nararamdaman kong mawawala na

Sinusubukan kong isalba kung ano man yung natitira

Pero ramdam kong sya rin, bumibigay na



Pang-anim, Pang-pito

Eto na at ikukwento ko sayo kung pano kami naging malabo

Dahil narin siguro sa kagagagawan ko

Mga salitang hindi sinasadyang bitiwan,

Kusang lumalabas na para bang ewan

Siguro nga at hindi rin kamitama,

Isa kaming matinding halimbawa,

Na pinagtagpo pero hindi itinadhana



Pang-walo hanggang panlabing-isa

Yung puso't isip ko sobrang nangongonsensya

Bumabalik lahat ng masasasayang ala-ala

Sa loob ng halos apat na taong tinapon kong parang basura



Labindalawa

Isang taon at higit na ang nawala

Ngunit ramdam ko parin lahat ng init na ipinaramdam mo

Lalo na sa mga gabing magkatabi tayo na para bang tayo lang ang tao sa mundo



Paulit-ulit akong gumagawa ng scenario sa isip ko

Pano kung magkita ulit tayo?

Napatawad mo na kaya ako?

Pwede pa kaya ulit tayo?

Dahil sobrang nagsisisi na ako



Higit isang taon na, pero naiisip ko pa rin

Lahat ng masasaya pati na malulungkot na ala-ala natin

Yakap mong mahigpit sabay halik sakin

Paghawak mo sa'king kamay na parang ako'y inaangkin



Ang dami kong natutunan sa loob ng maiksing panahon na wala ka sa tabi ko,

Lahat ng ginagawa nating magkasama, ngayon, mag-isa ako

Lalo kong naisip na sana pinahalagahan ko lahat ng meron tayo

Dahil kahit labindalawang buwan na ang nakalipas, ikaw pa rin ang nasa puso ko.



-

End

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

12Where stories live. Discover now